Lesson Two
Worst Try Outs Ever
“Pagod na ako, Cheen.”
- Princess Cheen –
Naghahanap kami ngayon ni Ti-Thees (Xanara) ng pwedeng maging quarters. Di naman sa ayaw namin sa classroom, whatever. Ang buong grupo kasi kailangan ng quarters. Para naman hindi kami gaanong gala, noh.
“Konti pa, Thees. H’wag ka ngang maarte kasi d’yan.” hinihila ko siya patayo. Naka-indian sit na kasi siya do’n sa may bench. Ganyan yan kapag tinatamad.
“Sa kanila ka na lang magpasama. Ayoko na masakit na paa ko.”
“Ilang kilometro palang ang nalalakad natin.” -___-
“Malayo na rin yun.” =___=
Ewan ko sa kanya. Di naman siya maarte dati. Dumating lang galing England natadtad na ng kaartehan ang katawan niya. Di naman mahilig sa crunchies na ice cream yan dati nahilig na siya ngayon. Di naman yan tumatakas dati… well minsan lang kapag may kailangang gawin sa labas, ngayon grabe na. Two years lang siyang nawala sa school ayaw na niyang pumasok. Hirap nga naman kapag spoiled, eh.
Pero kahit ganyan ‘yan si Xanara, di nawawala sa kanya ang pagka-matured niya sa mga bagay na hindi naiintindihan ng ibang tao. Marami na rin kasing pinagdaanan ‘yan. Wala lang sa mukha pero trulalu ‘yon.
“Di pa ba tayo hihinto? Mag-utos ka na lang ng kahit na sino. Pagod na talaga ako, Cheen.” *x*
“Tsk. Naman, eh. Teka, konti pa.”
“Cheen, malaki ang Saint Claire Academy. Hindi ka basta-basta makakahanap unless idaan mo sa audio room at mag-announce ka na naghahanap ang earth princess ng free room na pwedeng tulugan, kainan, pag-campingan, taguan at pagtsismisan ng DESTRUCTION.”
Destruction. It’s Xana’s group. Yep. Our group. We started as solo artists pero naisipan lang naming bumuo ng grupo. Syempre kahit ayaw ni Xanara, siya ang leader. Alangang kami? Mas hectic schedule namin kaysa sa kanyang parelax-relax lang sa refuge niya sa England. -___-
“Eto naman oh. Wala ka na bang ibang alam gawin kung hindi ang mag-utos?” wahaha. Di niya alam dini-distract ko lang siya para tuloy-tuloy lang kami sa lakad. xD
“Ihhh, wala ka ba talagang kapaguran?”
“Tsk. H’wag ka magulo d’yan.”
“Nauuhaw ako.” -___-
“Mamaya na, papadala ako kay Stan.”
“Nagugutom ako.”
“Mamaya na, libre kita sa Coax.”
“Masakit na paa ko.” -___-
“Pagalingin mo. May powers ka.”
Nag-pout lang siya at laglag ang balikat na sumunod sa akin. Wahahaha. Kahit pa siya si Xanara Saint Claire na uber kinatatakutan ng monsters at ng konseho sa Euenessia, isa pa rin siyang babaeng twenty years old pero pang-eight years old ang utak. ^O^
“Huwaw. Dun tayo, Thees, may pogi.”
“Paano mo nalamang pogi eh nakatalikod?” =___=”
“Basta. Naba-vibes ng radar kong gwapo ‘yan.” ^u^ tapos hinila ko siya papalapit doon.
Nagpapapalag siya kaya napahinto kami sa gitna. Binigyan ko siya ng death glare. Nag-death glare din siya sa akin.
