♛♕♛ Ibinaba sila ng karwahe sa tapat ng royal palace kung saan naglalakad din ang iba't ibang mayayamang pamilya papasok sa pagtitipon. Karamihan ng taong dumalo ay inaabangan ang pagdating ni Zeren dahil ito ang unang pagkakataon na dadalo ito ng mayroong kasamang binibini. Lagi kasi itong maingat sa kung sino ang sasamahan niya, wala rin naman nagtatangakang babae ang maging kapareha niya dahil alam ng bawat binibini sa loob ng emperyo na si Zeren ay para sa kanilang lahat at sino man ang umangkin sa kaniya ay aawayin din ng lahat. Ngunit ngayong gabi ay inaabangan ng marami kung sino ang babaeng kaniyang dadalhin sa pagtitipon, may usap-usapan din kasi na may nakakita raw sa Earl noong mga nakaraang linggo na may kasama itong babae sa paglilibot ninto sa bayan. Kaya naman galit n