Chapter 20:

1336 Words

         "Oo, hindi ako maaaring magkamali. Nakuwento niya sa amin na may kakambal siya. Mary Joy, ata ang pangalan. At siya naman ay Mary Grace," ani ng kapatid.         Naguluhan tuloy siya kung sino ba sa dalawa ang kaniyang nakilala. Kung sino sa mga ito ang kaniyang nakakasama. Bakit siya nilinlang ng mga ito. Iisa lang ang pumapasok sa kaniyang isipan sa sandaling iyon, iyon ay ang kausapin si Joy upang malinawan siya.        "Kuya! Kuya! Saan ka pupunta?" Ang tawag sa kaniya ni Tanya pero hindi na niya ito pinansin.             Tama, pupuntahan niya si Joy tutal ay wala naman ang asawa nito. Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Ukopado ng utak ang magulong kinasasangkutan. Paano kung tamang kakambal nito ang Grace na minsan ay naging parte ng kaniyang nakaraan. Nalilito siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD