Chie POV
Nang umalis ako nagpunta ako sa library at may kinuha nagpunta na ako kay Thea.
"Nasaan na si Kenchie?" tanong ng kaklase namin kay Thea ng marinig ko ang pangalan ko.
"Ako ba ang hinahanap nyo," bungad ko nang lumapit sa tatlong babae.
"Kanina ka pa hinhintay nito." birong wika ng kaklase namin sa kanya nang lumapit ako sa kanila.
"Ang tagal mo dumating sa fountain kaya umalis na ako dun," aniya sa akin.
"Nagpunta ako sa library saglit para sa assignment natin kimuha ako ng book." aniko sa kanya.
"Saan tayo gagawa ng assignment?" tanong niya sa akin.
"Sa inyo na lang," aniko sa kanya.
"Bakit hindi sa inyo para sama-sama tayo sa paggawa ng assignment?" tanong niya sa akin nang naglalakad kaming dalawa palabas ng 7-11.
"Wala si Jia sa bahay at nandito pa sa school ang kapatid niya saka si Kecha may pupuntahan daw kaya hindi pwede kasi hindi palagi hawak ang susi ng bahay namin," kaila ko at naglakad palabas.
"Ah, ganun ba." sambit niya sa akin.
"Oo," kaila ko sa kanya.
"Sige, sa amin na lang para maipakilala kita sa magulang ko." aniya sa akin.
Nagpaalam na siya sa mga kasamang kaklase namin at umalis na kaming dalawa.
"Do you have a problem?" tanong niya sa akin habang kumakain kami sa isang restaurant.
"Wala," kaila ko sa kanya at umiwas kaagad ako ng tingin.
"Hmmm, may girlfriend ka na ba?" tanong niya habang uimiinom siya ng tea.
"Hindi ko masasabing may girlfriend ako, kung wala naman talaga." kaila ko at umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"Will you be my boyfriend?" prangkang tanong niya sa akin nang maubos niya ang iniinom na tea.
"Why?" takang tanong ko kaagad at tumingin ako bigla.
"Because my EX," diing amin niya sa akin nang titigan na lang niya ako sa mata.
"Sino ba siya?" tanong ko.
"Si Vhenno 'yong boyfriend ng kaibigan mo, gusto ko siyang gantihan." aniya nagulat ako sa nalaman ko.
Ex niya si Vhenno?
"Bakit ako?" tanong ko.
"Kaibigan mo si Jia at girlfriend siya ni Vhenno," mabilis nasambit niya sa akin.
"Bakit ako pa? Dinamay mo ako sa plano mo," aniko.
"Wala akong plano biglaan itong sumagi sa isip ko at gusto ko siya gantihan para magdusa siya kahit papaano," aniya.
"Pero, masasaktan si Jia." amin ko at tumingin ako sa mata niya.
"Gusto o mahal mo na si Jia, pinipigilan mo lang ang sarili mong mahulog ng tuluyan ng loob mo sa kanya." puna niya natahimik ako sa sinabi niya.
Tumahimik ako at nagbayad na ako ng bill nang pinagckainan namin nang tawagin niya ang waiter. Lumabas na kaming dalawa at naglakad-lakad.
"Paano mo naging kaibigan sina Jia at Kecha?" tanong niya sa akin.
"Sa dating school namin sa China dun kami nagkakilala at naging magkaibigan," aniko nilagay ko sa bulsa ang dalawang kamay ko.
"Napansin ko na iba ang tingin mo sa kanya," aniya napabaling ako ng tingin sa kanya.
"Napansin mo pala ganun talaga ako sa isang kaibigan," aniko pumasok kami sa loob ng simbahan.
"Iba ang tingin mo sa kaibigan nyo na si Kecha at kay Jia may kahulugan ang pagtingin mo sa kanya, pwede ba ako magtanong sayo?" sambit niya tumabi ng upo sa akin.
"Ano ang itatanong mo?" tanong ko na lang ng mapatingin ako.
"May gusto ka ba kay Jia?" tanong niya nakipag-titigan siya sa akin.
"Bakit mo natanong 'yan?" tanong ko.
"Dahil iba ka kung makatingin sa kanya at ganun si Vhenno kay Jia nang iwan niya ako," aniya tumingin siya sa altar pagkatapos.
"Iwan? Naging kayo ba ni Vhenno?" tanong ko bumili ako ng dirty ice cream sa nagtitinda nang lumabas na kami ng simbahan.
"Aaminin ko sayo na noon naging kami ni Vhenno pero, naka-move on na ako sa aming relasyon," amin niya kinuha niya ang inaabot kong dirty ice cream.
"Naka-move on ka na ba talaga? Kung totoo, bakit wala kang pinalit sa kanya bilang boyfriend mo?" tanong ko naupo kami sa bato kung saan may nakatayong puno.
"Kung magkakaroon ako ng bagong boyfriend gusto ko kapag nakita ko na siya at mamahalin niya ako ng tapat," aniya at dinilaan niya ang ice icream.
"Tama ka," aniko dinilaan ko na rin ang hawak kong ice cream.
"Gusto mo ba makita ang pagseselos ni Jia kapag magkasama tayong dalawa? Nakita ko rin sa kanya nung magkasama tayo nun, ang selos na nararamdaman niya nakita ko 'yon sa mga mata niya," aniya muling dinilaan niya ang hawak niyang ice cream.
"Selos? Imposible..." aniko at natawa na lang ako.
"Kaibigan ang turing ko sayo mula nang makausap kita mabait ka alam kong tinatago mo ang feelings mo kay Jia tulad mo ako noon kay Vhenno pero, sa huli iniwan niya ako manghihinayang man ako kahit papaano naging masaya ako sa piling niya," amin niya ngumiti siya sa akin.
"Sa tingin mo makikita kong magseselos siya?" tanong ko.
"Kung mahal mo ang isang tao makikita mo sa mata niya ang selos na mararamdaman niya," aniya.
"Hindi ko alam na kaibigan mo na ako nun para sa akin hindi pa, sige pag-iisipan ko ang suggestion mo," aniko.
"Bukas date ulit tayo, hindi pala date kilalanin natin ang bawat isa bilang magkaibigan," aniya at ngumiti na lang siya sa akin.
"Friends?" alok ko at makikipag-kamay ako sa kanya bago ngumiti.
"Friends," aniya hinalikan niya ako sa pisngi nabigla naman ako sa ginawa niya.
Nang makauwi na ako binati ko si ate Yolly ang yaya nila.
"Nandyan na ang magkapatid, 'ya?" tanong ko.
"Wala pa si Jia pero ang kapatid niya nasa kwarto nandito ang kaibigan niya at may ginawa yata sila," sambit niya sa akin.
Tumango lang ako at nagtanong na kung may pagkain at ngumiti siya sa akin. Nagpunta muna ako sa kwarto namin para makapagpalit ako ng damit.
Bumaba ulit ako para kumain ng hapunan nang matapos ako. Inaya ko ang soon to be brother in law ko na manood kami ng movie pero tumanggi ito. Humiga na lang ako sa sofa para hintayin ang fiancee ko.
"Hon, hey! There you go to bed in our room," yugyog ng taong kumakalabit sa akin.
Nang imulat ko ang isang mata ko nakita ko ang babaeng mahal ko.
"Hmmm, ni weisheme gang hui jia, hon?" kunot-noong tanong ko nang makita ko naka-yukyok at kita ang dibdib nito.
(Why are you just coming home?)
"Na-traffic ako eh!" kaila niya pero alam ko ang totoo at tumayo ako sa sofa saka lumakad pa-akyat sa kwarto namin.
"Fine," dabog sambit ko at mabilis ako umaakyat sa kwarto namin.
