Katatapos lang ng show nila Jewel, imbes na kumain kagaya ng ginagawa ng kanyang kaibigan na si Rowena, mas inuna pa nyang bigyan ng pansin ang kanyang cellphone kesa ang kumukulong tiyan. Marinig lang nyang boses ni Cejay, ayos na ayos na sya dun.
"Hello..!"
Tumalon sa pagkagalak ang kanyang puso, tanggal ang pagod lalo ng pagkulo ng kanyang tiyan pagkarinig sa baritonong boses ni Cejay.
"Isang taon na pala! pero parang malabo pa rin sakin lahat. Kung bakit tayo natapos, kung bakit mas pinili mong lumayo at iwan ako. Ipinaliwanag mo naman sa akin, pero sadyang hindi ko maintindihan kung bakit. Kaya kahit sabihin nilang masyado nang matagal para iyakan at hanapin pa rin kita, hindi ako mahihiyang sabihin na, 'Bakit ba? Hindi naman kayo yung nawalan, at hindi naman kayo yung umaasa?"
"Ano na naman ba ito Jewel? Lasing kana naman ba ha?" Kahit naiinis, may himig lambing at pag aalala pa rin ang boses ni Cejay.
"Tutal, iniwan mo naman ako, pwede bang huwag mo nang ipagkait sakin yung mga pagkakataon na balikan yung saglit na pagkakataong nagkasama tayo, Cejay?"
Tanging buntong hininga na lang ng binata ang narinig nyang sagot mula dito.
"Noong isang buwan nga, halos araw araw na ako lasing. Walwal ba, ganun! Pero hindi ako nahihiya. Kasi, pakiramdam ko sa mga gabing hindi ako makalakad nang tuwid, doon ko nakikita yung daan pabalik sa ating dalawa. Kung saan ako nagkamali, at kung kailan ka nanlamig. At sa tuwing makakakilala ako ng bagong tao, una kong hinahanap yung kinang ng mata mo, yung lamig sa boses mo. Sunod kong hinahanap yung init ng mga yakap mo. Ikaw pa rin ang hinahanap ko, at baka naman makakilala rin ako ng kagaya mo."
"Nasan ka ba? Gusto kitang puntahan, sabihin na itigil mo na yan. Pero baka kasi isipin mo na kaya pa nating ibalik; pero hindi naman na kasi pwede. Alam kong suot mo pa rin yung kuwintas na ibinigay ko sayo noong mag-isang taon tayo. Alam ko rin na pinapatugtog mo pa rin yung CD na ibinigay ko sayo nung birthday mo. Alam ko lang, kasi kapag nakikita kita, alam kong tinatawag mo pa rin ako."
"Cejay..." Napahinga sya ng malalim ng biglang sumikip na naman ang kanyang dibdib.
"Tanda mo noong huling gabi natin na magkasama, ang sabi ko sayo, kung magmamahal ka ulit, sana hindi yung katulad ko. Hindi yung katulad ko na masyado mabilis magbago ang isip, hindi kagaya ko na hindi mapirmi sa isang lugar, sa isang trabaho. Sabi ko rin sayo kilalanin mo muna siya, bago mo sabihing gusto mo siya. Dahil hindi naman lahat ng tao makikilala mo nang simbilis nang pagkakilala mo sa akin. Dahil wala naman akong itinago sayo; kahit yung pagka masokista ko, ang sabi mo, gusto mo yon. Ang sabi mo, matatanggap mo ako, ano pa man." Gumaralgal ang kanyang boses, namasa ang kanyang mga mata.
"Jewel, tama na!" Nakikiusap ng boses ni Cejay sa kanya, pero tuloy pa rin sya sa pagsasalita.. Wala eh! Mas feel nyang mag moment ngayon kahit na nga panay ng tawag ni Rowena sa kanya.
"Sabi mo sa akin, mahal mo pa rin ako at hindi kita dapat sisihin kung ganun yung nararamdaman mo. Sabi mo, walang papantay sa akin, walang hihigit sa akin. Siguro nga, pero hindi mo ba naisip na napakasakit noon para sa inyong dalawa? Kung mamahalin mo siya, pero alam mo sa sarili mong ako pa rin ang mas mahal mo? Hindi ba nakakapandaya naman yon, na ibibigay mo ang sarili mo sa kanya pero ako pa rin ang gusto mo? Pero sasabihin ko sayo na hindi mo ako makikita sa mga kinang ng mata niya. Hindi mo ako maririnig sa mga kantang kakantahin niya sayo. Hindi mo ako makikita sa kung kanino pa man."
