“WHAT?!” Nagpaparenta ng asawa? Human trafficking?
“RnJ Services is a husband for hire business. It caters the service to highly financially capable women preferably those who need a man to act as pretend husband in a certain period of time. I have a pool of well-trained perfect husbands ready to get hired with those women in desperate needs.” Tumayo ito at pinagsalikop ang kanyang mga kamay. “If you think, Viajero Travel and Tours is doing good, Jude, I’m telling you, RnJ offers better than that.”
“How better?” he asked.
“RnJ Services can earn ten times the monthly income of Viajero in just one day.”
Gano’n karami ang babaeng desperadong mag-hire ng pekeng asawa? That triggered his investor’s interest. “What do you want me to do in RnJ Services? ’You want me to manage your company in your behalf?”
“No. Be a husband for hire.”
“What?!” ’Di siya makapaniwala sa sinabi nito. Gusto niya akong parentahan sa mga desperadang babae?
“Here’s my conditions.” Umupo muli si Ricardo at nagsalin ng alak sa mga baso nila. Agad din nitong ininom ang alak at gano’n din ang ginawa ni Jude. “Be a husbando of RnJ, finish three contracts in good faith, and become a hunk.”
“Hunk?” This is getting weirder!
“That’s the title given to those former husbands who leave RnJ with commendable accomplishments. I allow hunks to hold share of stocks in RnJ. That’s what you want, right? Money and investment?” Prente itong sumandal sa sofa. “If you successfully finish your task, I will grant you the Fifteen Million U.S. Dollar worth of shares not just in Viajero Travel and Tours, but also in RnJ Services without pulling out any single cent of your money. You will work for it, anyway.”
The offer was good and tempting. But he knew how cunning Ricardo was. “What if I fail? What are the consequences?”
“Well, your husband license will be revoked and you will be excommunicated in all my businesses. I will pull out all your investments in my businesses and you have to pull out mine from your company.”
Ricardo’s offer was quite risky. Kapag nag-fail siya at kinailangang i-pull out ang investment nito, maaaring bumagsak ang company niya. Tumayo na siya. “I’ll think about it.” He offered his hands to him for hand shake. “Thank you for your time.”
Nakipagkamay ito sa kanya. “Just give me a call, my friend.”
“I certainly will.” He walked towards the door to leave. Pero bago pa siya makalabas ay napangisi siyang bumaling uli rito. “By the way, my friend, I didn’t sign the waiver. I hope you don’t mind.”
Nakita niyang sumeryoso ang mukha nito nang damputin nito ang folder at nakumpirmang hindi nga niya iyon pinirmahan. “Merda!” pagmumura nito. “You clever guy!”
Jude just laughed at him as he went out of his office. He needed more time to check the RnJ Services. Wala siyang planong pumasok sa negosyong ikapapahamak niya. Wala siyang planong maghimas ng rehas sa pagtanda niya.
***
“PATAYIN n’yo na si Barbara,” seryosong utos ni Jibelle habang nakatingin sa glass wall kung saan matatanaw ang bubong ng slaughterhouse, piggery, at poultry facilities ng AMMC. Mula sa puwesto niya ay natatanaw rin sa kaliwang bahagi ang malawak na open field kung saan malayang nagpa-party party ang mga alagang baka at kambing ng kompanya.
“Is that your final decision, madam?” tanong ni Carsing.
“Oo. Nakuha na natin ang kailangan natin sa kanya. Tapos na ang serbisyo niya sa kompanya.” She turned around and faced Carsing. May tina-type ito sa hawak na tablet PC. “Kung papasa siya sa quality control, isama sa ibebenta. Pero kung hindi, ipa-lechon n’yo at ipamahagi sa mga tauhan natin.”
Isa si Barbara sa inahing baka na napagkuhanan nila ng magandang lahi. Magandang quality ng beef meat ang nai-produce ng mga naging anak ni Barbara. Ngunit, lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan. Bago pa kumunat ang laman ng baka na iyon dahil sa pagka-haggard sa panganganak, kailangan na itong idispatsa.
