Chapter 4

1115 Words
Vhenno POV "Tumigil ka!" sita niya sa akin ng banggain ako. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Iwan mo na ako gusto kong mapag-isa uuwi na ako," aniya sa akin. She's the girl I want to be with forever, my bhabe Jia Li. "Sorry," hinging paumanhin ko sa kanya nakasunod na lang ako. "Fine!" simangot aniya sa akin at mabilis na lumakad na lang. After 3 minutes Nakarating na kami sa restaurant na walang nangyaring aksidente sa kalsada. "Upo ka muna dyan," alok ko sa kanya nang pumunta kami sa table. "Thanks, bhabe." aniya nang naupo na siya sa bakanteng upuan. "Wait, waiter!" tawag ko sa isang lalaki nang makitang papunta ito sa table namin. "Yes, sir?" tanong ng waiter sa akin nang lumapit ito sa pwesto namin. "Heto ang order namin," aniko sa waiter at tinuro ko pa ang mga pagkain na nakalagay sa menu. "Thank you, sir." wika ng waiter sa akin sabay alis na lang sa tabi ng table namin. Parang may iba sa kanya ngayon na hindi ko matukoy kung ano? Nang makita kong tahimik lang siya. "Okay ka lang ba?" tanong ko nang mapansin na tulala ito. "Yes, I'm okay." aniya sa akin kaagad siyang umiwas. "Pwede na ba ulit?" tanong ko habang inilalapag ng waiter ang order sa mesa. "Which? I'm not the same as the others, which almost happened to us in the past." aniya at tumayo na lang siya kaagad sa inuupuan niya. "Ganoon ba," malungkot sambit ko nagulat nang makitang tumayo ang girlfriend ko. "Oo, uuwi na ako sa bahay namin," aniya nang tumayo siya sa upuan. "Hindi pa natin kinakain ang order natin," aniko tinignan ko siya sa mata. "I-take out mo na lang kung nanghihinayang ka sa pagkain," aniya bago siya maglalakad palabas ng restaurant. "Where are you going?" takang tanong ko nang sundan at hinawakan ko siya sa braso. "Uuwi na ako," mataray aniya binigwasan niya ang kamay sa akin at lumakad palabas ng restaurant. May problema ba siya?! Kaya masungit siya sa akin. Sinundan ko na lang siya ng tingin ng makalabas siya. Sa kabilang dako Umalis na ako sa restaurant at may isang lugar lang ako gusto puntahan ngayon para mawala ang init ng ulo ko. Plaza... Masasabi ko bang karma ko ito iniwan ko ang tulad niya dahil, ang dati kong minahal may iba na agad hindi ko alam pero, naiinis ako kay Chie na kasama niya si Thea. Nang makita ko ang dating girlfriend sa dating tagpuan namin kung saan palagi kami noon tumatambay kapag nag-iisa. Umalis na sa plaza sina Thea at Chie para umuwi sa kanilang bahay. Hinatid ni Chie sa kanto ng bahay si Thea bago siya umalis sa bahay nito. Ma..Thea, I'm sorry... Umuwi na ako sa bahay namin at nang makarating ako kaagad na dumeretso ako sa kwarto ko. Ramdam ko na nagbabago na si Jia hindi na siya ang babaeng una kong nakita. "Anak.." tawag ng mommy ko sa akin mula sa labas ng kwarto ko. "Magpapalit lang ako ng damit, mom susunod na lang ako," sigaw ko pero bakit nung makita kong masaya na sa iba si Thea nakaramdam ako ng pagkirot sa puso. Ahhhh....gulong-gulo na ako! Bumangon ako sa kama at may kinuha sa cabinet ko. Isang rectangle box ang kinuha ko at pinatong sa kama pagka-balik ko. Kaagad kong binuksan ang takip bumungad ang mga sulat mula sa kanya. Binuklat ko ang mga sulat na nakukuha ko at