It's hard to hide her, I feel jealous.
"Hon, sorry." salubong na bungad niya nang makalabas ako ng banyo.
"Fine." dabog sambit ko nang nahiga na ako sa kama namin.
"Wait! Kamusta ang date nyo ni Thea?" tanong niya nang tabihan niya ako sa kama.
"Ayos lang," mahinahong aniko at humarap ako bigla nagtama ang tingin namin.
Tumawa siya bigla sa hindi ko malamang dahilan.
"Bakit ka natatawa?" takang tanong ko nang makitang tumatawa ito.
"Wala, hon haha!" natatawang aniya at humiga na rin ito ng maayos at dumantay sa braso ko.
Hinalikan niya ako sa ilong nagtataka ako sa kinikilos niya.
Bakit siya ganun?! Napapansin ko sa kanya nang makalipas dalawang buwan, mayroon siyang malalim na iniisip, ano kaya 'yun? Hinalikan ko siya sa labi niya.
"Matulog na nga tayo," aya ko at yumakap ako sa kanya saka hinalikan ko ang labi naramdaman niyang tumugon naman sa akin.
"Yes, boss!" natatawang sigaw niya at tinugon niya ang halik ko.
Umungol ako ng hinalikan ko siya sa leeg niya.
"Ahhhhhh!!!" sigaw niya nang kagatin ko siya sa leeg at naramdaman niyang gumapang ang kamay ko sa loob ng damit niya.
"Haha!" natatawang aniko nang humiwalay siya sa akin ngumisi ako sa kanya.
"Tse! Ang sakit kaya!" sumimangot sambit niya kaya tumagilid na lang ito nang higa.
"Masarap ba?" birong bulong ko at yumakap na lang ako sa likod nito.
"Tse! Tigilan mo nga ako!" sigaw niya at tumayo siya sa kama namin saka dumeretso sa loob banyo.
"Hey!" tawag ko sa kanya at sinundan ko ito sa banyo nang isasara nito kaagad ang pinto hinarang ko ang paa ko.
"Lumabas ka nga dito!" pasigaw niya at tinulak-tulak niya ako palabas ng pintuan ng banyo para maisara niya ito.
"Ayoko nga!" asar sambit ko at tinulak ko din pabukas ang pintuan ng banyo.
"Ahhhh!" sigaw niya nang maramdaman nya na hinawakan sya sa loob ng kanyang damit napabitaw sya sa pintuan.
"Sobra ka na!" pasigaw niya sa akin saka niya ako tinulak muli ang pintuan pasara at naipit ang kamay ko.
"Please!" nagmamakaawang aniko nang napabitaw ako.
"Kiniliti mo pa ako at saka may KASALANAN ka pa sa akin!" sigaw niya sabay padabog na sinara niya ang pintuan ng banyo.
Siya ang may ginawang kasalanan pero ako ang nakikita niya.
Kinabukasan, habang namamasyal kaming tatlo nasalubong namin si Thea binati ko siya.
"Hey!" bati niya nang makita niya ako at hinalikan niya ako sa pisngi nagulat naman ako sa ginawa niya.
"Hi, Thea!" bati ko nang lumayo na ito sa akin.
"Hi, Kecha!" bati niya kay Kecha nang mapansin niya ito.
"Free ka ba?" tanong niya sa akin nang mapatingin ako sa fiancee ko.
"Hmmm..." alanganin kong sambit saka ako tumingin muna sa fiancee ko at nakita kong nakasimagot na ito.
"Ano?" sambit niya sa akin.
"Sige," aniko sa kanya nang ibalik ko ang tingin.
"Hi din!" bati ni Kecha kay Thea nang tumingin at ngumiti sa kanya.
"Bukas ah!" aniya sa akin saka umalis sa harap naming tatlo.
"Bukas akala ko ngayon?" takang tanong ko lumingon ako sa kanya.
"May pupuntahan kami ng kaibigan ko ayun siya," aniya at tinuro nito ang babaeng nakatayo sa tapat namin.
"Ni weisheme tongyi?" simangot tanong niya at lumakad na kami palayo sa kanila.
(Why do you agree?)
"Gusto ko lang," aniko.
"See you tomorrow, Ken!" sigaw niya kumaway ito bago lumayo na rin sa amin.
"Sige," aniko.
"Ayokong mag-date kayong dalawa," mahinang sigaw niya habang sinusundan namin siya sa paglalakad.
"Ano ka ba!?" sita namin sa kanya.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ng kaibigan niya natahimik na lang siya.
"Huh? Friendly date lang 'yon, pengyou." sabat ng kaibigan namin sa kanya.
(friend.)
"Ang landi niya!" sigaw niya at sumimangot bago naupo sya sa may swing.
Napailing na lang ako sa inasta niya.
"Friendly date!? Sa kanya hindi eh!" busangot na amin niya sa akin.
"Nagseselos ka ba?" tanong ng kaibigan ko sa kanya.
"Oo," amin niya sa amin.
"Ako nga hinayaan kang dumikit at makipag-relasyon sa ibang lalaki pero, ako hindi pwede? Parang mali naman 'yon?" patanong sambit ko nang tumingin ako sa kanya.
"Lalaki ka, hon madali kang matukso sa ibang babae," aniya sa akin.
"Kung gusto kong matukso, matutukso ako," aniko nainis ako sa kanya saka naupo sa kabilang swing.
"Fine!" padabog sambit niya.
"Hay! May LQ naman kayong dalawa," sita ng kaibigan namin at pumagitna siya sa swing.
"Siya kasi eh!" paninising aniya nang lumingon siya sa kaibigan namin.
"Ako? Sino ba ang nauna? Mas nauna ka pa nga sa akin." aniko at umiwas siya ng tingin.
"Ako?" takang aniya tinuro pa niya ang sarili.
"Ikaw!" sita ng kaibigan namin tinignan niya ito ng masama.
"Sige, pagtulungan nyo ako!" aniya sa aming dalawa.
Tumawa na lang ang kaibigan namin sa amin.
Tumahimik na lang siya at napabuntong-hininga.
"Oo, ikaw hinahayaan ka niya sa mga kalokohan mo pero, siya ngayon may lumalapit na babae sa kanya makareact ka WAGAS!" paninising sambit ng kaibigan namin at tinignan niya ito ng masama.
"Nagselos ako at takot akong mawala siya sa akin," malungkot na amin niya sa akin tumingin siya.
Hindi na kami nakasagot sa sinabi niya huminga na lang ako.
"Nagseselos ako eh! Oo, may tiwala ako sayo, hon." aniya sabay tingin sa akin.
"Wala kang tiwala sa akin," malungkot sambit ko at tumingin ako sa mga mata nito.
"May tiwala ako sa'yo, takot lang ako na tuluyan kang mawala sa akin," naiiling na amin niya sa akin.
"Hindi ako mawawala sa'yo dahil, ikaw ang MAHAL ko." aniko saka tumayo ako sa swing at yumakap nang magpunta ako sa likod niya.
"'Yon pala eh! Hayaan mo na siya makipag-lapit sa ibang babae maliban sa ating dalawa," sabat ng kaibigan namin sa aming dalawa.
"Okay," malumanay sambit niya napangiti ako ng lihim panatag ang loob ko sa sinabi niya.
Nagseselos siya kay Thea ang saya ko ngayon dahil, mahal niya pala talaga ako. Habang yakap ko pa rin ito mula sa likod.
"Sa guwapong ito ng boyfriend mo? Imposibleng walang lalapit sa kanya at sa'yo sa ganda mong 'yan tignan mo nga...nabighani mo silang dalawa sa ganda mo," sambit ng kaibigan namin natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Oo nga naman," sabat ko.
"Napapa-isip nga ako, kung bakit ka pa humanap ng iba? Kung may relasyon kayong dalawa at dapat iniwan mo muna siya bago ka maghanap ng iba," sambit ng kaibigan namin at tumaas ang kilay niya.
"Mahal namin ang isa't-isa, bakit pa kami mag-hihiwalay? At gusto ko lang magkaroon ng ibang experience sa iba at hindi sa kanya," aniya sa kaibigan namin.
"Hay, naku!" naiiling niyang sambit sa sinabi ng kaibigan niya sa kanya.
Nagpunta kaming tatlo sa bench at umupo na lang.
"Hindi mo ba naisip na masasaktan siya? Kapag nakikita niyang may ibang kasama ang FIANCEE niya? Nakikita mo ang nangyayari sa'yo kanina nagseselos ka kay Thea, siya ba hindi ba nagseselos kapag magkasama kayo ni Vhenno?" sambit ng kaibigan namin sa fiancee ko.
Alam niyang nagseselos din ako sa nakikita ko.
"Nagseselos ako sa kanila sinabi ko sa kanya 'yan pero, may tiwala ako sa kanya na hindi niya ako iiwanan nang walang dahilan," sabat ko.
"Oo, alam kong nagseselos rin siya kay Vhenno." aniya sa kaibigan niya.
"Ikaw ayusin mo na rin ang relasyon mo sa kanya," aniko.
"Kawawa naman si inaanak hindi man lang niya nakikita ang ama." sambit niya sa kaibigan namin.
"Oo na," sambit ng kaibigan namin bago siya tumayo para umalis sa tabi ko.
"Sundan mo." aniko sa fiancee ko.
"Sige," aniya.
"Dito lang ako susunod kapag natapos na kayo mag-usap," sambit ko.
"Okay," aniya.
Sinundan ko pa rin sila hindi lang ako lumapit sa kanila.
"Oh! Bakit mo siya iniwan dun?" sambit ni Kecha sa kaibigan niya nang makita niyang palapit ito sa kanya.
"Usap tayo," aya ng fiancee ko sa kaibigan namin.
"Sige," sambit ni Kecha sa kaibigan niya.
"Hay!" aniya.
"Ang gulo ng buhay ng tao noh!" sambit ni Kecha sa kaibigan niya.
"Mas magulo ang sayo, bakit nga ba hindi mo sinabi kay Jong na nagbunga ang nangyari sa inyo noong may relasyon kayo dapat ngayon masaya ka," aniya sa kaibigan namin.
Tumawa ang kaibigan namin sa sinabi ng kaibigan niya.
"Totoo naman," aniya sa kaibigan niya.
"Dahil, sa tingin ko hindi pa handa na maging isang ama noon..." sambit ng kaibigan namin.
"Alam mo kausapin mo na siya sabihin mo sa kanya na may anak kayong dalawa," bungad ko sa likuran nilang dalawa.
"Natatakot ako eh! At may girlfriend na siya makasira pa ako ng relasyon," amin ng kaibigan namin sa amin.
"Bakit ka naman natatakot? Si Cris pa nga ang dahilan ng nasira nyong relasyon," takang tanong ng fiancee ko sa kaibigan niya.
"Baka kunin niya ang anak ko," sambit ng kaibigan namin.
"Hindi mo pa nga alam eh! Ang mangyayari eh! Nag-isip ka ng hindi mangyayari mahal ka niya ginagawa nyo ang inaanak ko na may pagmamahal," aniya sa kaibigan niya.
"Oo nga, saka nasa Korea ang anak mo." aniko.
"Kayo na ang magaling." sambit ng kaibigan namin sa amin.
"Uwi na tayo," aya ko sa kanilang dalawa.
"Okay." aniya at humawak sa kamay ko.
Umuwi na kaming tatlo sa aming bahay.