Yes, may mga pangalan ang mga alaga nila sa facility. Nakabase ang pangalan ng mga alaga sa pangalan ng kulungan kung saan sila nakalagay. Ang Barbara na tinutukoy niya ay pang-sampung Barbara na na tumira sa kulungang iyon buhat nang maipagawa ang bagong kulungan ng baka. Parating na rin ang bagong Barbara na papalit sa pinakatay niya.
“Noted, madam. Itatawag ko na sa slaughterhouse agad.” Carsing nodded and went out of the office.
Bumalik siya sa working table at prenteng umupo sa swivel chair niya. Tiningnan niya muna ang laptop niya kung may mga bagong e-mail na dumating. Nang makumpirmang wala pang pumapasok na bagong e-mail, hinablot niya ang kanyang cell phone. Bumungad sa kanya ang selfie photo niya habang hawak ang stemmed rose na ibinigay ni Joseph sa kanya noong nakaraang linggo.
Nalanta na at natuyo ang bulaklak na inilagay niya sa isang box pero fresh na fresh pa rin ang alaala ng mapang-akit na ngiti ng kanyang destined one sa isip niya.
Hindi maiwasan ni Jibelle ang mapangiti. The excitement was still there. Kailan kaya uli tayo magkikita, Love, para maakit pa kita? The guy didn’t send her a message. Ginamit na nga niya ang company niya bilang palusot para malaman nito ang digits niya pero nganga. Siguro nag-aalangan si Joseph sa kanya dahil sa estado nila sa buhay. Wala naman siyang pakialam kung konduktor ito ng bus at siya ay CEO ng kompanya. It didn’t matter to her. Galing din naman siya sa hirap. Kaya niyang mag-adjust. She waited for her destined one to come for years. Ngayong nakita na niya ito, palalagpasin pa ba niya? No! Ayokong maging single ‘gurami!’ Masaklap! Gurang na nga, tapos mag-isa pa. Ayoko, Lord!
Biglang sumagi sa isip niya ang napag-usapan nila ng kanyang doctor. Tumatakbo ang oras at hindi pa rin niya alam ang gagawin. As of the moment, ang pag-asang makita uli si Joseph lang ang option niya. Pero paano kung ’di na kami magkita bago ako mag-birthday? Goodbye, love life? Goodbye, baby? No!
She dialed Carling’s number. Agad naman itong sumagot. “Ihanda mo ang kotse. May pupuntahan ako.”
“Okay po.”
She ended the call and grabbed her bag. Paglabas niya ng opisina niya ay pinuntahan muna niya ang secretary niya. “Carsing, may pupuntahan lang ako. Be back in an hour. For the mean time, pakihanda ng conference room para sa manager’s meeting natin mamaya.”
“Noted, madam.”
She then continued walking. Sumakay siya ng elevator at bumaba sa ground floor. Bawat empleyado na nakasalubong niya ay binabati siya. She nodded as response. Paglabas niya ng lobby ay naka-park na sa tapat ang kotse niya. Nakaabang na rin si Carding sa main entrance. Pinagbuksan siya ni Carding ng pinto ng back seat at sumakay naman ito sa bakanteng passenger sa harap.
“Saan tayo, madam?” tanong ni Carling.
She smiled. “Sa Grand Terminal tayo.”
In few minutes more, napuno ng kaba ang kanyang dibdib habang papalapit na ang sasakyan sa Grand Terminal. Susugal siya sa tadhana at maniniwala na magkikita pa sila ni Joseph. Pagkarating sa terminal, agad siyang bumaba at pumunta sa mga hilera ng Celerio bus. Hindi niya natagpuan ang hinahanap. Nakita niya ang tent na tinatambayan ng mga inspector at conductor ng Celerio Bus. Lumapit siya roon.
“Ah, mga sir, may itatanong lang ako. May hinahanap ako. Konduktor siya sa Celerio bus. Kilala n’yo po ba si Joseph?”
“Joseph?” Lumingon ang mamang nakasalamin sa umpukan ng iba pang tauhan ng Celerio. “Oy, Joseph, may naghahanap sa ’yo!”
Damang-dama ni Jibelle ang kaba at ang excitement na muling makita ang destined one niya. Ngunit nalaglag ang ang kaba niya at napangiwi nang lumapit ang tinawag ni Manong.
“Ano iyon, Miss Byutipol?” tanong ng Joseph na lumapit sa kanya. “Kulang ba sukli ko o may naiwan kang bagahe?”
Umiling siya. “Hindi ikaw ang hinahanap ko.”
“Hindi pala ako. Sinong Joseph?”
“Iyong guwapong Joseph. Sorry!”
Nagtawanan ang mga nakatambay sa tent.
“Grabe ka naman, Miss. Kulang pa ba ang gandang lalaki ko?” hirit ng lalaking kausap niya sabay kindat.
Yes, kuya. Pogi iyong hinahanap ko, hindi pugita. ’Di na niya sinagot ang binata at muli siyang bumaling sa mamang nakasalamin. “Manong, please. Need ko makita si Joseph.”
“Ay teka, guwapong Joseph ba kamo?” sabad ng isa pang mama. She nodded. “Ito bang guwapong Joseph na hinahanap mo ay iyong makinis ang mukha at maputi na maganda iyong porma ng muscle sa braso?”
“Oo, Manong siya nga!”
Nagkatinginan ang mga tao sa tent bago naglabas ng cell phone ang mamang nakasalamin. “Ito ba ang hinahanap mo, hija? Si Joseph Reyes?” Nagpakita ito ng isang picture.
Sumikdo ang puso niya nang makita ang larawan ni Joseph. Kasama niya sa picture ang mga taong nasa tent na iyon. “Opo, siya po. Saan ko po siya makikita?” Joseph Reyes pala ang full name niya!
Nagkatinginang muli ang mga tao roon at natahimik. Lumapit pa sa kanya ang mama at halos pabulong na nagtanong, “Hija, nakipag-date ba sa ’yo si Joseph tapos bigla ka na lang iniwan matapos n’yong mag-ano?”
Napasinghap siya sa sinabi nito. “Ay grabe ka, Manong. Hindi po!” Ah, balak ko pa lang po iyon, manong. Open minded po ba siya?
Napabuntonghininga ito. “Mabuti naman. Pero, wala rito si Joseph, eh.”
“Off po niya? O nasa byahe siya?”
“Naku, hindi iyon madaling matagpuan. Kung saan-saang byahe iyong sumasama depende sa trip niya,” sabad uli ng lalaking sumabad kanina.
“Po?” napakunot ang noo niya.
“Ah, ang ibig kong sabihin, depende sa trip ng boss namin. Iyan kasing si Joseph, ano iyan. Ano… ah, reliever. Tama! Kung saan may bakante doon siya bumabyahe,” paliwanag ng mama.
Bahagyang nalungkot siya sa natuklasan. “Kailan po uli siya magagawi rito?”
“Hindi naman iyan masasabi, Miss, eh. ’Yaan mo at ’pag nakita namin siya, sasabihin naming hinahanap mo siya.”
“Sige po, maraming salamat.” Tumalikod na siya. Pero bago siya makahakbang palayo ay pumihit siyang muli. “Manong, may solo picture ka ba niya? O kahit close-up lang na puwedeng i-crop. Akin na lang.”
Wala na siyang pakialam kung tunog desperada siya. She would grab all the opportunity to connect with Joseph again. Napakamot sa ulo ang mamang nakasalamin bago naghanap ng picture sa hawak nitong cell phone.
“Ito hija, puwede na ba ’to?”
Napasapo siya sa dibdib nang makita ang larawan. Solo picture iyon ni Joseph na parang kuha sa isang formal event. Nakasuot kasi ito ng tuxedo sa photo. Ang guwapo-guwapo niya talaga, Lord! “Yes, Manong!” Inilabas niya ang cell phone. “Pa-bluetooth po.”
“Kung hindi ko lang din gustong magka-girlfriend na ng matinong babae itong si Joseph, hindi kita pagbibigyan, hija,” hirit nito habang nagta-transfer ito ng mga picture ni Joseph sa phone niya. “Aanuhin mo ba itong picture niya?”
Aalayan ko po ng gayuma at dasal para ma-in love din siya sa akin. “Ahm, wala lang po. Inspirasyon?” patanong niyang sagot.
“Ay okay na iyan. Malay natin, may future pala kayo ni Joseph. Mukha pa namang bagay kayo.”
“Ay, Manong. You’re the best. Tama kayo. Bagay talaga kami. Saan po ba nakatira si Joseph nang maakyat-bahay ko na siya?” biro niya. Tumawa ang mga taong naroon. “Joke lang po.”
“Palabiro ka pala, hija. Magkakasundo nga kayo ni Joseph. Paminsan-minsan ay dumaan ka rito at baka matiyempuhan mo siya.”
“Noted po, manong. Basta pasabi na lang po sa kanya kapag nagkita kayo na hinahanap ng kagandahan ko ang kaguwapuhan niya. May number naman po ako sa kanya. Maraming salamat po.” May mahahalikan na akong picture, gabi-gabi!
***
“SO, ANG ibig mong sabihin, existing na si former non-existing jowa mo?!” excited tanong ni Ciara.
Kasalukuyang nakatambay sina Jibelle sa terrace ng bahay nina Ciara sa loob din ng compound ng AMMC. Katabing bahay lang nito ang bahay na tinutuluyan niya. Niyaya kasi siya ng tiyahin niya na doon na maghapunan. At dahil Friday night, ang hapunan ay nauwi sa chill na pagtambay roon with few bottles of SanMig Light at pulutan. Nakaupo si Ciara sa kawayang sofa habang siya ay nakaupo sa hamba ng terrace.
Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataong ikuwento ang tungkol kay Joseph. “Oo. Remember noong nag-bus ako pa-Maynila two months ago kasi wala akong magamit na kotse? Nakasabay ko siya bus!” kinikilig na kuwento niya.
“Talaga? Paano? Ano’ng nangyari?” Tila nahawa si Ciara sa excitement niya.
Ikinuwento niya rito kung paano niya naalala ang mga pangyayari. “Pagmulat ng mata ko, nakita ko siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. ’Tapos, nasamyo ko ang pabango niya. Grabe, ang bango-bango niya! ’Tapos nilagpasan niya ako at pumasok sa may dulo ng bus. Iyon.”
Nalaglag ang balikat nito sa pagkadismaya. “Iyon lang? Iyon na iyon? Tingin-tingin lang? Wala man lang conversation?”
“Of course, not! Wait, there’s more!” Tinungga niya muna ang laman ng hawak niyang boteng SanMig. Ikinuwento pa niya ang ibang detalye maliban sa pagiging konduktor nito. Na-focus kasi sa kilig ang kuwento niya. “’Tapos, pagkagaling ko sa hospital, doon uli ako sa Celerio Bus sumakay pauwi. Ando’n din siya! At nakapagkuwentuhan kami. Ibinigay ko ang number ko sa kanya. At noong pababa na siya ng bus, iniwan niya iyong makalaglag-bikini panty niyang ngiti sa akin!” May kasamang pagtili pa ang pagkukwento niya.
Nakitili sa kanya ang pinsan. “Gano’n ba talaga siya kaguwapo? Baka eksaherada lang iyan, ah.”
Bumaba siya mula sa pagkakaupo niya sa hamba ng terrace at lumapit dito. Dinukot niya ang cell phone na nakasipit sa strap ng kanyang bra.
