Ball Party.
“Boss, mag-ingat ka sana lalo na sa loob hindi natin alam kung sino ang kalaban. Baka isa sa mga babaeng hot at sexy ay padala ng kung sinong gustong pumatay sayo.”
“Huwag mo akong masyadong alalahanin Jun, lagi ka lang sa malapit at huwag kang masyadong lalayo sa akin. Basta dating gawi, sakaling may kapansin pansin sa paligid ay timbrehan mo agad ako.”
“Copy boss.”
Bago pa siya bumaba ng sasakyan ay inayos niya ang suot. Kinapa ang secret weapon na nasa bandang paa niya at ng masiguro na nasa ayos ay tinanguan agad si Jun. Halos magkasabayan sila sa paglalakad papasok sa malawak na hall.
“Vency Montemayor?”
“Yes, i am.” simpleng sagot niya sa isang babae na lumapit sa kaniya at sumabay sa paglalakad sa kaniya. Panay rin ang salita nito ngunit dedma lang siya at nakatutok sa unahan ang tingin.
“My Dad, wants to meet you Mr Vency Montemayor. At sana ay pagbigyan mo ang kaniyang invitation.”
“Marami akong schedule Ms, kaya hindi ako makaka sagot agad sa invitation na sinasabi mo.”
“Call me Summer, kung gano’n ay maaari naman siguro na malaman ang iyong private number?”
“I don’t have one, tanging landline ang gamit ko Ms Summer.”
Bumagal ang paglalakad niya ng marinig sa suot na earpiece ang boses ng kaniyang driver bodyguard.
“Turn right boss, para mawala sa paningin mo ang babaeng yan.”
Agad na sinunod niya ang bilin ni Jun, at tama lang dahil kasabay ng pag dilim ng paligid ay umilaw ang spotlight na tila may hinahanap iyon. Isang bakanteng upuan sa may gilid ang kaniyang napili. Doon siya naupo habang si Jun ay nakatayo sa may gilid isang dipa ang layo sa kaniya. Subalit nagulat siya ng ang spotlight ay tumapat sa mismong kinauupuan niya. Ayaw niyang mag react ngunit nang magsalita ang emcee at tawagin ang kaniyang pangalan ay napilitan siyang tumayo.
“Careful boss.”
Subalit hindi pa man lang siya nakarating sa unahan ay isang babae ang sumalubong sa kaniya. At halos mahindik siya ng bigla na lang siyang halikan nito sa labi. Gusto niyang umatras at iwan ang babae subalit halos mag lambitin pa ito sa leeg niya sa higpit ng paghawak nito gamit ang magkabilang braso. Doon mismo sa tapat ng spotlight ay inulit siyang halikan sa labi. Kaya naman sa pagkakataong iyon ay mabilis na nahawakan ang magkabilang braso ng babae at halos maitulak niya ito palayo.
“What’s wrong sweetheart?”
“Wala kang pinipiling lugar, bigyan mo nga ako ng kahihiyan. O baka wala ka sa katawan ng salitang yon!” bigla na lang siyang nakaramdam ng inis.
“Why? Siguro may babae ka sa ball party na ito ano?”
“Hindi kita girlfriend kaya wala kang karapatan na itanong sa akin ang bagay na yan!”
“What are you talking about? Kaya nga tayo narito para ipakilala na kita sa lahat?”
Lihim na napamura siya sa sarili ano ba itong napasukan niya. Ilang beses na ba siyang ilalagay ng kakambal sa ganitong sitwasyon
“Ikaw na lalaki ka pagsisihan mo ang ginawang ito sa akin!” saka niya ito nilapitan at malakas na sinampal. Subalit nahawakan siya nito at halos pilipitin ang kaniyang kamay.
“Senyorita Rafaela, anong nangyayari dito?”
Nag lapitan ang mga lalaki na alam niyang may mga armas sa katawan.
“Pinahiya ako ng lalaking yan, kaya bahala na kayo sa kaniya!”
Naging alerto siya nang mapansin ang paligid, hindi niya masyadong makita dahil silaw siya gawa ng spotlight. Ngunit alam niyang nasa panganib siya kaya agad na nadsalita siya ng code nilang dalawa ni Jun. In a seconds ay nasa tabi niya ito.
“Kailangan nating makakalabas dito Jun.”
At biglang nagdilim ang paligid, alam nilang sila ang target kaya pinatay ang ilaw.
