Chapter 13 BRIELLE… NAWINDANG yata ang utak ko ng agaw buhay na stunt na ginawa namin kanina makarating lang sa lugar na ito. Kaya ngayon nasa harap ako ng altar, sumusumpa na magsasama kami ni Bullet habang buhay. “Brielle, I’m still giving you the chance to run away.” Bulong ni Bullet sa akin na hindi ko pinansin. Pero sa totoo lang parang gusto ko ng tumakbo, magtago at huwag nang lumabas sa mundo. Pero hindi ko ginawa, hindi ko rin alam bakit ako nakatayo dito sa tabi ni Bullet. “Do you take Brielle Garcia, as your lawful wife, to have and hold, from—” “Yes father,” nagmamadaling sagot ni Bullet. Napalingon pa ako sa kanya dahil sa naging sagot niya sa pari. Masasabi ko bang blessing na kami-kami na lang ang nandito para sa kasal namin. Kasi ang mga kasama lang namin ay ang mga