"Tahan na, tapos na tayo, Jewel. Tapusin mo na rin yang pag iyak mo, dahil sa mga pagkukulang natin sa isa’t isa. Tapusin mo na rin sisihin ang sarili mo sa mga bagay na sana ginawa mo, pero ni minsan di mo tinangkang gawin. Tahan na, tapos na tayo, at dina tayo mauulit pa. Tahan na, patawarin mo na rin ako kung mas pinili kong umalis."
"Hindi na nga tayo mauulit, tama ka naman dyan sa sinabi mo."
Napapikit na lang sya ng mariin kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha na kaagad nyang pinalis. Huminga muna sya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"... Pero sana sa tuwing maaalala mo tayo, maging masaya ka na lang. Na minsan tayong naging isa, na minsan tayong naging sapat para sa isa’t isa. Hindi na tayo mauulit, pero sana kapag babalikan mo ang mga alaala natin, hindi ka kailanman magsisi sa ating dalawa."
Hinagilap nyang gamit ng makitang palapit na sa kanya si Rowena.
"Masyado kasing matigas ang ulo mo. At hanggang ngayon, kahit lampas isang taon na tayong magkahiwalay, hinahanap mo pa rin ako sa ibang tao. Jewel, kung magmamahal ka, siguraduhin mong hindi ako ang hinahanap mo."
"Masisisi mo ba ako? Masyado ko nang pinlano yung buhay ko na kasama ka, na ikaw yung katabi ko sa lahat ng pagkakataon sa buhay ko. Masyado kong inintay yung araw na ako lang yung uuwian mo. Yung araw na tayong dalawa lang. Masyado kasi akong nagtiwala na kaya nating dalawa. Masyado akong kampante na ipaglalaban natin ang isa’t isa, uunahin ang kapakanan nating dalawa. Pero mali pala. Sana pala, minsan nagkaroon din ako nang pagdududa sa tuwing sinasabihan mo ako na mahal mo ako."
"Haayy.." Malalalim ang pagbuntong hininga ni Cejay, sa isip isip nito ay ang salitang.. 'Paulit ulit na lang! Parang sirang cd na rewind ng rewind!'
"Masisisi mo ba ako, na ikaw pa rin ang gusto ko? Kung ikaw lang yung unang taong nagtiwala sa lahat ng kaya ko, at nagmahal sa lahat ng kahinaan ko? Kung ikaw lang yung taong nagsabi na sapat ako? Kaya eto, ilang lalaki na ang nakilala ko, para lang hanapin ka. Nasaan ka na ba?"
Tooot.. toott... tooott...
Napakagat labi na lang sya ng marinig ang pagkaputol ng linya, imbis na ang boses ni Cejay sana ang inaasahan nyang sumagot.. Wala na! Sumuko na naman ang binata sa kakulitan at pagda drama nya. Anupa bang bago? Eh! Halos paulit ulit na lang naman ang ganitong eksina sa kanilang dalawa.
"Hoy! Anuna? Padilim na ng padilim sa labas, dika pa rin ba tapos dyan ha?"
"Weng..." Napabunghalit na sya ng iyak pagkalapat pa lang ng kamay ni Rowena sa kanyang balikat.
"Hay naku! Heart, tapusin mo na nga yang pangungulit sa ex mo! Susme! Lahat naka move on na sa battle of the Crazy love story nyu! Bakit ikaw, ganyan kapa rin? Move forward kana girl! Di yang move backward ka!"
"Ang hirap!"
"Eh! Lahat naman yata sa'yo mahirap! Mahirap tumawa, mahirap ngumiti lalong mas mahirap magsaya.. Mas madali pa sayo ang magmukmok, umiyak at masaktan! Anuka ba masokista? na maligaya't masaya kapag ganyang nasasaktan ka? Eh! Lokaloka ka pala eh!"
Dampot ng damit dito, imis ng make up dun.. mabilis ang bawat galaw nya habang rumaratsada na naman ang bunganga ng kanyang kaibigan.. Singhot, hingang malalim, punas ng sipon at luha. Dina magkandaugaga sa kanyang ginagawa si Jewel ng mag ring ang kanyang cellphone. Dadamputin na sana nya ito sa lamesa ng maunahan sya ni Rowena at ito ang sumagot ng tawag.
"Punyeta! Wag mo akong murahin! Gaga ka!"
Napaawang ang kanyang bibig ng marinig ang pasigaw na boses ng kaibigan. Namumula ang mukha nito sa galit habang nakikipag usap sa hinuha nyang girlfriend ni Cejay ngayon.
"At sino ka para utusan ako? Hindi porket ikaw ang present ni Cejay ay magmamaganda kana sakin, baka basagin ko yang nguso mo! Haliparot na'to!"
"Tama na yan! Patayin mo na lang ang phone, Weng! Sige na naman!"
"Hindi!" Pinandilatan sya ng mga mata nito.. Saka pilit na inilalayo sa kanya ang cellphone na hawak matapos e loud speaker ito.
