Chapter- 5

2640 Words
Beijing Capital International Airport. Kasalukuyang nakatayo si Levi at dalawang kasama nito sa arrival area. Agad na kumaway siya ng matanawan ang palabas na pinsan. Kung hindi tumawag si Vince sa kaniya para ipasundo ang pagdating ng kakambal nito ay baka isipin niyang si Vince pa rin ito. “Kumusta ang byahe pinsan?” “Ayos lang, saan pala ako mag-stay?” “Doon ka raw muna sa agencia, at isa pa ay pinapasabi ng Kuya mo na habang naririto ka ay mag training ka raw sa martial arts.” “Bakit pa ay may nilagay na nga siyang bodyguard ko!” “Hindi sa lahat ng oras ay maaari kang protektahan ng bodyguard mo pinsan. Isa pa wala ka namang ibang gagawin dito kaya gawin mo na lang ang kagustuhan ng Kuya mo. wala rin ditong babae dahil mahigpit ang rules ni Kuya Josh.” “Rules my ass...huh! Hindi ako mabubuhay ng walang babae.” “Kung gano’n dito ka na pala mamamatay.” “Sira ka talaga pinsan, hindi pa ako ready sa gano’n. Maraming iiyak na babae pag nangyari yon.” “Maiba tayo, ano ba ang pinasok mo na gulo at bigla kang pinatapon dito ni uncle Lath?” “Grabe ang term mo, ipinatapon talaga? Hindi ba pwede na nagbakasyon lang?” “So, bakasyunan na pala ngayon ang agencia ni Kuya Josh?” “Bakit pala ikaw ang sumundo sa akin? Ang sabi ni Kuya ay may bodyguard na ako?” “Pinsan, sa Europe manggagaling ang bodyguard mo. samantalang galing ka lang ng Pilipinas. Ilang oras ang difference ng London to China and Philippines to China?” “Ouch! Sorry naman nakalimutan ko, sino palang mga pinsan natin ang naka assign dito?” “Si Dark, Troy at minsan si Kuya Luke, pag may mahalagang bagay na pinapagawa si Kuya Josh.” Makalipas ang halos dalawang oras ay narating nila ang agencia. Isang mataas na building iyon at hindi basta agencia lang. Napakaganda at napakalaki kaya hindi na siya magtataka kung bakit mas gusto ng mga pinsan na dito ma-assign. “Sosyal naman pala ang agencia nyo rito.” “So, payag ka ng mag training?” “Ano pa nga ba kundi pumayag na lang.” “Good, dahil sigurado na maiinip ka rito kung walang pagkakaabalahan.” “At bakit naman?” “Dahil hindi ka maaaring lumabas dito hangga’t walang permission mula kay uncle Lath.” Napa ismid na lang siya sa pinsan na tila nang aasar pa. Padating nila sa pinakataas ay naroon ang dawang pinsan na akala mo ay hindi siya nakikita ng mga ito. “Eherm, parang hindi nyo ako nakikita ah!” “Oh, hi, pinsan bakit ka pala naririto ay wala namang babae dito?” “Alam ko, kaya ako naririto ay para mag training huh!” “Wow!” sabay pa ang reaksyon ng dalawang pinsan. Obvious naman na hindi naniniwala sa kaniya.” “Troy, nag order ka na ba ng pagkain? Nagugutom na ako f*cker!” “At sinong may sabi sayo na umakyat ka dito sa taas ng hindi pa kumakain?” “Pagod ako Troy, kaya huwag mo akong asarin. Mag order ka na at sigurado na hindi pa rin kumakain ang bisita natin.” Nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Xion. “Anong ginagawa mo dito?” “Wala kang pakialam! Nabalitaan ko na naririto si Vency kaya ako dumaan dito.” “Tingnan mo ang taong ‘to, galit na naman siguro hindi ka naka-score kagabi kaya ganyan kainit ang ulo mo?” “Tangnamuka! Nasaan si Vency?” “Ayon sa sofa bed, hindi na yata nakayanan ang antok. 