“Anong gagawin natin?” -__-++
“Magtatanong lang sa kuyang gwapo kung merong bakanteng room. Ito naman, para ka namang may takot sa mga lalaki eh nagpapagahasa ka nga kay Cyrus.” =___=
“H’wag ka nga. Hindi ako nagpapagahasa du’n, noh. Sadyang malantod lang talaga yung lalaking ‘yon.” -___-
At dahil naibala ko sa kanyon si Cyrus, hindi ko na kinailangang hatakin si Xanara. Nakapamulsa na ang mga kamay niya sa bulsa ng uniform namin habang sinusundan niya lang ako.
“Kyah, Thees, ang gwapo ng likuran.” >__O- Princess Xanara –
Magulo sa court nang datnan namin. Saglit na nanahimik nang dumaan ako sa gitna. Wala ako sa mood ngayon. Mood swings. Hobby ko ‘yan kaya h’wag silang magkakamali. +___+
“RANDAAAAAALL!!!”
Potaness. Ano ba ‘yang mga babaeng ‘yan? Walang Randall dito. -___-++
“Hey, bad mood?” bungad sa amin ni Naya.
“Hindi, good.” -___-
“Woops. Hulaan ko? Pinaglakad ka ni Cheen, noh?”
Gustong-gusto talaga nila akong pagkaisahan. Ano bang meron sa beauty ko at trip nilang laging asarin?
Naupo ako sa upuan na inookupa rin ni Miss Belle. May mesa na pahaba doon kung saan nakalagay ang mga folders ng magta-try out. Nagbuklat lang ako ng ilang wala pang laman pero binalibag ko rin sa mesa. Tuloy ang mga fan girls ng Warriors sa pagtili ng pangalan ni Randall. Wala naman yung tinitilian nila, ah. Antae ‘yan.
“Start na tayo?” tanong ni Miss Belle na tinanguan ko lang.
Nang magsimula silang mag-introduce isa-isa at magpakitang gilas eh tumayo ako at tumabi kay Cheen. Nakasandal siya sa may wall ng gym. Doon na ako nakitingin sa mga nag-try outs. Kahit kasi ayoko, kailangan kong mag-observe. Kailangan nila ng opinyon ko mamaya panigurado.
“Ayokong maniwala sa kanila impernes.”
Napatingin ako sa kanya. Ako ba kausap niya?
“Saan?”
“RANDAAAAAL!!!”
-___-++
First year, second years, third years, pati fourth year. Anak ng! Try out ‘to hindi palakasan ng sigaw!
Hindi na naman ako komportable sa pagtayo kaya hinatak ko si Cheen at umupo kami sa pinanggalingan kong table kanina. Para lang akong hindi maanak na pusa sa likot.
“Yung sinasabi nila about kay Randall.”
“Ano bang sinasabi nila about sa kumag?”
“Pal—fnhsnvrfnfhdgdbhhd”
“RANDAAAAAAAAL!!!”
&%*@2$@#+&!
Wala na akong narinig. Ano ba ‘yan!
“Grabe narinig ko.” -___-
“Tsk. Ang sabi ko pali—dchdhfhcshfjfbzhbshf”
“RANDAAAAAAAAL!!!”
“Oo, may narinig ako.” -___-++
Huminga si Cheen ng malalim. Nyahaha. Napikon na ata. Lagot na. Kasi naman eh noh? Timing na timing ang sigawan sa revelation. Ayan tuloy. Infairness naman di ko kasalanan ‘yan, ah.
“ANG SABI KO PALIKERO DAW SI RANDALL!”
Silence. Bumaling silang lahat sa kakapasok lang na grupo nila Randall, Stanley, Ryle, Cyrus, at Shin. Napatakip sina Stanley at Ryle ng bibig. Si Shin parang nag-aalala ang mukha. Etong si Cyrus ang malala.
“Pfffft! WAHAHAHAHA!”
Natatawa din ng mahina sina Naya at Divina nang lapitan ang table namin pero hindi naman dinig ng lahat. Tawa lang talaga ni Cyrus ang umalingawngaw sa buong court.
“Lagot ka, Cheen.” Pananakot ni Divina na nakatawa.
