MAY NAGBAGO. Hindi iyon maitatanggi ni Alexis habang pinanonood si Diana na humahakbang palapit sa kanya sa mismong yate na nirentahan niya para sa kanila sa espesyal na gabing iyon. She used to be so excited at the thought of them being together. Kitang-kita iyon sa magandang mukha nito madalas. Pero nang mga sandaling iyon, marahang naglalakad lang ang dalaga palapit sa kanya. Walang halong pagmamadali sa kilos nito na para bang kontrolado nito ang oras. Ngumiti ito sa kanya. Pero bakit pakiramdam niya, hindi na iyon gaya ng dati? Muling pumitlag ang kanyang puso. Malinaw niya nang napapansin ang lahat ngayon. Dati pa ganoon ang reaction ng puso niya tuwing nakikita si Diana pero ngayon niya lang iyon pinagtuunan ng pansin. Pesteng takot at insecurity, kay tagal siyang bini