4AM, ba naman nag flight papunta rito.” “Pagpahingahin nyo yan dahil kailangan niyang magsimulang mag training bukas. Hihintayin lang natin ang bodyguard niya at parating na yon mamayang gabi.” “Bodyguard? Tapos nauna pa rito ang magiging boss ng bodyguard na yon?” “Sira, anak ni Uncle Jonas ang magiging bodgyguard ni Vency.” “Si James? Yong magaling sa kahit anong laban?” “Yes, siya nga at wala ng iba.” “Naku, si James din ba ang magti-train sa kaniya?” “Not sure, kasi darating si Kuya Josh at baka iyon ang magtuturo diyan kay Vency.” “Yari ang babaero na yan pag si Kuya Josh ang nag-train sa kaniya.” “Troy! Ikaw ba ay mag-order ng pagkain natin o mag dadaldalan na lang kayo ng mga busog na yan?” “Ikaw na kaya pinsan ang bumaba, para naman makasilay ang mga staff ng restaurant sayo.” “Ako na lang ang bibili, saang banda ang restaurant?” “See? Basta makarinig ng babae ay nagsasalita ang tulog!” “Hindi ka pwedeng lumabas Vency!” “F*ck!” napapamura na balik sa higaan. Ilang oras pa lang na hindi nakakalabas ay naiinip na siya.” *** SA Pilipinas ay subsob si Vince sa pag aaral ng hawak na kaso. Masyadong maraming witness ang kalaban ng kaniyang client. Kaya naman ay masusi niya iyong paulit-ulit na binabasa habang ina-analyze. Nangako siya sa kaniyang kliyente na huling paghaharap na iyon sa korte. Kaya naman halos umaga na ng makatulog siya. Samantala ay panay ang tingin ni Jun sa orasan. Sa tingin niya ay hindi pa lumalabas ng kwarto ang kaniyang boss. At kung hindi pa niya ito gigisingin ay malamang na hindi sila aabot sa huling pagdinig ng kaso. Kumatok siya ng ilang beses bago pinihit nag seradura. At tama ang hinala niya, humihilik pa rin ito. “Boss, kung hindi ka pa babangon ay siguradong mababasura ang kaso.” Naalimpungatan si Vince na pagmulat ng mata. At halos mapatalon siya sa ibaba ng kama ng makita ang wall clock. “Bakit hindi mo ako ginising Jun?” “Pasensya na boss ang sarap ng tulog mo.” Habang nasa loob ng banyo ang amo ay pinakialaman na niya ang closet nito. Kinuha niya ng coat and tie, inner shirt, built, sock at nilagay sa ibabaw ng kama. Saktong lumabas ito ng banyo at agad na pinaalam niyang naroon na ang isusuot nito. “Salamat Jun.” “Sige boss, doon na ako sa labas.” “Okay.” Dahil wala na silang oras ay kung saan saan sila lumulusot na daan. Pasalamat lang siya at kabisado ng kaniyang driver bodyguard ang pasikot sikot na daan patungong korte. Halos sumadsad sila ng makapasok sa Basement parking B. Agad na ni-lock ni Jun ang sasakyan at nagmamadali na silang umakyat sa groundfloor. Subalit nang paliko na sila sa pasilyo ay may dalawang lalaking humarang sa kanila. “Attorney, ibigay mo sa amin ang clutch bag mo.” “Bakit ko naman ibibigay sa inyo?” “Kung gano’n ay mamatay kayong dalawa.” Mabilis na bumunot ng baril ang dalawa, ngunit mas mabilis ang kaniyang bodyguard. Nasipa nito agad ng malakas ang dalawa at tumilapon ang mga baril ng mga ito. Agad niyang pinulot iyon at mabilis na ni-release ang mga bala. “Mauna ka na boss! Wala ng oras, ako na ang bahala sa dalawang ‘to.” “Siguraduhin mong hindi ka magkakaroon ng sugat Jun!” “Copy boss.” Humihingal si Vince ng marating ang pintuan. At saktong pagpasok niya ay muntik pang ma-cancel ang huling hearing. Agad na lumapit siya sa judge at humingi ng paumanhin. "I'm sorry for the inconvenience ladies and gentlemen. But since the defendants of both parties are here, we may now proceed to the court." Lumipas ang halos kalahating oras at nagkaroon na ng ingay sa loob ng korte. Huling katanungan na lang at inaasahan ni Vince na sasagutin iyon ng kaniyang kliyente. Kapansin pansin ang pangamba sa mukha ng may edad na lalaki. Kaya’t ang tangi niyang magagawa ay hawakan ang kamay nito. Dahil ito na ang huling tatanungin, alam niya na nagkakaroon ng nerbyos ito. Nangangamba siyang hindi nito masagot ng maayos at mauwi sa pagkatalo nila. Nang tumayo na