"Sabihin mo dyan sa masokista mong kaibigan na kahit anupang gawin nya, dina nya makukuha pa si Cejay sakin!"
"Eh! di wow! sa'yong sayo na! Isaksak mo dyan sa dibdib mong laylay na't dugyot! Bwiset..!"
Sabay patay nito ng tawag at inihagis ang cellphone sa pader. Kagat labing nilapitan at dinampot ni Jewel ang teleponong basag ang screen, battery na malayo ang narating, sinubukan nyang buksan ulit ito, pero dina umilaw kaya isinilid na lang nya sa bag.
"Papalitan ko yan,.bibilhan kita bukas, pati sim card!"
"Wag na! ayos lang yun.. mas mabuti pa yatang wala akong cellphone, para dina mangati 'tong kamay ko na tawagan ulit sya!"
"Magagawa mo ba? Eh! Baka nga maya maya lang sinusuyod mo ng mga tindahan makabili ka lang ng cellphone, na kahit second hand at lumang luma papatusin mo, makatawag ka lang at marinig ang boses ng Cejay na yun!"
"Uy hindi ah! ang concern ko ngayon ay si Miss Katie, pagagalitan na naman ako nun kapag di nya ako makontak!"
"Echosera! Nasa Italy sya ngayon, diba kahapon lang sila umalis? So, dipa yun agad agad tatawag sa'yo, magha happy happy pang dalawang b***h Models na yun, kala mo diko alam ang chismax tungkol kila Kera Ducleff Kitsume at Katie Gornican Nylian, na yan ha? Eh, halos silang dalawa palagi, ang cover up ng mga magazines na nakikita ko nuh! Kaya magtigil ka dyan sa pagpapalusot dot com mo't di yan uubra sakin."
Hinila na ni Rowena ang luggage nilang may laman ng iba't ibang damit sa pagco cosplay nila dito sa Antipolo. Mabilis syang napasunod sa maldita nyang kaibigan. Sa totoo lang, sa matinong usapan, tanging si Rowena Arisgada lang ang nakakatagal sa pag uugali nya. Kasa kasama sa mga iba't ibang raket pangsuporta sa pag aaral nya.
Mahirap ang malayo sa pamilya, ang maging isang independent mapatunayan lang sa kanyang Ama na kayang kaya nyang tumayo sa sarili nyang mga paa. Ng hindi na sya umaasa kahit na pambili pa ng napkin nya, kasi kaya nyang suportahan ang lahat ng pangangailangan nya.
Ang pangunahing goal nya sa buhay ay makabili ng sarili nyang lupa't bahay, sasakyan at makapagpatayo ng sariling negosyo. Pero, sabi nga ng kanyang Ina, lahat naman ng gusto nya makukuha nya, basta't sundin nya lang ang kagustuhan ng kanyang Ama. Pero, nagmatigas sya, kaya ang ending.. Naiwan syang mag isa sa Pinas, habang ang buong pamilya nya naman ay tatlong taon ng naninirahan sa Italy.
'Patawad Mama.. Hinding hindi ako aalis ng Pilipinas, dahil nandito ang buhay at kaligayahan ko, ayokong manirahan sa Italy katulad ng mga kapatid ko! Ayos lang na dyan kayo at dito ako! Walang kaso yun sakin, ang mahalaga.. malaya akong gawin lahat ng makakapagpasaya sakin.'
Kumuyom ang kanyang mga palad, napatiimbaga't napapailing.
'Walang sukuan, walang sisihan.. Laban lang ng laban Heart Jewel Saji..!! Kaya ko 'to! Makaka survive ako dito kahit nag iisa lang ako..!'
Malalaki ang kanyang mga hakbang na halos takbuhin na nyang malaking gate ng bahay na pinagdausan ng engranding birthday party ni Sabina Nixon.
"Heart, bilisan mo na..!"
"Eto na nga oh! nagmamadali na nga ako! kulang pa ba? Anupa bang gusto mo, lumipad ako? Dika na naawa sakin.. pagod na ngang puso ko, pati ba katawan ko papagurin mo na rin? Wala kang ka konse konsensyang kaibigan."
"Tse! tigil tigilan mo na nga yang mga hugot hugot mo dyan! Tara na't gabing gabi na tayo!"
Naghihilahan pang dalawa na tinahak ang short cut na daan patungong sakayan pa Edsa.
"Weng, safe bang daan na'to sa'tin?"
"Di ako sigurado eh! Pero, mas mapapabilis ang pag uwi natin kapag dito tayo dumaan."
"Eh! Kasi namaann..."
"Bakit? ayaw mo bang makauwi kaagad at makapag pahinga?"
"Syempre gusto ko! sakit na ngang mga binti ko eh!"
