“ Primo' — Anak,Gaano mo ba katagal ako titikisin? Napakatagal na anak, mula ng humiwalay ka ng bahay sa akin! Is it still about your Mom?” Rinig ko na sabi ng lalaki na nakatayo sa harap ng aking office table. I didn't bother to get a glance at a man that was supposed to be my father. Ama na hindi ko naman nararamdaman na ama sa akin.
Tama siya hindi ko kayang umuwi sa bahay niya dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa siya napapatawad sa pagkawala ng aking ina. Hindi ako kumibo sa lalaki, kahit panay ang salita niya sa harapan ko. HIndi pa naman ako ganun ka bastos sa taong kahit paano ay may ambag sa buhay ko kaya nananatili na lang akong tahimik kaysa malapastangan ko siya. Dahil kung wala ang semilya niya hindi naman ako mabubuo at magiging tao. Biglang tumahimik ang paligid kaya naman na patunghay ako at doon nagsalubong ang aming mata.
Bakas na ang edad ng lalaki, ngunit kita pa rin ang kakisigan na sadyang nakatahi na sa pagkatao ng aking ama. Kakisigan na maaaring kahumalingan pa ng mga batang babae lalot may pera at yaman siya. Hindi ko namna nakuha ang katangian niya dahil na mana ko lahat ng features sa aking yumaong ina na si Francisca. Walang namagitan na pag-uusap sa amin ng aking ama na tila ba nagsu-subukan lang kami ng tatag sa pamamagitan ng paglalaban ng tingin. Unang bumawi ng tingin ang aking ama kaya naman, sa loob ko ay masayang masaya ako dahil nakikita ko na panalo na ako ngayon.
“ Please ang tagal na noon Primo, twenty four years na anak. Magsimula na tayo anak. Mabilis na lang panahon at hindi maglalaon ay kukunin na rin ako ng Diyos.” Tila sumusuko na sabi nito sa akin. To be honest wala akong maramdaman na kahit na ano sa lalaking ito. Siguro kasalanan ko rin naman dahil ako ang lumayo. Hindi ko pinansin ang lalaki at hindi ko na nga rin namalayan na nakaalis na pala ito, kaya ng tingnan ko ang orasan ay nakita ko na pasado ala una na pala ng tanghali. Napasandal ako sa swivel chair ko, at napahilot na rin bigla sa aking sentido hindi na naman ako nakakain.
Flashback
Twenty four years na rin pala, yet still fresh pa rin sa utak ko ang nakita ko na pagkahulog ng aking ina mula sa ikatlong palapag ng bahay namin. Limang taong gulang na ako noon, kaya alam ko na nasa itaas noon ang aking Daddy at Mommy na may pinag-aawayan sila na kung anong bagay na normal naman na sa kanila. Ngunit ng lumala ang ingay ay mabilis na umakyat ang kasambahay nami na si Ate Amallia at ang kasintahan nito na si Kuya Nestor na siyang hardinero noon sa amin.
Noon ay nagtataka ako kung bakit magkasintahan pa lang sila ngunit may anak na agad sila na halos mag iisang taon pa lang kahit hindi ko naman na kita na lumaki ang tiyan ng babae. Ilang kalabugan pa at sigawan ang aking narinig hanggang sa makita ko ang dilat na mata ng aking ina habang unti-unting bumalong ang pulang likido na kumalat sa puting-puti na tiles namin . Bigla ay natigilan na ako ng makita ko ang sitwasyon ng aking ina.
Nabalik na lang ako sa wisyo ng sinabing nakaburol na ang aking ina at suicide ang nangyari o dahilan ng kanyang pagkamatay. Gabi gabing lumuluha ako dahil sa pagkawala ng aking ina. Samantalang ang aking ama naman ay panay ang inom ng alak.
Nang mailibing ang aking Mommy nawala na rin si na Ate Amallia at Kuya Nestor na isa sa mga witness ng nangyari. Hindi ako naniniwala noon na nagpakamatay ang aking ina. Para sa anong dahilan? Until I heard my Dad talking to someone. Na sinasabi niyang hindi niya sinasadya ang lahat. Mag mula noon tumimo na sa utak ko na babalikan ko ang kaso sa tamang panahon at hahanapin ko ang taong sangkot sa paglilihim ng katotohanan.