“Hurry boss! Agad nilang tinalunton ang pasilyo subalit pagdating sa dulo ay wala silang lalabasan.”
Malikot ang mga mata ni Jun dahil isang exit ang naroroon at naka kadena iyon.
“Boss…”
“Ano bata, wala na kayong tatakbuhan.”
Nag sinyasan sila sa pamamagitan ng tingin. Apat ang makakalaban nila kaya 1 vs 2 ang laban. Ngunit bihasa sa pakikipag laban ang apat kaya nahihirapan silang dalawa. At naiinip na siya kaya sa mabilis na galaw ay nakuha niya ang nakatago sa kaniyang paa. Maliit na bagay lang yon kaya hindi basta mapapansin. Ngunit may poison ang talim at once na tamaan ay makakaramdam ng pamamanhind ang buong katawan.
“Jun, yuko!” kasabay ay mabilis na kilos ay ibinato niya ang dalawang pirasong hugis stick. Saka nila hinarap ang dalawa pa at sa pagkakataong iyon ay nakalabas sila ng lugar na iyon.
“Ayos ka lang boss?”
“Ayos lang ako, sa mansyon tayo at kakausapin ko si Vency. Hindi na maganda ang nangyayari at sa palagay ko ay hindi basta tatahimik lang ang Rafaela na yon.”
“Boss palagay ko na trap tayo mabuti na lang at nakalabas tayo doon.”
“Anong ibig mong sabihin Jun?”
“May mga tattoo sila na pareho sa mga humarang sa atin noon. Hindi ko makakalimutan ang klase ng tattoo na yon.”
“Paano ka nakakasiguro na pareho iyon ay madilim ang highway at napaka imposible na nakita mo.”
“Dahil sa kotse ni Ma’am Andrea, natamaan ng ilaw ang leeg ng isang bumaril sa atin.”
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo Jun?”
“Sigurado ako boss, baka ang Rafaela na yon ay connected sa taong gustong mag papatay sayo?”
“Ibig bang sabihin ay alam nila na ako ito at hindi si Vency?”
“Yes boss.”
Napaisip siya sa sinabi ng kaniyang driver bodyguard. Posible na kilala silang buong pamilya ng taong iyon. At hindi siya dapat mag aksaya ng panahon. Kailangan na makalabas ng bansa ang kakambal niya sa lalong madaling panahon.
“Boss, doon ka na ba matutulog sa mansyon nyo?”
“Yes Jun at gano’n ka rin hindi ka na maaaring lumabas pa dahil baka may nakasunod pa sa atin.”
“Sige boss, maiba pala ako tumawag si ermat ko kahapon. Gusto raw mag apply si Kuya James sa iyo bilang bodyguard.”
“Iyon ba ang anak ni Uncle Jonas na panganay?”
“Yes boss.”
“Akala ko ba nasa ibang bansa ang mga yon?”
“Yes boss at gustong umuwi dito, kaya baka raw pwede siya sa iyong magtrabaho.”
“Sige kakausapin ko si Uncle Jonas.”
Pagdating nila sa mansyon ay agad na hinanap niya ang kakambal.
“Go to the library Vency!” saka niya ito tinalikuran. At tumuloy sa kwarto ng mga magulang. Mabuti at gising pa ang ama dahil nagbabasa ito.
“Dad, okay lang po ba na makausap ka?”
“Yeah sure, anong pag uusapan natin tungkol ba ito sa kasong hawak mo?”
“Hindi po, pero mahalaga ito Dad, at kailangan ko ang tulong mo para mapalabas agad ng bansa si Vency. Hindi na siya ligtas rito sa Pilipinas.
“What happen to him, nasaan ba siya?”
“Kinausap ko na po na maghintay sa library.”
“Okay, wait for me there.”
“Sige po Dad.” saka siya nagtungo sa library. Naabutan niya ang kapatid na nakahiga sa mahabang sofa.
“You need to go Vency! Hindi ka na ligtas dahil sa mga pinaggagawa mo! Hindi mo kilala ang Rafaela na yon, and she’s dangerous woman! Sa palagay ko ay kilala nila ang buong pamilya natin!”
“A-anong ibig mong sabihin Kuya?”
“Muntik na kaming mayari ni Jun, mabuti na lang at nakapag dala kami ng special weapon!”
Nawala ang antok niya sa narinig sa kaniyang Kuya. At tuluyang napatayo ng pumasok ang ama na may seryosong mukha.
