MAGHAPON akong hindi makaget-over sa panaginip ko. Diyos ko napaka-hot ni Andrei. "Fatima!" tawag sa akin ni Marvin. Nakita kong may hawak siyang bulaklak. Lumapit siya sa akin at saka ibinigay ang bungkos ng pulang rosas. Napangiti ako. Walang araw kasi na hindi niya ako binibigyan ng bulaklak o di kaya naman ay tsokolate. Kinuha ko iyon at inamoy. "Salamat dito, huh?" napakamot si Marvin sa kanyang ulo. "Wala iyon, Fatima, basta para sa iyo . Can I invite you to have dinner later?” he asked me. "Oh, sure maaga naman ang out ko ngayon." Wika ko. Napangiti ng malawak si Marvin dahil sa pagpayag ko. ***** SA restaurant malapit lang dito sa ospital kami kumain. Maganda naman ang ambience sa loob at malinis naman. Kaysa lumayo pa kami at baka ma-traffic pa kami sa daan. Napaka