End of flashback
“ Sir, hindi po ba kayo pupunta sa service? Baka lang po nakalimutan niyo ngayong araw ay ang third year death anniversary ni Ma’am Eldridge.” Tinig na pumukaw sa akin. Ang aking long time secretary na talagang maaasahan ko sa lahat ng oras. Hindi ko naman nakalimutan sadyang hindi lang talaga ako pupunta dahil sa sementeryo na lang ako pupunta. Hihingin ko ang gabay ni Mommy at Eldridge para sa mga plano ko. HIndi pwedeng ako lang ang miserable sa lahat ng panahon.
This is the perfect timing lalo’t ako na ang CEO ng Castillo Group, wala na ang access ni Daddy sa kumpanya dahil akin na ang halos 40% share ng kumpanya, samantalang 20 percent ay sa ibang investor at ang remaining 40% pa ay sa unknown person under EC. Wala pang nakakakilala sa taong ‘yun dahil laging legal team niya ang dumarating kapag may annual meeting.
“ Thank’s Maeville, hindi ako pupunta sa house nila sa sementeryo ang tungo ko.” Tipid na sagot ko sa babae na natiling nakatayo lang sa harap ko.
“ Okay Sir—Oo nga po pala nagpa-handa na ako ng two set of flower bouquet para sa Mommy mo at kay Ma’am Eldridge. Gaya pa rin po ng dati ang pinagawa ko. Mauna na po ako Sir,” Magalang na imporma ng babae sa akin.
Hindi na siya kailangan pang utusan o paalalahanan pa sa mga dapat niyang gawin o obligasyon niya bilang sekretarya ko. Eksaktong alas tres ng hapon ay umalis na ako sa opisina ko at nagtungo na sa Heavenly cemetery kung saan nakahimlay ang dalawang babae na mahalaga sa buhay ko.
Si Mommy at si Eldridge. HIndi ko alam bakit lagi akong iniiwan ng mga minamahal ko una ay aking ina. Pangalawa si Eldridge na college girlfriend ko na tanging kasal na lang ang kulang sa aming dalawa. Ngunit kinuha pa rin sa akin dahil sa mga maling gawi ng mga tao. Ang masakit ay dala-dala na nito sa kanyang sinapupunan ang aming supling. Narating ko ang lugar kung saan naroon sila nakalagak.
I wear a perfect smile na parang makikita pa nila ang mga ngiti ko. I was the one who decided na magkatabi si na Mommy at Eldridge para hindi sila magkalayo at malungkot. Kasama ni El sa puntod niya ang munting anghel na hindi naman nalaman kung ano ba ang tunay na kasarian.
“ HI Mom! Nandito ako ulit para bisitahin kita, baka kasi matagalan ako sa susunod na pagbisita. May project kasi sa Balayan kaya doon muna ako. Probinsya kasi ‘yun at kailangan matutukan para bumilis ang progreso ng paggawa. I miss you Mommy, guide me dahil naroon din ang mga taong sagot sa nakaraan.” Mahabang sabi ko sa harap ng puntod ng aking Ina. Tama siya pupunta ako doon dahil sa mga taong pakay ko para sa mga atraso nila sa akin.
“ Hi Honey and Little one! Na miss ko kayo. Honey huwag kang malungkot ah, matatagalan ako bago makabisita sa inyo. But promise may magbabayad sa kapabayaan na siyang naging dahilan ng pagkawala niyo ng baby natin. El ikaw lang hanggang huli, hintayin niyo ako d’yan ng anak natin.” Habang sinasabi ko ang mga salitang ‘yun ay tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha ko kasabay ng pagpatak na rin ng mahina na ambon at paghangin ng malakas.
Namatay si El dahil hindi agad nalapatan ng pangunang lunas dahil mas na priority ang isa pang pasyente na kasabay nito na idinating. All doctors attention ay napunta sa babae na malala daw ng mga oras na ‘yun. Ngunit dahil doon si El naman ang napabayaan nila. Nagkaroon ng internal bleeding si El na naging cause of death niya at anak namin. The hospital didn’t give any information about the patient that they prioritize, but after three years alam ko na at sisiguradahin ko maghihirap ang babaeng ‘yun sa piling ko. Dahil ipaparanas ko ang impyerno na kinasadlakan ko buhat ng mawala si El pati ang aming magiging anak sa buhay ko.