Third Person’s POV Sinalo ng palad ni Euan ang mga patak ng luha ni Tammie. Hinigop ito ng katawan niya at nagliwanag. Kasabay nito ay ang pagdilat at paghahabol niya ng hininga. “Euan!!” Nagising si Tammie sa isang panaginip ngunit hindi niya inaasahan ang makikita niya sa kanyang pagdilat. Nakatunghay sa kanya ang nakangising mukha ni Euan. Nakadagan ito sa kanya ngunit di niya alintana ang bigat nito. Hindi niya mahagilapang ang tamang mga pangungusap upang ilarawan kung ano ang kanyang nararamdam sa mga sandaling yun. “Ang sweet naman ni Cutie pie ko kahit sa panaginip ako parin ang laging iniisip.” Itinaas ni Tammie ang kamay at hinawakan ang pisngi ni Euan. Nabigla naman si Euan sa kinilos ni Tammie lalo na ng bigla siyang niyakap nito. Napayakap narin