ang kaniyang kliyente at nagtungo sa stand ay dasal niya’y hindi ito magkamali ng sagot. Halos hindi siya humihinga ng sunod-sunod na katanungan na ginawa ng katunggali. Nag concentrate siyang titigan ang kaniyang kliyente at nang tumingin ito sa kinauupuan niya ay agad na tumango siya rito. Napangiti siya ng walang naging problema at maayos na nakabalik sa dating upuan ang kaniyang kliyente. Dahil sa pagkatalo ng kaso ni Mr Isko Escobar ay halos naglabasan ang ugat nito sa leeg sa sobrang galit. Nahatulan ito ng pagkabilanggo at pinagbabayad ng kauukulang halaga As usual panalo ang kaso nila. “Huwag na po kayong umiyak, magpasalamat na lang tayo sa Diyos at hindi niya tayo pinabayaan.” “Sige po Atty. Montemayor. Mag-ingat kayo sa pag uwi.” “Kayo rin po.” “Paglabas nila ng korte ay maraming media ang nag uunahan na ma-interview siya. Ngunit kahit isa ay wala siyang sinagot. Tumuloy na sila sa parking at mabuti naman ay wala silang naging problema. “Sa bar tayo Jun, pagbibigyan ko lang itong kaibigan ko. Matagal ng nangungulit na pasyalan ko ang bagong tayo niyang negosyo.” “Copy, Boss.” Agad na hinubad ang kaniyang coat and tie at nag bihis ng casual na polo shirt. “Nariyan ang Jeans mo boss sa paper bag. Mabihis ka muna kaya sa men’s room?” “Mabuti pa nga Jun, para maging komportable ako.” Isang Italian restaurant ang kanilang tinigilan. “Mag order ka ng pagkain Jun at pupunta lang ako sa men’s room.” “Sige boss.” Pag labas niya ng restroom ay agad na hinahanap ang kaniyang driver bodyguard. Natanawan niya ito sa medyo kubleng lugar. “Boss nag order na rin ako ng heavy foods para makakain ka muna. Sigurado mapa painom ka ng alak kaya mas mabuti na iyan ang kainin mo.” “Sige Jun, salamat.” isang katangian ng kaniyang bodyguard ang pagiging maalalahanin nito. Kaya naman hindi siya minsan man nag-isip na magdagdag o palitan ito. Dahil ang katumbas ni Jun ay pang sampung tao. “Boss, hindi sa pinangungunahan kita. Paalala lang huwag kang masyadong iinom ng alak. Mahirap na, ngayon na nagpabagsak mo ang mayaman na negosyanteng si Escobar ay sigurado na hindi yon basta mananahimik lang. Mas mabuti na lagi tayong ready sa anumang maaaring mangyari.” Pagpasok nila sa loob ay maraming tao, nakalimutan niyang friday night pala. Sa counter sila naupo, si Jun ay sa pinakadulong upuan. Siniguro na makikita agad niya ang sinumang lalapit sa kaniyang boss. Hindi nagtagal ay may lalaking lumapit at naging alerto agad siya. Ngunit nang magkamay ang dalawa ay nasiguro nyang ito ang kaibigan na sadya nila. Samantala sa ‘di kalayuan table ay may napansin si Jun. kilala niya ang isa sa tatlong babae. At para makasiguro ay tumayo siya at medyo lumapit sa mga ito. Agad ding bumalik sa kinauupuan matapos ma-confirm kung sino iyon. Nang lumayo ang kausap ng kaniyang boss ay agad na nilapitan niya ito. “Boss, si Ma’am Andrea, naririto at may kasamang dalawang babae.” “What?” hindi niya masyadong marinig dahil sa ingay ng paligid. Kaya ang ginawa ni Jun ay sininyasan na lang ang kaniyang boss at tinuro ang table sa ‘di naman kalayuan. “s**t!” uminit agad ang ulo niya ng maaninaw ang mukha ng babae sa tama ng umiikot na mga lights. At hindi niya ugali na maghintay kaya agad na tumayo at tinungo ang table. Si Jun, ay agad na sumunod sa kaniyang boss. “You!” sabay hawak ng mahigpit sa braso nito at hinila patayo ang babae. “S-sandali bitawan mo nga ako!” reklamo niya dahil may kadiliman ay hindi agad niya nakilala ang lalaki. “Anong sandali huh!” agad na dinampot niya ang bag ng babae at hinagis