“Ehe-hehe. Peace tayo, Randall.” ^u^v
Walang imik na naglakad papuntang table namin ang mokong tapos tumapat sa akin at matalim ang titig na inilapit niya ang mukha niya sa akin. Syempre napaatras ako kaya napasandal ako doon sa inuupuan ko.
“H’wag kang maniniwala kay Cheen.”
Pfffft! Nyahaha. Sabay gano’n?
“Di naman ako interesado, noh.” -___-
Mukhang na-satisfied siya kaya nilubayan na niya ang kagandahan ko.
Isang taon akong namalagi sa England ng hindi sila kasama. Ewan kung isang taon nga ba ‘yon. Basta. Isang taon ako sa Euenessia tapos kinailangan kong magpunta ng England para kay Daddy. Iyon kasi ang wish chuvachuchu ng aking minamahal na Lolo kaya ayun.
Iyon ang mga panahong hindi ko sila kasama. I’ve really been used with them following me everywhere lalo na ‘yang si Randall. Kaya nga ngayon parang may distance na talaga. Dati kasi madalas kaming mag-asaran. Ngayon di na masyado. Umeepekto siguro ang hiya sa kanya.
“Aisht. Patigilin n’yo nga ang ulan.” -___-++
Ayoko sa ulan. Ayokong nakukulong sa gym ng umuulan. Tapos ganito pang maraming tao. Kahit maingay sila dinig ko pa rin ang drip-drop ng ulan sa labas. Ayoko ng gano’ng pakiramdam, eh. Lalo akong nagiging emo kapag umuulan. Mahirap n’yan dadami si Cheen. xD
“H’wag kang KJ, Xana.” Sagot ni Naya. “Uutusan mo pa kaming kontrolin ang kalikasan, eh. Okay nga ‘yan, noh. Para di masyadong mainit.”
Mainit o hindi pareho lang. Di ka naman tinatablan. -___-
“May sinasabi ka?” +__+
“May narinig ka?” +___+
Hirap ng telephatic, noh? Kapag may iniisip ka, may third party na nakakasagap.
- Princess Divina –
Inabutan ko ng towel si Cyrus. Eto lang naman ang role ko dito, eh. Ang dakilang taga-abot. Pero okay na rin. Maraming Fafa ang nagta-try out. Wahaha. Makaka-sight seeing na rin.
“You do know that I can read your mind, right?”
(_ _”)
“Weno ngayon sa’yo?”
“Tsk. Tignan mo ‘yang si Randall oh. He’s pissed about the fact that Thees knew about him being that kind of guy.”
Ano ngayon ang konek? Pero sige. Dahil maganda ang topic de pagbigyan.
“Eh talaga namang palikero siya, di ba?”
“Yeah, it’s a fact. Pero ayaw niya pa ring malaman ni Xanara ‘yon. He thinks she’s too fragile to know about those things. Which in reality is not. Madaldal lang talaga ‘yang si Cheen.”
“Psh. Walang interes sa kanya si Xana. Isa pa bawal ‘yon.”
Yeah. Bawal talaga ‘yon. Sabi kasi sa council, mahalin n’yo na ang kahit na sinong prinsesa, h’wag lang ang may basbas ng puso ng Euenessia. At si Xanara, ‘yan ang may basbas kaya nga sa mata ng konseho at lahat ng tao doon, siya ang prinsesa. Nagkakaroon lang ng konting problema kaya ya’ know.
“Masarap daw ang bawal.” Nakangising sabi niya.
Dinagukan ko. -___-++
“Aba’t nananakit ka na, ah. Gusto mo ng halik?”
“Tse. Gusto mo ng sapak?” +__+
Magsasalita pa sana siya nang bigla na lang may pumasok tapos sumigaw ng ‘surprise!’ kaya pinagtinginan siya ng mga nando’n pati na rin sina Xanara. Nakaarko ang kilay ni Cyrus.
