Tammie’s POV Huminto ang paligid habang nakayakap si Euan sa akin. Tahimik na ni isang tunog wala kang maririnig, walang kumikilos at maging siya ay hindi na kumikilos Pa-patay na ba siya? Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko ng makarinig ako ng mga yabag ng papalapit na tao. Sinundan ito ng sunod sunod na putok. Isa-isang nagtumbahan ang mga bantay na nakapalibot sa amin ni Euan. Ngayon nakikita ko sa harapan ko si Nicola, Ice, Sab, Stephie at Aeva. Sila ang nagpapaputok sa mga bantay. “We can handle it from here Cola, unfreeze them.” Bumalik ang ingay sa paligid at muling gumalaw si Euan. Bumagsak ang bigat niya sa akin buti nalang malakas ako at nakaya ko siyang alalayan. Humawak ako sa likod niya at agad kong nakapa ang masaganang agos ng dugo palabas sa kataw