muling binabasa ang sulat mula sa kanya. Papa, happy anniversary sa amon. Salamat ug kanunay nga anaa alang kanako, gihigugma ko ikaw pag-ayo. (Papa, happy anniversary sa atin. Salamat at nandiyan palagi sa tabi ko, mahal na mahal kita.) Papa, happy birthday nadawat nimo akong regalo sa imo? Nagustuhan ba nimo kini? Giipon ra nako kay kabalo ko ganahan ka nimo. (Papa, happy birthday natanggap mo ang regalo ko sayo? Nagustuhan mo? Pinag-ipunan ko pa 'yan dahil alam kong gusto mo 'yan.) Hinanap ko ang regalo niya sa akin at nakasabit ito sa may salamin ko. Ordinaryo man tignan pero iba ito at masaya ako noong niregalo niya ito sa akin. Malipayong Pasko, papa uy ayaw pagkababaye didto sa Amerika naa pa ang mga tisa didto basin imo ako ibaylo, gihigugma tika maghulat ko sa imong pagbalik. (Merry Christmas, papa hoy huwag ka mang-babae diyan sa America mga tisay pa naman diyan baka ipagpalit mo ako, mahal kita hihintayin ko ang pagbabalik mo.) Napangiti ako sa nabasa ko, noong panahon nag-bakasyon ako nito sa America. Malipayong Bag-ong Tuig! Gimingaw ko nimo papa kanus-a ka mobalik? Mahal ang pagpadala sulat didto apan, bisan kung wala man ako’y pakialam. (Happy New Year! I miss you, papa kailan ka babalik? Ang mahal naman padala ng sulat diyan pero, kahit ganoon wala akong pakialam.) Tiniklop ko na ang sulat at binalik sa rectangle box. Mga alaala ko sa kanya na hindi ko makakalimutan. Nakaka-intindi ako ng sulat nang language ng Cebu at pagsasalita pero hindi ako marunong magsalita o sumulat. Panghihinayang na iniwan ko siya nang walang magandang dahilan. Kundi, nagmahal lang ng ibang babae binalik ko sa cabinet ang hawak ko. Mahal ko siya kung ano ang itsura niya o pang-labas niyang anyo at pagkatao niya. Ang mali ko at nitong puso ko ay tumibok ito sa ibang babae kahit mahal ko siya iniwan ko siya para sa iba. Pero, nung nakita kong nakangiti siya kay Chie na kaibigan ng girlfriend ko. Nakaramdam ako ng pagseselos na dapat hindi na, ako naman ang nang-iwan at hindi siya. "Anak, kain na!" tawag ng mommy ko mula sa labas ng kwarto ko. "Nandyan na, mom!" aniko at inayos ang kalat ko sa kama bago binuksan ang pintuan bumungad sa akin si mommy. "Kailan mo ba ipapakilala ang bago mong girlfriend?" tanong niya nang pababa kami ng hagdanan ngumiti ako sa kanya. "Kapag nagkaroon siya ng oras, mom." aniko sa kanya. "Busy ba siya palagi?" sambit niya. "Oo, mom." kaila ko kahit hindi ako sigurado. "Gusto ko makilala ang bago mong girlfriend, anak nasasaktan ako para ex mo mabait siyang babae pinagpalit mo sa iba? Kaya gusto ko makilala ang pinalit mo sa kanya." wika ni mommy tinawag niya ang katulong namin para mag-hain. Pagkatapos namin kumain nagpaalam ako sa mommy na may gagawin. Kahit wala, hindi ako mahilig mag-internet at gumawa lang ako ng f*******: para sa kanya. Tinignan ko ang post niya mas lalo siyang gumanda ng inalis ang makapal niyang salamin at inunat ang mahaba niyang buhok. Tinignan ko ang f*******: ng girlfriend ko kakaunti lang ang post niya. Baka, katulad ko hindi siya mahilig sa f*******:. Humiga na ako para matulog bago man tinabi ko muna ang laptop ko sa may computer table.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD