NAPATINGIN nang maigi si Caden Sevilla sa ibaba, sa tapat na maliit na gusali. Mula sa malaking salaming dingding ng kaniyang opisina sa penthouse ng Soledad Hotel ay nakikita niya ang Tranquilidad Funeraria. Napasimangot na naman siya habang nakapamulsahan at iniisip kung ano ang dapat na gagawin.
Simula nang ma-acquire ng Sevilla Group ang Soledad Hotel four months ago ay ipinalakad ng trenta y uno anyos na binata sa kaniyang PA na si Sam ang tungkol sa pagbili ng gusaling nasa tapat. Subalit ang may-ari ay matigas pa sa bakal ang puso at paninindigan. Ayaw nitong ipagbili ang lumang gusaling iyon. Ewan niya kung bakit kahit maganda naman ang offer niya.
Nais niyang mawala ang gusaling iyon lalo na ang punerarya. Depressing para sa kaniya ang makita ito. Ayaw niyang nasa mismong tapat ng hotel ang punerarya na iyon simula nang makita niya ito. Para sa kaniya ay baka hindi kumportable ang mga kliyente ng hotel na bubulaga sa tuwing lalabas o papasok sila ng hotel. Hindi niya alam kung bakit ito nakaligtaan noong nag-survey pa lang sila para sumali sa pag-bid sa hotel na ito. Pictures lang kasi ang nakita niya noon at ang impormasyon niya sa lokasyon nito ay alam niya. Iyon nga lang, huli na nang malaman niyang may punerarya pala sa tapat mismo ng hotel.
“Siguro ay oras na para ako ang kumausap sa Nikki Flores na ‘yan, Sam,” aniya kay Sam na nasa harap ng kaniyang desk. Nakatalikod pa rin siya rito. Ilang hakbang din ang desk niya mula sa salaming dingding ng opisinang nakaharap sa tapat na gusali.
“Opo, Sir,” sang-ayon naman ni Sam na napatungo.
Napalingon siya rito nang bahagyang pumihit. “Hindi mo siguro alam kung paano makipag-usap sa isang matanda, Sam.”
Nanlaki ang mga mata nito at may pagkalito. “Sir?”
Lumakad siya upang lumapit sa PA. “Kapag kakausapin mo kasi ang matanda, dapat magalang ka, nasa punto at walang paligoy-ligoy.” Napabuntong-hininga pa siyang naiiling sa PA. “Kung hindi siya ganoong klase, mag-change tactic ka. Simple lang ang pinapagawa ko sa ‘yo, Sam… ang bilhin ang depressing building na ‘yan!” Itinuro pa niya ito.
Napakurap-kurap ito ng mga mata. “Pero, Sir…”
“Akin na nga ang files ng Nikki Flores na ‘yan. At siguraduhin mong kumpleto ang mga ‘yon bago mo ibigay sa ‘kin. That means pati na kung saan siya nag-si-siesta o nag-si-CR o nagpa-park ng kaniyang sasakyan kung meron man ang matandang ‘yon. I’ll talk to him next week.”
Tumikhim naman si Sam. In-adjust ang salamin nitong suot sa ibabaw ng ilong. Medyo payatot ito at halos kasing-tangkad niya sa taas na six feet. Pero mas matangkad siya ng siguro isang pulgada.
“Opo, Sir,” anang nasa trentra y siete anyos na PA.
Napabuntong-hininga pa siya. Limang taon na ang nakalipas simula nang naging PA niya si Sam. Iyong iba ay hindi nakakatagal sa kaniya dahil sa anu-anong kailangan niyang ipinapagawa. Puro rin lalaki ang mga iyon dahil ayaw niya ng babae na puwedeng maka-distract sa kaniyang trabaho. It was because he didn’t like to mix business with pleasure.
Simula nang maging CEO siya ng Sevilla Group tatlong taon na ang nakalipas nang mamatay ang kaniyang lolo ay mas lalo niyang napaunlad ang kumpanya. Nakabili ito ng iba’t ibang subsidiary companies. Isa na rito ang hotel na siyang pokus niya ngayon upang mapalago.
Tumunog ang kaniyang cell phone. Si Jasmine.
“Hey! What’s up?” aniya sa pinsan at sinenyasan si Sam na umalis na sa kanyang opisina at tumalima naman ito. But he knew better. Sam was relieved to be out of his office.
“Opening ng club ko tonight, Caden. Don’t forget to drop by. Gusto kong may makikitang gorgeous CEO ang female clientele sa club ko,” anito.
Napatawa pa siya. “Pang-ilang favor ko na ba ito para sa ‘yo, ha?” pakli niya.
“What? Are you serious? Binibilang mo ba ‘yon?” He could just imagine the frown on her face. Pero hindi iyon nagpapangit sa mestisang pinsang kasing-edad niya lang.
“Wasn’t it twisted of you to introduce me to a suitor of yours na ako ang boyfriend mo? Kung hindi pa kita talagang kilala, masasabi kong i****t ka, eh!” biro niya sa pinsan nang napangisi.
Napahalakhak ang dalaga sa kabilang linya. “Guwapo kasi ang lokong iyon pero napaka-vain kaya ‘di ko type. And the best I could think of to ward him off at the time was you, my gorgeous cousin. Nagkataon kasing nandoon ka. So, ‘yon! And effective ‘yon, ah!”
Napailing pa siya. “I’ll be there at your club. Gusto ko rin namang mag-unwind dahil sa dami ng problemang inaasikaso ko sa kumpanya kada araw. It’s been a while since I did that and you know it.”
Umupo siya sa kaniyang swivel chair na may itim na leather upholstery. Napatingin pa siya sa family picture na kasama ang ina, ama at ang pinsang si Jasmine. Sa litrato ay nakatayo at nakaakbay siya sa pinsan habang nakaupo ang mga magulang sa harap nila. Lahat sila ay nakangiti sa camera.
Namatay na ang mga magulang niya sa aksidente limang taon na ang nakalipas. Nalunod ang yateng kinalulunan ng mga ito dahil nagbakasyon ang mga ito noon sa Mindanao. Nagkataong may biglaang pumasok na bagyo sa bansa at iyon ang naging sanhi ng pagkawala ng mga ito nang sabay sa buhay niya. He was truly devastated by it. Buti na lang ay karamay niya ang pinsan at ang lolo niya. Pero dalawang taon pagkatapos niyon ay ang lolo naman niya ang sumunod na nawala nang dahil sa aneurysm. Biglaan lang din iyon kaya naman ay hindi siya handa kasi hindi naman iyon na-detect noong huli nitong pagpa-full-body checkup. He thought his grandfather would live up to a hundred years or more. It turned out that life was full of good and bad suprises after all.
“Then, that’s great! I promise. All drinks are on the house basta ikaw,” anang pinsan. “By the way, ‘wag mong kalimutang isama si Zander,” paalala nito sa kanya.
Napatawa siya nang marahan nang marinig ang pangalan ng kaniyang best friend. Crush kasi ito ng pinsan pero may ibang nililigawan si Zander.
“Fine. Kung walang lakad ‘yon, I think he’s coming, Jasmine. Iyon kung hindi iyon naka-schedule na bibisita sa nililigawan niya.”
“s**t! You don’t have to remind me of that!” reklamo nito. “What about you? Wala ka ba talagang nililigawan ngayon? Baka sinisikreto mo lang sa ‘kin at natatakot kang iso-stalk ko, ha?”
“Ah, let’s not get down that road again. I don’t do courtship.” Napatawa pa siya pagkasabi niyon.
“Such an ass!”