"UMUWI na tayo." Mula sa pagkakayukyok sa mesa, dahan-dahang nag-angat ng mukha si Diana nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ni Alexis. Nagmamadali siyang inalalayan nito patayo. Kumunot ang noo niya. "Bakit ka bumalik? May meeting ka pa, 'di ba?" "You've always been more important to me than any meetings in the world, Diana." Seryosong sagot ni Alexis. Idinantay nito ang palad sa noo ni Diana. "Hindi rin nila ako mapapakinabangan doon kung sakali. Because my mind is right here with you. Dapat hindi na kita iniwan kanina. Bakit kasi ang tigas ng ulo mo? You should be resting by now. Ang taas ng lagnat mo." Sa kabila ng matinding p*******t ng ulo, sumilay pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi ni Diana nang makita ang pag-aalala sa mga mata ng binata kahit pa nanener