Tumawa si Ciara. “Bakit nasa bra mo ang cell phone mo?”
“Walang bulsa itong nagmamaganda kong floral skirt.” She was wearing an ankle length powdered blue flowing floral skirt paired smocked chiffon crop top blouse. Ipinakita niya rito ang nakulimbat niyang photos ni Joseph mula sa katrabaho nito sa terminal. “Ito siya!”
Ciara focused her eyes on her cell phone’s screen. She even zoomed the photo. “OMG! Ang guwapo nga!” Binalingan siya nito. “So ngayon, ano na ang progress?”
“Wala,” dismayadong sambit niya. “Hindi na kami nagkita. Hindi na rin nagkausap.”
Ilang beses siyang nagpabalik-balik sa Grand Terminal pero wala siyang napala. Ni hindi man lang siya nakatanggap ng text message mula sa binata. Nawawalan na siya ng pag-asa. Ang lalaking iyon pa man din ang kailangan niya para magkaanak. Speaking of, bigla niyang naalala na kailangan na nga pala niyang hanapan ng solusyon ang problema niya sa matris. Paano siya magkakaanak kung missing in action ang lalaking gusto niyang maging ama ng anak niya? Napatingin siya sa pinsan. Hindi niya sinabi rito ang tungkol doon. Ayaw niyang mag-alala pa ang pamilya niya sa kanya. Ang alam ng mga ito, okay na siya after niyang maoperahan.
Napa-roll eyes si Ciara. “Hopeless case. Malapit ka nang mag-birthday. One week na lang, deadline na.”
Ginagap niya ang kamay nito. “Ciara, ayokong tumandang dalaga na virgin!”
Tumawa ito. “So kung ’di ka virgin, okay lang tumandang dalaga ka?”
Napanguso siya. “Siyempre hindi pa rin! Pero masyadong masaklap iyong tumandang dalagang ’di man lang naka-experience ng union of body and soul!” Niyakap pa niya ang sarili to put an emphasis.
Tumayo ang kanyang pinsan at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Belle, hindi ka tatandang dalaga. Gagawa tayo ng paraan. Magbihis ka. Iyong mas pro-kabag pa kaysa dyan sa pro-kabag OOTD mo.”
Napatingin tuloy siya sa naka-exposed niyang pusod. “Sa’n tayo pupunta?”
“Kung ’di nagpaparamdam iyang destiny mo, humanap na lang tayo ng ibang lalaki. Kontrahin natin ang hula.”
Umiling siya. May isang linggo pa naman siya para maka-connect kay Joseph. Susugal siya hanggang sa huli. Bakit ’di ko kasi kinuha ang number niya? “Ayoko. Gabi na.”
Binitiwan siya nito at saka nagkibit-balikat. “Kung ayaw mo, mag-Pinder ka na lang,” suggest nito.
“Pinder?” It was a dating app.
“Oo, Pinder! Masaya kayang mag-Pinder,” sabi ni Ciara sabay tawa. “Pinder here, there and everywhere! Malay mo nasa Pinder din siya.”
Iyon pa rin ang laman ng isip niya nang umuwi siya sa bahay. Hindi siya fanatic ng dating sites pero natagpuan niya ang sariling nagda-download ng Pinder. She then created her own account. At least I have options. Kung hindi ko makita ang Joseph na iyon, puwede akong maghanap ng donor sa Pinder. Artificial insemination ang second option niya kung sakaling hindi na sila magtagpo ng destined one niya.
Ngunit nanumbalik ang tumi-teenager na kilig sa sistema niya nang makita niya ang hinahanap sa app na iyon. Joseph Reyes had a Pinder account! Agad niyang hinalukay ang profile nito at bumungad sa kanya ang mga yummy, mapang-akit, at makalaglag panty photos nito. OMG! Magpi-Pinder na ako gabi-gabi!