“Iyan ang sinasabi ko sa inyong dalawa, sa kakatago nyo ng tunay na identity ay iyan ang nangyari!”
“Sorry po Dad.”
“Prepare yourself Vency, lilipad ka patungo ng China!”
Hindi siya nakasagot, at kahit ayaw niya ay wala syang karapatang humindi. Order iyon mula sa ama at Kuya niya. Isa pa dahil sa mga kalokohan niya kaya nangyari iyon at muntik ng kapahamakan ng kakambal.
“I’m sorry Kuya, hindi ko naman alam na maling tao pala ang nai-date ko.” at sa halip na magalit ang Kuya niya ay lumapit pa sa kaniya at niyakap siya.
“I’m sorry Vency, kung sa pagkakataong ito ay magkakalayo tayong dalawa. Hindi ka na ligtas dito, isa pa kung mananatili ka at hindi aalis ay siguradong malapit ng mabulgar ang tunay nating pagkatao.”
“Ayos lang Kuya, siguro naman ay papasyalan mo ako doon.”
“Syempre naman, maaari ba namang hindi at isa pa ay may gusto akong kunin na tao para sa protection mo Vency. Alam kong ayaw mo ng may nakabantay sayo pero sa mga nangyayari ngayon ay hindi na ako makakapayag na wala kang bodyguard.”
“Sino naman yon Kuya baka mas maging panganib pa iyon sa buhay ko?”
“Hindi, dahil anak siya ni Uncle Jonas. Si James gustong niyang mag apply sa akin pero nariyan si Jun. Kaya sayo ko siya ibibigay.”
“Nakausap mo na ba ang Uncle Jonas mo?”
“Dad, si Jun po ang nagsabi sa akin kanina lang. Kahapon raw ay kausap ng ermat niya si James at iyon nga ang pinasasabi.”
“Good, para mapanatag ako lalo at anak ni Jonas ang makakasama mo Vency.”
“Sige po Dad, para mapanatag kayo ni Mommy. Basta Kuya pag may oras ka dadalawin mo ako doon?”
“Oo naman, at bawas bawasan mo ang pagka babaero mo. Lalo na ngayon na malayo ka sa amin.”
Hindi na lang siya umimik, baka mali pa masabi niya ay magalit pa sa kaniya ang ama.
“Anong oras ang alis ko Dad?”
“4AM, kaya mag prepare ka na at tatawagan ko ang Uncle Jonas nyo. Para makausap ko rin si James.”
“Sige po Dad, Kuya una na ako.”
Tango na lang ang sinagot niya sa kapatid. Ngayon pa lang ay nakakaradam na siya ng lungkot. Dahil simula sa pagkabata ay ngayon lang sila magkakahiwalay na dalawa.
“Dad, gusto ko rin po na makausap si James.”
“Sige anak, ipaalam lang muna natin sa Uncle mo tapos saka mo tawagan si James.”
Habang nag uusap ang magkaibigan ay nanarili siya sa kinauupuan. Hinihintay niya ang ama para malaman niya kung anong sagot ng Uncle Jonas niya. At sana lang ay pumayag para na rin sa kapatid niya.
“Anak, talk to him.” naroon pala si James.”
Inabot niya ang phone dito at na upo muna siya. At habang kausap niya si James ay lihim na nakamasid si Lath sa anak. Kahit siya ay nakaramdam ng lungkot na malalayo ang isang pang anak. Subalit wala silang ibang pagpipilian ngayon.
“Dad, sinabi ko na kay James na sa china na siya dumiretso. Doon na lang sila magkita ni Vency at pumayag na siya.”
“Kausapin mo ang kapatid mo, doon na sila tumuloy pansamantala sa agencia ni Josh. Gusto kong masiguro na ligtas siya. Habang hindi pa malinaw kung ano ang motibo ni Rafaela. Kung totoo na baka kilala na ang pamilya natin ng babaeng yon. Hintayin niya kamo ang tawag ko at saka sila mag move ni James ng tirahan.”
“Bakit hindi sa mansyon natin sa china?”
“Mahirap na, masyadong malayo sa kabayanan ang mansyon at iilan lang ang kapitbahay. Mas delikado kong doon silang dalawa tutuloy.”
“Wala ka na po bang ibang ibibilin?”
“Wala na, mag-ingat kamo siya at pansamantalang tigilan muna ang kahilingan sa babae huh!”
“I will Dad.”
