"BABY," tawag ko kay Fatima. Nag-iihaw siya ng tilapia at barbecue na nasa tabi lang ng cottage namin. Si Fatfat naman ay naglalaro ng sand malapit sa kinatatayuan ni Fatima. Hindi narinig ni Fatima ang tawag ko kung kaya nilapitan ko na, niyapos ko ang kanyang malapad na baywang. "Ay tilapia kong malaki!" gulat na saad niya dahil sa biglang pagyapos ko sa kanyang baywang. Natawa ako sa sinabi niya. Hinampas niya ako sa braso ko nang mabitawan ko siya. "Bakit ka ba nanggugulat. Diyos ko! Magkakaroon yata ako ng sakit sa puso." Reklamo niya. "Tinatawag kaya kita hindi mo ako naririnig. Parang ang lalim yata ng iniisip mo?" Nakangiting wika ko. "Busy ako sa pag-grill. Nakikita mo naman siguro," itinuro niya ang mga tilapia na iniihaw niya sa mahabang grilled stove at saka niya ako