“Teka. Pamilyar ka sa akin, eh.”
“Kilala mo?” tanong ko kay Cyrus.
“Hm. Pamilyar, eh.”
Nakatawa yung lalaki. Walang interes si Xanara pero si Cheen mukhang kilala niya. Gano’n din si Ryle. Eh?
“Ah alam ko na! Ikaw yung buntot ni Zoe!” biglang sigaw ni Cyrus.
“Grabe ka naman. Buntot talaga? *x* Ahaha. Sisilip lang sana ako pero naisipan ko na ring mag-try out. Hi, Althea!” ^u^ tapos kumaway siya kay Xanara.
“Get going, Tale. Mag-try out kung magta-try out.” -___-
“Eh teka lang. Kinakabahan ako, eh. Kaya nagsama ako ng isa pa. Teka, ah.” Sumilip siya sa may pintuan ng gym at parang may tinatawag.
Lumapit kami ni Cyrus kina Xanara. Si Randall nasa tabi din at hawak ang bola na nanonood sa ginagawa nung tinawag ni Xana na Tale. Astig talaga ang dating nitong si Randall, eh noh? Kaya ang daming babae ang patay na patay d’yan, eh.
“Sino ba ‘yang Tale na ‘yan?” tanong ko sa kanila.
“Dating kaibigan.” Matipid na sagot ni Ryle na mukhang ayaw nang i-detalye pa ang sagot niya.
Bago ko pa man makilala ang mga ‘yan, kasama na ni Xanara sina Ryle, Stanley at Cyrus. Base kasi sa propesiyang itinakda ng mga elder sa Opalonia, ang prinsesa daw ang magdadala ng mga Avrona na nawala since kasabay ng mga ito ang pagkawala ni Xanara noong sanggol pa siya. Kaya hayun. Si Xanara ang nagbalik sa kanila sa Euenessia.
“Antae, tagal, ah.” React ni Naya.
Eh paano, bukod sa umuulan, kanina pa rin kami nandito. Letsugas kasi ‘tong si Randall, eh. Sabing try out lang nag-held na ng public practice. Gusto lang magpasikat sa harapan ni Xanara na mainit ang ulo. xD
“H’wag kang KJ, boss! Halika na!”
Boss?
Randall started dribbling the ball. Tapos nagshu-shoot siya. Eh tahimik pa rin yung iba. Kaya tanging ang tunog lang ng bola na tumatama sa sahig ang nadidinig namin. Paulit-ulit siyang nagshu-shoot ng bola. Wala naman siyang reaksyon pero parang matamlay siya’t blangko.
His usual face.
“Can you f*cking stop that?” ayan nairita na si Xanara. “Masakit sa tenga.”
“This is a court. Get out if you wanna get rid of the dribbling sound.”
Tumayo na si Xanara kaya naramdaman ng lahat ang tensyon. Maglalakad na sana nang bigla na lang may pumasok na hatak-hatak nung Tale. He’s quite tall. Kasing-tangkad ata ni Randall. Skinny but hey, gwapo. *u*
Then I heard Cyrus chuckled.
“Yeah, right. You showed up.” Nakangiting sabi niya.
“Tss. Let go.” He said coldly to the guy na hawak siya kanina para hatakin papasok.
Basa siya. Mukhang nagpaulan.
“Ih pa’no ‘yan? Paalis na si Xana?”
Nagdire-diretso si Xanara tapos inagaw niya ang bola kay Randall at iyon ang inihagis sa bagong dating na lalaki na nasalo naman nito.
“Shoot.” Malamig na utos ni Xana dito.
Saglit na umarko ang kilay nito ngunit agad din naman nag-aim ng pasimple sa basket. He threw the ball at pumasok ito. Naghiyawan ang mga babae.
“ZEROOOOOOO!” >O<
“Done. Zero’s in.” Then Xanara walked out.