Prologue

377 Words
Paalala: Ang kwento na ito ay sadyang hango lang sa aking malikot na kaisipan. May mga salita o eksena na magaganap na pupukaw sa inyong galit, inis at kalituhan na naway iyong maunawaan na ang tema ng kwento ay sadyang mapanakit na pag-ibig. Marapat na huwag na lang basahin kung ayaw masaktan. Inuulit ko po maaaring magalit sa mga characters —huwag nq huwag lang murahin ang writer. Kung buo ang iyong loob tara na sabayan mo ako sa pagbuo ko ng kwentong ito na ako rin lang ang magmamaneho papunta sa dulo. This is my first try to write Dark Romance, so please unawain o maintindihan niyo sana. I'm a certified fan of Romcom stories, pero to be able to grow and learn ay kailangan din naman na lumihis ng kaunti sa comport zone. Maraming salamat ng sagad sa makakaunawa at sasabayan ako. Paanong umabot sa matinding pighati ang masaya at tahimik buhay ni Elia ng makilala si Primo? Paano na ang akala niyang man of her dreams ay naging monster on her nightmares, kahit pa nga umaga naman at maging dilat na dilat ang kanyang mga mata? Elia Romano isang masipag na babae na may magandang mukha , katawan at katangian pang loob. Nag-iisang anak ni Amallia at Nestor si Elia. Nagisnan na lang ng dalaga na dito na batangas sila nakatira. Lingid sa kanyang kaalaman ay naninirahan pala at nanilbihan ang kanyang ama't ina sa pamilya ng mga Castillo sa Maynila at doon na buo ang pag-iibigan ng kanyang magulang. Ngunit isang trahedya mula sa nakaraan ang magdadala sa dalaga sa buhay na puno ng sakit. Pa-iibigan at lilinangin ni Primo ang babae hanggang makuha ang paghihiganti na nais niya mula sa pamilyang dahilan ng pagkamatay ng kanyang Ina. Matutuklasan din ni Primo na ang babaeng si Elia ay naroon din sa aksidente na kumitil sa buhay ng kanyang kasintahan. Lahat ay isisisi niya sa pamilya at mismong sa dalaga. Magbubulag-bulagan ang lalaki hanggang sa umabot sa punto na hilingin na ni Elia ang kamatayan mula sa kamay mismo ni Primo. May pag-asa pa ba para kay Elia at Primo? Hindi nga ba napapagod ang puso at tanging nagpapahinga lang? O Makakahanap sila ng ibang tao para paghilumin ang sakit na bunga ng paghihiganti?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD