Buwis Buhay ꨄ

1638 Words
Anong magagawa ng dalawang babae laban sa anim na kalalakihang malalaki ang pangangatawan at banat sa mabibigat na trabaho? Lalo pa't si Rowena lang ang nakakalaban at si Heart ay ni hindi man lang makapagpatumba kahit isang sanggano man lang. "Huli ka! Wala ka ng kawala sakin ngayon, lenchak kang babae ka! Pinahirapan mo pa ako ha! Lagot ka sakin ngayon, ikaw naman ang pahihirapan ko! hehe... " "Bitawan mo ako!" "Anu ako bale! Bakit ko pa bibitawan ang isang putaheng katakam takam? Hindi ako tanga! kaya wag ka ng pumalag, kung ayaw mong masaktan!" Sapilitang kinaladkad ng isang sanggano si Heart, mahapdi ang kanyang pisngi dahil ilang beses din syang nasampal, ang masama pa dun sinikmuraan pa sya, kaya lalo syang nanghina. 'Lord! Tulungan mo po kami ni Weng! Sana po, magpadala kayo ng isang Anghel na magliligtas po sa amin dito! Maawa po kayo samin ng kaibigan ko!' Agos ang luhang hinagilap ng kanyang tingin ang kaibigan, na ngayon ay tumatakbo na papunta sa kanya. Napahagulgol sya ng iyak pagkakita ditong nakikipaglaban sa bawat sangganong humaharang sa dinadaanan nito. 'Weng...' Buwis buhay itong lumalaban, hindi nito hinahayaang mahawakan ng mga sangganong tila naglalaway na sa kamanyakan. 'Weng... Kaya mo yan!' Kitang kita nya ang biglang pagtalon nito, ala Angelina Jolie, sa Movie nitong Salt.. Na simula ng mapanood nila ni Rowena ay pinag aralan na nitong gayahin ang bawat galaw at diskarte nito sa pakikipaglaban.. Mula sa pag igkas ng paa nito sabay suntok sa sangganong mahigpit ang pagkakahawak sa kanya. Sabay pa silang tumilapon sa damuhan, kahit na masamang pagkabagsak nya sa lupa, sinikap nyang lingunin ang kaibigan para sana magpasalamat. "Heart! Tumabi ka!" Nabigla pa sya sa pagsigaw ni Rowena sa kanya ng tuluyan na syang makawala sa lalakeng kani kanina lang ay kumakaladkad sa kanya. Pagapang nyang tinungo ang isang puno na kanyang nasulyapan di kalayuan sa kanyang kinadadapaan. Hingal aso syang pilit na iginalaw ang katawang tila nalamog na sa natamong pananakit sa kanya kanina. Isinandal nyang likod sa puno. "Dyan ka lang! Pahinga kana muna, at kung pwede lang tigilan mo ng pag iyak, sayang ang luha mo!" "Wag kang pahuhuli sa kanila ah! Ilaban mong puri natin!!" Pinalis nyang luha na sunod sunod ang pagpatak sa kanyang basang pisngi, saka sya ngumiti kay Rowena, para kahit papanu gumaan naman ang pakiramdam nito, kapag nakita syang kumakalma na. "Isa ako sa mga Bad Girls! Lumalaban kami ng patayan.. kaya wag kang mag alala, dahil hanggat nakatayo ako.. may laban tayo Heart! Lalaban tayo!" "Sinabi mo eh! Kaya naniniwala ako! May laban tayo!" Nakita nyang hinugot ni Rowena ang panyo sa bulsa ng suot na shorts, saka mabilisang itinali ang kulay pink nitong buhok, bago maliksing tumakbo pasugod sa dalawang sanggano na pangisi ngisi lang habang pinagmamasdan ang bawat pag indayog ng katawan nito. Di naman yun nakapagtataka, dahil isa sa pinagmamalaki ni Rowena ay ang malulusog nitong dibdib, at FYI: orig ang boobs nito at hindi retoke ha! "Tsk! Mga manyak talaga!" Napapailing nyang sinuri ang damit ng kaibigan, di man lang nya nabigyang pansin ang suot nito kanina, dahil ang buong sestema nya ay okopado ni Cejay. 'Hoowahh! kaya naman pala na estatwa ng mga manyak, eh hanep ang OOTD ni Weng ngayon!' Sa porma nitong maiksing shorts at hapit na hapit na blouse, kagaya ng pananamit ni Julia Roberts ng pretty woman, na isa rin sa paborito nilang panoorin kapag nakauwi na sya galing sa pag p PA nya sa modelong si Katie Nylian, Anak ng cold hearted b***h na si Kissy Gornican, na naging malapit na rin sa kanya. "Weng! mag iingat ka!" Naiiyak nyang sigaw sa kaibigan na walang humpay na lumalaban, sa apat na kalalakihan na di alam kung panu nila makokorner si Rowena na bihasa sa pakikipaglaban. Pero, kahit na bihasa pa sa pakikipaglaban si Rowena, mauubos din ang lakas nito at bibigay ang katawan sa pagod. Nakikita na nyang pagbagal ng mga kilos nito. At sa di inaasahang sitwasyon, sa isang maling kilos nito, nagapi sya't nahuli ng mga kalaban. "Wenggg..!" Nanginig sya sa takot ng makita ang pagbuhat ng isang lalake sa kanyang kaibigan at basta na lang itong hinagis kung saan. "Weng..! huhu.. Weeng... !" Napasunod ang nanlalabo nyang tingin sa katawan ni Rowena na tumilapon sa isang puno, narinig pa nyang malakas na pagtama nito sa puno at ang pagdaing ng bumagsak naman ang katawan sa lupa. Gagapang na sana sya palapit dito ng mahagip ng kanyang tingin ang isang lalakeng tumatakbo pasugod sa mga manyak na sanggano, nakasuot ito ng hoodie kaya di nya makita ang mukha nito, pero sa tangkad at laki ng katawan nito, nabuhayan sya ng pag asa na makakaya silang iligtas nito. 'Lord,, sya na bang Anghel na pinadala mo sa amin? Kung sya na nga po yun,, tenk you,.. tenk you po, Lord!' Kitang kita nya ang paghablot nito sa isang sangganong palapit na sana kay Rowena, sinakal nito ng kanang braso saka hinawakan naman ng kaliwa nitong kamay ang ulo sabay pilipit dito. Walang malay na binitawan na lang nito basta ang sanggano. 'Wow! Ang galing naman nya!" Palibhasa nagulat ang limang kalalakihan sa pagsulpot at sa ginawa ng lalake sa isang kasamahan ng mga ito, di man lang nakagalaw at nakailag ang ibang sanggano ng sugurin nito isa isa habang pinagmumura kasabay ng pagsuntok, sipa at paghagis nito sa mga kalaban. "No one can hurt the woman I love! Fuckers!" Galit na sigaw pa nito. 'Ha! Anudaw? Woman I Love?' Napabaling ang kanyang tingin kay Rowena na dumadaing sa sakit ng katawan na natamo. 'Si Weng? Ibig sabihin mag jowa silang dalawa?' Napasimangot syang bigla. 'Hmp! nagse secret na sakin ang hitad na'to ah!' So, balik ang kanyang buong atensyon sa tagapagligtas nila. Awang ang kanyang labi sa intense na labanan ng mga ito. May hinugot itong maliit na patalim sa soot na sapatos, saka walang pag aalinlangang inundayan ng saksak sa hita ang sangganong patayo pa lang mula sa pagkakalugmok nito sa lupa. "Ugh!" "Diputing! Pagbabayaran nyung lahat ang ginawa nyung pananakit kay Rowenaaa!!" Nanlilisik ang mga mata nito sa galit, na halos durugin na nitong kalaban. 'Oh! Kitam! confirm.. jowa nga sya ni Weng! Nakaka excite naman, sayang diko makitang mukha, kung bakit naman kasi, naka hoodie pa gayung nakikipaglaban lang naman? Anuba 'to secret agent? Gaya ng Papa ko?' Dipa ito nakontento sa ginawa kay manong sanggano, inulit pa nitong pagsaksak sa kabilang hita naman nito ngayon. "Ahhh.." "Lulumpuhin kitang tarantado ka!" Gigil pa nitong sinuntok sa dibdib bago nito hinarap ang apat pang sanggano na tulalang nakatingin lang din dito. "Time to work out boys! Ready na ba kayoo..?" Naging alerto si Heart ng makitang hinubad nung lalake ang suot nitong hoodie saka tumalon talon. 'Oh my goodness! orig na Tattoo ba yan o hena lang?' Bumaba ang kanyang tingin sa katawan nitong makukulay ang mga nakaukit na burda, lalo na sa malapad nitong dibdib na may bahagyang pinong balahibo. Napaismid sya ng masigurong tattoo nga ang mga ito. 'Barumbado siguro 'to, halata naman sa kilos at pananalita eh! saka, palamura pa! Grabee!' Hate na hate nya talagang mga lalakeng may tattoo, ewan ba nya kung bakit natu turn off sya sa mga ito. Eh! Alam naman nyang masama ang manghusga ng kapwa, na may kanya kanyang dahilan at karapatan ang bawat tao, na gawin ang mga gusto at makakapag pasaya dito. 'Isa syang Burdado!.. Bagay na bagay talaga sila ni Rowena! Isang bad girl at isang bad boy! swak na swak!' Sa pakikipaglaban bihasa din ito kagaya ng kanyang kaibigan. Mabibilis ang kilos nito na hindi inaasahan ng mga kalaban. Tumalon pa ito at sumirko sa ere at sa pagbagsak nito sa harapan ng dalawang kalaban, kaagad na tinamaan ng sipa sa leeg yung sa kanan at malakas naman nitong dinibdiban ang sa kaliwa. Parehong walang malay na bumulagta sa lupa yung dalawa. 'Ang galing galing naman nya!' Sa live action show na kanyang nakikita, nawala sa isip ni Heart ang ilang sanggano na nakaabang lang sa mga kaganapan. At isa dito ang unti unting lumalapit sa kinauupuan nya't naglagay ng isang boteng bumubuga ng pampatulog na usok. Saglit lang yun, dahil sa bawat pagsinghot nya ng hangin sumasabay na dun ang usok ng pampatulog. Sa unti unting pagpikit ng kanyang mga mata naulinigan pa nyang boses ng kanilang tagapagligtas. "Next! Oh! Bakit di man lang kayo gumagalaw dyan? Laban! Wala man lang kagana gana kung ganyang puro lang kayo nakatunganga dyan! Galawww!!" Sunod sunod ang pagbayo nito sa dibdib nung sanggano na umabante para sumuntok, kaso sa katabaan nito, naunahan pang suntukin ito bago pa lumapat sa mukha nung burdado ang kamao nito. "Araayy.. tulongg!! Ugh.." Sapo ang kanyang ulo, papikit pikit ang matang napatingin si Rowena sa lalaking panay ang mura habang nakikipaglaban ito. "A- anong...?" Pumikit sya ng mariin, saka bahagyang kinusot kusot ang mga mata para luminaw. Kaso nanlalabo pa rin ang kanyang paningin kaya nanatili na lang syang nakapikit at nakikiramdam sa paligid. "Hudas ka!" Narinig nyang baritonong boses ng lalake, gustuhin man nyang idilat ulit ang kanyang mga mata, para makita ang tagapagligtas nila, hindi na nya nagawa pa. "Tangna ka! Kabuburda lang ng tagiliran ko, sinira mo na agad, dimu man lang pinatagal ng isang taon na hayop ka!" "Arkk.." "Oh ayan! RIP tuloy ang ending mo, kupal" Mga pabulong na lang na mga boses ng mga nag aaway ang naririnig ni Rowena. Namimigat na kasi ang talukap ng kanyang mga mata, dahil sa magkahalong pagkahilo, pananakit ng katawan at pagod na kanyang nararamdaman. Nahulog sa malalim na pagkakatulog si Rowena. Hindi na tuloy nya nakita't nakilala ang tagapagligtas nila na walang iba kundi si Paolo Andrade, ang Burdado at Barumbadong lalake na palaging nakakabanggaan ng grupo nilang Bad Girls. Ang lalakeng nasaksak ng leader nilang si R'joy Queen. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD