BUONG focus na nakikinig si Jude sa sinasabi ng Field Operations Manager ng kompanya niya. Idini-discuss nito ang ilang mga issues na kinakaharap ng mga inspector, driver, at konduktor. He was very productive that day. Maaga siyang umalis sa Batangas para umabot sa breakfast meeting niya with an airline company nang eight in the morning. Pagkatapos noon ay dumiretso agad siya sa opisina para sa meeting na iyon with Field Operations Manager at HR Manager. Nagkakaroon sila ngayon ng discussion tungkol sa mga tauhan na may mga kalokohang ginagawa tulad nang pagta-tamper ng records, pagdi-discount sa ticket pero ang singil sa pasahero ay regular rate, pamimili o kontrata ng pasahero ng mga taxi drivers at iba’t iba pang violations. Aminado si Jude na hindi gaanong mahigpit sa