iyon kay Jun. Walang sali salita na binuhat ang babaeng panay protesta sa kaniya. “Ano ba ibaba mo nga ako!” panay hampas niya sa likuran ng lalaki. Sino ba ang bastos na ito at bakit siya basta binuhat na lang. Pagdating nila sa sasakyan ay halos pabalibag na binagsak niya ang katawan doon ng babae. Hindi pa rin tumitigil sa pagtutungayaw sa likuran ng kotse at masakit sa tenga. Sa unahan siya sumakay at inutusan si Jun na mag maneho. “Saan tayo boss?” “Doon sa bahay ng babaeng yan!” “Saan nyo ako dadalhin? Ibababa nyo ako, ano ba wala akong kasalanan sa inyo! Ipa pulis ko kayo, harassment ang ginagawa nyo!” “Shut up! Woman! Or else lalagyan ko ng pasak ang bibig mo!” Natigilan si Andrea ng tila makilala ang lalaki. Sinilip pa talaga niya ang mukha nito sa gilid para makasiguro siya. At halos malanghap na ni Vince ang hininga ng dalaga sa sobrang lapit. Kaya ang ginawa niya ay hinawakan ito sa ulo at agad na tinulak na palayo sa kaniya. “Doon ka nga sa upuan mo!” “A-atty. Montemayor, b-bakit nyo ba ako isinakay dito at saan nyo ako dadalhin?” parang napahiya pa siya sa mga pinagsasabi niya kanina. “Anong ginagawa mo sa lugar na yon? Hindi ba at nag aaral ka?” sa halip ay patanong na sagot niya sa dalaga. “Ahm, niyaya lang ako ng kaibigan ko, birthday niya ngayon. Teka nasaan ang bag ko, kailangan kong tawagan ang bestfriend ko.” “Nariyan po Ma’am sa gilid mo.” malumanay na sagot ni Jun. Nagmamadaling kinuha ni Andrea ang cellphone at tinagawan ang kaibigan. Subalit naka off o kaya ay walang signal iyon. “Sinasayang mo ang pera sa paglalakwatsa! Ang akala pa naman ni Daddy ay matino kang babae!” Natigilan si Andrea sa pagka kalikot ng cellphone ng marinig ang sinasabi tungkol sa kaniya. “Atty. Montemayor, ngayon lang po ako nakapasok sa ganoong lugar at hindi po ako nagsasayang ng pera. Ang kaibigan ko ang nagbabayad doon dahil birthday niya.” “Vince ang pangalan ko hindi Atty!” Samantala si Jun ay lihim na natatawa. Itong boss niya ay obviously inlove talaga sa dalaga. “Okay Vince, hindi po ako mahilig sa mga ganoong lugar kaya lang pinilit lang ako ng birthday celebrant.” “Good! Saka hindi bagay sayo ang magpunta sa ganoong lugar!” Sasagot pa sana siya ng huminto na ang sasakyan. At nang luminga siya sa paligid ay naroon na pala sila sa harapan ng bahay na tinitirhan nilang magkapatid. May pagtataka kung paano nalaman ng mga ito ang bahay. “Huwag kang magtaka kung bakit ko alam ang lugar mo! Dahil lahat ng kilos mo ay alam ko, kaya pag-aaral ang asikasuhin mo at hindi lakwatsa!” Gusto pa sana niyang itama ang maling salita ni Vince kaya lang bumukas na ang pintuan ng sasakyan. Kaya napilitan nang lumabas at tuloy tuloy ng pumasok sa loob ng bahay. “Let’s go Jun, akala mo hindi ko napapansin na pangitngiti ka kanina huh!” “Ikaw naman kasi boss, halatang halata na sobrang in love kay Ma;am Andrea.” “Gano’n ba?” “Wala namang iba na ginagawang masama ang tao ay kung ano anong pinagsasabi mo.” “At hihintayin ko pa na may gawin na masama, bago ako kumilos?” “Hindi naman boss, kaya lang ang reaksyon mo ay para kang isang jealous husband.” “Ako’y tigilan mo Jun.” “Hindi na lang siya umimik kaya wala silang imikan habang patungo sa penthouse ng boss niya para ihatid ito. “Jun, alamin mo ang background ng babaeng kaibigan ni Andrea. Gusto kong malaman kung good influence ang babaeng yon. At ireport mo agad sa akin.” “Copy, boss.” Nang makababa ang amo ay hinintay pa niya na makapasok ito sa loob ng bahay at saka siya umalis. >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD