Chapter 1 – Prologue

1197 Words
  Who would have known that one wrong move in her chosen career could mean the end of the world for her? When Mou was trapped in Pierre’s web, she proved that he’s not just a heartbreaker nor a mysterious bachelor, he’s the devil in disguise.   “MANONG, matagal pa po ba ‘yan?” Gusto ko na sanang ako na ang tumadyak ng pedal ng tricycle na ayaw umandar. Baka kulang lang ng kicking power si Manong driver kaya’t hindi niya ito mapagana. Lumingon ako sa likuran at lalo pang bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makitang walang ibang sasakyang dumaraan dito. Kung tutuusin, advantage ko ito dahil makikita ko kaagad kung may parating na ibang sasakyan dahil madilim ang paligid at ni isang poste ng ilaw ay wala. Tanging ang ilaw lamang ng sirang tricycle ang tanglaw.   “Miss, mukhang hindi na aandar. Lipat na lang po kayo ng ibang trike. Naubusan yata ako ng krudo.” Napakamot pa ng ulo ang manong na kalbo. Gusto kong umirap at sigawan siya kung nagma-manufacture ba ng trike ang mga puno ng buko at mga bato sa paligid ngunit masasayang pa ang oras na dapat ay ipinag-iisip ko ng diskarte. Disguise kaya? Ngunit wala na akong dalang ibang gamit.   “Miss, baba po muna kayo at itatabi ko. Makakaabala tayo sa traffic.” Siguro kung ibang pagkakataon ay baka matawa pa ako kay Manong Driver na kalbo. Kahit alitaptap nga o bangaw ay walang dumaraan, mag-aabang pa siya ng ibang sasakyan? Napailing na lamang ako at inalis ang suot na sombrero. Doon ko naisip ang isang magandang ideya.   “Manong, pwede nyo po bang isuot ito? Babayaran ko pa rin ang pasahe kahit na tumirik naman ang trike ninyo.”   “Miss, hindi ako nagsusuot ng ganyan.”   “Kailangan lang po talaga. Nagsusumamo po ako na tulungan ninyo ako.” Tumapat ako sa maliit na ilaw sa loob ng trike at ginamit ang pa-awa look ko. Complete with crocodile tears na sa isang mata ko lang pinapatak. Mukhang naantig naman ang damdamin ni Manong at tumango ito habang humugot ng malalim na hininga. Doon na ako napangiti at dali-daling isinakatuparan ang aking plano.   ILANG minuto na rin akong nag-aabang sa may likod ng puno nang may sumilay na ilaw mula sa isang sasakyang paparating. Agad akong dumapa sa damuhan. Nang bumaba ang isang lalaki mula sa itim na kotse ay tumigil ang aking paghinga. Kailangan kong ipaalala sa sarili na yumuko at magtago imbis na tumitig sa isang matangkad at matipunong aparisyong marahang naglalakad patungo sa tricycle na pinanggalingan ko. Hindi ako dapat magpadala sa lakad nitong parang nagmomodelo o sa nagniningning nitong balat habang tinatamaan ng headlights. Pumikit ako at sinubukang iwaksi ang imaheng naalala nang una ko siyang makita. Kailangan kong malimutan ang nakakalusaw na tingin ng naniningkit nitong mga mata, ang matangos na ilong at mapupulang labi sa ubod ng kinis nitong mukha. Pinagalitan ko ang sarili dahil sa kakapanood ng mga Korean Drama ay naihahalintulad ko na ang lalaking iyon sa mga bidang pinagpapantasyahan ko noon. Ngunit hindi ko rin naman masisi ang sarili dahil mukha naman talaga siyang artista o modelo. Natigil ang pagpapantasya ko nang magsalita siya.   “Dito lang pala kita mahahanap.” Matapos kong matulala bahagya nang marinig ang baritono nitong boses ay napangisi ako sa narinig. Kung iyon ang bungad niya ay pihadong makakatakas na ‘ko mula sa kuko ng gwapong halimaw na iyon.   “Magandang gabi, Ser.” Nagtakip ako ng bibig at pinigilan ang aking tawa nang imbis na hahablutin ng lalaking bagong dating ang Manong Driver ay napaatras ito sa gulat. Sino naman ang hindi mabibigla sa wig, sombrero at maging ang pink na jacket  na suot ng Manong.   “Nasaan po ang may-ari ng suot ninyo?” Dito na ako kinabahan sa tanong dahil isang maling sagot lang ng driver ay mabubura lahat ng swerte niya sa buhay. “Ha? Naku, Ser, sa akin po talaga ito. Ibinayad noong Ale kanina sa may bayan.”   “Ganoon po ba? Sayang naman, akala ko mabibigyan ninyo ako ng impormasyon kung saan ko mahahanap ang may-ari ng mga iyan. Ito pa naman po sana ang ibabayad ko.”   Napamura ako sa sarili at lalo pang pumikit. Naupo ako at sumandal sa puno kung saan ako nakakubli. Inihahanda ang sarili kung kailanganin kong tumakbo papalayo. Kung kakagatin ng manong na iyon ang suhol ng lalaki, pihadong yari na ‘ko. Ano naman ang panama ng dalawang daang pisong ibinayad ko kung libo-libo ang kayang ibigay ng lalaki.   “Hindi ko na po talaga alam kung nasaan siya.” Nakahinga ako ng maluwag ngunit nabawi rin sa sunod nitong isinagot, “Hindi ko na alam kung saan dito nagtago ang babae pagkatapos namin masiraan.”   “Ah, sige ho sa inyo na ito lahat. Kukunin ko na lang ulit ang mga gamit na iniwan niya.”   Bumilang ako ng sampu, nag-sign of the cross bago sumilip mula sa puno.   “Ay palakang butete!” Napasigaw ako at napaatras nang ang mala-adonis na mukha ng taong pinagtataguan ko ang bumungad sa akin.   “Wear this. You’ll get cold. Stand up so we may leave. Don’t think of running because you have nowhere else to go. I’ll wait for you in the car.” Napakapit ako sa dibdib nang doon lang siya nakatitig habang nagsasalita. Marahil mas gusto niyang kausap ang cleavage ko. I sighed and took the jacket that he gave me. Hindi ang jacket na suot ko kung hindi ang itim na leather jacket na suot niya. Pinigilan ko ang sariling amuyin ang jacket dahil sobrang bango nito. Ayaw ko man sumunod, wala akong magagawa dahil plunging ang neckline ng suot ko at hanggang pusod lamang.   Matapos kong isuot ang jacket at pulutin ang itim na bag kong dala ay kabado akong naglakad patungong kotse. He was leaning at the hood and looking at the tricycle in front. Nang makita niyang papalapit na ako ay marahan siyang naglakad patungong passenger seat at ipinagbukas ako ng pintuan. Kung date siguro ito at hindi biyaheng papuntang bitay ay kikiligin pa ‘ko. Pagkaupo ko ay dumukwang siya palapit sa ‘kin. Nagpigil na naman ako ng hinga dahil sa lapit ng mukha niya sa ‘kin. Pinigilan ko ring mapapikit dahil baka isipin niyang gwapong-gwapo ako sa kanya o nanghihina sa presensiya niya. Hindi maari iyon dahil wala naman talaga siyang epekto sa’kin. Ulit-ulitin ko pa iyon para makumbinsi ang sarili.   “Don’t move. Don’t even blink. Mou, when I’m done with you, you won’t even be able to walk.” He buckled my seatbelt and closed the door. Napalakas yata ang sara niya dahil napapiksi ako sa sobrang lakas ng tunog.   Nang makaupo na siya sa driver’s seat ay pinasibad na niya ang sasakyan. Sana abutan pa ‘ko ng liwanag ng umaga dahil sa laki ng kasalanang ginawa ko sa kanya, mata ko lang marahil ang walang latay.   Ano namang panama ko, si Ramona Palacol sa kamandag ni Pierre Montecillo?      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD