Tammie’s POV Habang kumakain kami sa Haven ay nakareceived ako ng text message. From: Mr. Dean Tammie, after school Crow Palace. Simple message lang iyon na nagpakaba sa akin. Bakit kami pinapapunta doon? Hindi kasi maganda ang kutob ko. Pinapapunta lang naman kami doon kapag may training, pagsasabihan o pagagalitan kami. Sa pagkakaalam ko wala na kaming training dahil namaster na naming lahat kaya ang maaaring pwedeng maging dahilan ay pagsabihan o pagalitan talaga kami. “May problema ba?” Tanong ni Euan na pilit tinitingnan ang phone ko. “Nothing off your concern.” Mataray kong sabi sa kanya at tinago agad ang phone ko. “Tsaka ilayo mo nga yang mukha mo sakin. Baka mamaya magkapalit pa tayo ng mukha.” Imbis na ilayo ay lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa aki