"Yun naman pala! Bilis bilisan mo na lang ang paglakad"
Magkahawak kamay pang mabilis na naglakad ang magkaibigan, ng mapadaan na sila sa may matataas na talahiban, biglang napahinto si Heart ng may makitang dalawang lalake na nakakubli sa damuhan.
"Weng.. may mga lal- "
"Shh.. deretso lang ang lakad! saka lakihan mong hakbang."
"Natatakot ako..."
Mabilis na pinulupot nyang kanang braso sa kaliwang braso ni Rowena, saka mas isiniksik pang sarili dito. Ngayon nya pinagsisihan kung bakit nya tinanggihan ang kanyang Ama, sa pagtuturo nito sa kanya ng self defense.
'Sorry po, Papa! Sorry po, talaga! Kung sana nakinig lang ako sa inyo, baka may laban pa ako dito! Kaso, hindi ako katulad nyu, na magaling sa lahat ng bagay.. malakas lang loob ko, pero hindi ako kasing tapang nyu!'
Nadagdagan pang kanyang takot ng isa isang magsilabasan mula sa kinukublihang matataas na talahiban ang anim na kalalakihan. Sa hilatsa ng mga pagmumukha ng mga ito, alam nya kaagad na masasama itong tao.
"Sa wakas! Dumating rin ang Hooker!"
"Pero, antagal nating naghintay dito! Dapat sulit ang gabing ito para mapaligaya nya tayo!"
"At siguradong may bonus pa tayo kay boss, kapag nailibing na natin ang salot na sumira sa pamilya nila."
"Panu kapag nalaman ni Sir Roman?, Naku! siguradong sa kulungan na naman ang bagsak natin nito!"
"Wag mo ng problemahin pa yun! Si boss Archi ng bahalang managot sa Daddy nya pag nagkataon! Kaya, hulihin nyu na sya! Bilisan nyu na! bago pa may makakita satin dito!"
"Teka muna! Eh! Sino ba sa dalawang yan ang Rowena Arisgada?"
Nagkatinginan sila Rowena at Jewel pagkarinig nila sa usapan ng mga sangganong palipat lipat ang pagkakatingin sa kanilang dalawa.
"Tanga ka talaga! Wag ka ng pumili sa dalawa! Pareho namang katakam takam ang mga wankata! Kaya sugod naaa...!"
Ang tahimik lang na si Rowena, ay naging alerto ng lubos na maunawaan ang narinig na usapan ng mga sangganong nagpulasan, mabilis ang mga kilos na sinugod ng mga ito ang dalawang dalaga. Si Heart ay nanginginig na sa takot ngayon. Nakakapit pa rin ito sa braso ng kaibigan na bahagyang tinapik tapik ang kanyang pisngi.
"Heart!"
"Natatakot ako Weng... takot na takot.. !"
Nag umpisang mamasa ang kanyang mga mata, ang nanginginig nyang kamay ay tuluyan ng nabitawan ang hawak na bag, dina sya makapag isip ng matino, lalo na ng may biglang humablot sa kanyang kaliwang braso. Tila umurong ang kanyang dila at dina sya nakasigaw para humingi ng tulong. Tumulo ang sunod sunod na luha sa kanyang pisngi. Napapikit na lang sya sa sobrang takot na kanyang nararamdaman ng mga oras na yun. Napadilat rin sya agad ng marinig ang nanggigigil sa galit na boses ni Rowena.
"Mga hayop kayo! Bitawan nyong kaibigan koo.. !"
Kasabay sa pagbitaw ng lalaking may hawak sa kanya, ang pagbagsak nya sa lupa dahil nadala sya sa lakas ng sipang tumama sa likod ng sangganong dumakma sa kanya. Nanlalaki ang mga matang napabaling sya ng tingin kay Rowena. Nakataas pang kanang paa nito na nakangiti sa kanya.
"Tumayo ka dyan, at lumaban!"
"K- kaya ko ba?" Alanganin nyang tanong kay Rowena, habang pinupunasan ang basang pisngi ng kanyang mga luha.
"Kayanin mo! Dahil kung hindi! wasak na ngang puri mo, tegebambam pang ending natin dito!"
"Ngee! ang chaka naman nun, Weng."
"Chaka talaga! Oh! Tayo na! ilaban mo ng patayan ang puri mong iniingatan, na kahit nga kay Cejay ay ipinagdamot mo kaya ka nya iniwan!"
Inabot nyang nakalahad na kamay ni Rowena sa kanya. Tumayo sya't ginaya ang pagkakatayo nito at porma. Saka nya naisip ang mga sinabi nito kanina. Na pawang may katotohanan naman ang lahat.
'Kung kay Cejay nga hindi ako bumigay, dito pa kaya sa mga halang ang kaluluwa't naglalaway! No way! Patay na kung patay!'
?MahikaNiAyana