Third Person’s POV Litong lito si Aeva ng mga sandaling yun at di malaman kung sino ang maaaring takbuhan. Paulit-ulit niyang tinatanong kung bakit. “Mahal na mahal ko siya…” Mahinang bulong niya habang tumatakbo. Hindi parin tumitigil ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Nakarating siya sa isang park at umupo sa isa sa mga benches doon. Hindi maitatanggi ang pagkakaparehas ni Kai sa batang lalaki sa gilid niya. Napayuko siya at lalo pang humagulgol. I know may mali dito hindi pwedeng magkapatid kami! Pilit niyang iginigiit sa sarili ang bagay na iyon. How can I feel something so strong towards him if we are blood related? This can’t be. “I’m confused…” Naibulalas nalang niya. “I need some answers…” Yun ang huling sinabi niya bago hinayaan ang s