Naiwan siyang mag-isa sa loob, ngayon niya napag-isip-isip ang mga kalokohan noong araw. Baka ang anak na si Vency ang magmamana sa kaniya. Ang tangi niyang hiling sa Diyos ay sana laging ligtas ang kaniyang mga anak. Ano man ang gagawin o mga hakbang sa hinaharap. Sanay patuloy na gabayan at ligtas sa kahit anong uri ng kapahamakan. Ilang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan saka tumayo at tuloy-tuloy na bumalik sa kwarto nila ng asawa.
“Saan ka galing?”
“Nag usap lang kami ng mga anak mo. By the way kailangan ni Vency na magtungo sa China. At mamaya ng 4AM, ang alis niya.”
“Anong gagawin doon ng anak natin? Si Vince alam ba niya?”
“Oo, magkausap nga kaming tatlo.”
“I see, gaano katagal siya doon?”
“Hindi ko pa alam, baka buwan or taon.”
“What? A-anong ibig mong sabihin na baka taon?” napabagon siya sa narinig na sagot ng asawa.
“Sorry sweetheart, pero he need to stay there hanggang hindi pa nalalaman kung anong motibo ng Rafaela na yon.”
“And who is the lady?”
“Some random girl na gustong pumikot sa anak natin si Vency.”
“Again?” sige doon na lang siya sa China! Ang tigas ng ulo ng anak mo na yon! Palibhasa nagmana sayo!” sabay higa at pumikit.
“Napakamot na lang sa ulo si Lath, ini-off ang ilaw at ini-on ang dalawang lamp sa magkabilang gilid ng malaking kama nila. Saka nahiga at yumakap sa asawa, tama naman ito sa kaniya nga nagmana ang anak.
“Kinabukasan ay sinadyang gumising ng maaga ni Vince. Hinintay niya ang kakambal sa kitchen at nilutuan niya rin ng almusal.
“Kuya, bakit ka pa nagluto? Ang aga pa masyado para sa breakfast.”
“Maupo ka na at kumain,” siya na ang nag sandok ng pagkain para hindi maka tutol ang kapatid. Ginawan rin niya ito ng kape at ginawan ng sandwich saka nilagay sa baunan at pinasok sa bag nito.
“Salamat Kuya,” iyon lang ang tangi niyang nasabi.
“Basta pag okay na ang sitwasyon ay ipapaalam ko agad sayo. Para makabalik ka kaagad dito, kaya naman pakiusap bawasan mo muna ang babae. Ayaw kong maka balita ng hindi maganda na nangyayari sayo doon.”
“Oo na Kuya, ikaw talaga aalis na lang ako ay sermon pa rin.”
“Sorry, ayaw ko lang na mapahamak ka. Malayo ka sa akin at hindi ko maiwasan na mag alala sayo.”
“Sorry din Kuya, hayaan mo at susundin ko ang mga bilin mo.” matapos kumain ay agad na nagtungo sa isang room para mag sipilyo.
Si Vince ay hinila ang maleta ng kapatid at dinala na sa labas. Naroon ang driver at mga bodyguar na maghahatid sa airport.
Samantala ay kumatok si Vency sa kwarto ng mga magulang.
“Mommy Daddy, aalis na po ako.”
“Anak mag-ingat ka doon. Ang mga bilin ng Kuya mo ay sanay sundin mo.”
“Opo Mom,” matapos humalik sa ina ay yumakap na lang siya sa ama. “Sorry po Dad.”
“Mag-ingat ka doon, tumawag ka pagkarating mo para mapanatag kami rito.”
“Opo, Dad.”
Sa baba ay naabutan niya ang kapatid na kausap ang mga bodyguard pati na ang driver.
“Kuya, alis na ako.”
“Ingat brother, tawagan mo agad ako, okay?”
“Syempre naman.”
Hanggang natatanaw pa niya ang sasakyan ay nanatili siya sa pagkaka tayo. Pumasok lang siya ng tuluyang mawala na sa paningin.
“Good morning, boss.”
“Ang aga mo naman gumising Jun?”
“Maaga ring nakatulog kagabi boss kaya gano’n. Saka gusto kong mag jogging diyan sa labas.”
“Go ahead at babalik pa ako sa pagtulog kahit dalawang oras pa.”
“Take your time boss, tawagin mo lang ako pag gising mo kung may ipapagawa ka or ipag uutos.”
Tumango lang siya at tumalikod na.”
>>>