PINING "I-I- h-hello." at kahit kabado ako, parang gusto kong magpaparty dahil sa nakita kong reaksyon nya. Ganyan nga, magstutter ka, Charity. "So, how are you? Long time no?" pilit ko pa rin pinapanormal yung boses ko. Nakangiti pa rin ako sa kanya. Sila Maybelle, JT, Charlie, at Klarisse, nagpapalipat-lipat lang yung tingin sa aming dalawa. "I-I'm good." parang wala pa rin sa sariling sagot nya habang nakatitig pa rin sa akin. "Nice. And balita ko, sikat ka na rin daw ngayon. I'm happy for you, natupad mo na lahat ng pangarap mo." nakangiting sabi ko pa rin kahit sa loob ko, parang gusto kong isampal sa kanya na kasabay nya akong nangarap noon. Malungkot na ngumiti naman sya sa akin. Ay wow, ginagamitan na naman nya kami ng galing nya sa pag-arte. Pero nah, hindi na ako muling mag