My name is Zero Fossils Ablan ꨄ

1482 Words
'Anong klaseng babae ka? Iniligtas ka nya sa mga lalakeng halang ang bituka, nagbuwis sya ng buhay matulungan ka lang nya! Inuwi ka't inalagaan.. ginamot ang mga sugat mo at dika nya iniwan.. Tapos ito pang gagawin mo sa kanya? Umalis ka ng hindi nagpapaalam! Kahit na ang magpasalamat dimu pa magawa? Wala kang utang na loob!' "Ahhh.. Tama naaa!! tigilan mo na akoo..!" Humahangos na napabalikwas ng bangon si Heart.. Nanaginip na naman sya, o mas tamang sabihin na binangongot na naman sya... Ba't ganun? Ayaw syang patahimikin ng pangyayaring yun? Bakit paulit ulit na lang syang inuusig ng kanyang konsensya? Bakiiittt?? "Heart! Hooyy..! 'nung nangyari sayo? Okay ka lang ba ha?" Tarantang tanong ni Rowena. "Wengg... ayoko na..!!" Napasabunot sya sa magulo nyang buhok. "Ha? Anong ayaw mo na? Alin ba dun ang ayaw mo? Ang mag PA kay Bitchy Katie, ang mag cosplay, ang mag extra sa pagmomodel? Ang pumasok sa office na pinagpa part time man mo? o ang umuwi sa bahay nyu.. dahil andun ang mga Magulang mo?" "Weng..!" Nanginginig ang kanyang baba, napayuko sya't pinagkiskis ang dalawang kamay sa nararamdamang kaba at takot. "Nakalatag ng choices.. Sagutin mo na!" "Natatakot ako Weng! Anubang dapat kong gawin, makalimutan ko lang yung gabing yun?" "Mag focus ka sa mga raket natin.. o di naman kaya, magpaka busy ka muna sa part time job mo sa office nila Queen.." "Ngee..!! Sungit ng fren mo na yun sakin eh! Parang ayoko na ngang bumalik dun!" "Hoy! Girl, wag kang chooseyy.! kelangan mo ng datung diba?" Napapahiyang napatango na lang sya dito. "Remember! Pinaghahanap kapa ng mga Magulang mo! Lalo na yung Papa mo, gigil ng mahanap ka! At yung place lang nila R'joy Queen ang mahirap pasukin, kaya safe ka dun.." "May point ka dyan!" "Talaga! Kaya, bumangon kana dyan at pumasok, bilisan mo.. malapit ng mag eight! Number one rules pa naman ng Queens Gallery, ay bawal ang late! Kundi, machuchuge ka ng wala sa oras." Mabilis syang bumangon, sabay hablot ng tuwalyang nakasampay sa headboard ng kama nila ni Rowena. Isang linggo na syang nakikitira sa bahay ng kaibigan, at tatlong araw na syang nagtatrabaho bilang encoder sa mayamang kabarkada nitong si R'joy Queen. Habang nasa opisina, may earphones at nakikinig ng kanta.. Biglang tumugtog yung 'Not Over You' ♪ ♪ If you ask me how I'm doin' I would say I'm doin' just fine I would lie and say that you're not on my mind But I go out And I sit down At a table set for two And finally I'm forced to face the truth No matter what I say I'm, not over you ♪ ♪ Tapos napaisip, 'Am I really not over you? It’s been a year. Marami na nga akong napasukang trabaho, oh! Madalas nakikita ko kayo. Am I still into you?' Napabuntong hininga.. Tapos iiling iling habang patuloy na naglo look back with background music.. For the last months na-coconvince ko yung sarili ko na okay na ako. I mean, I can see myself smiling, laughing.. Nag-eenjoy ako. Nagugulat na nga lang ako sa sarili ko na pag nakita ko yung mga latest pics ko, natural na yung mga ngiti ko.. Hingang malalim, papitik pitik ng daliri sa mesa.. Tuloy pa rin ang pag iisip.. So I assumed, okay na. And then, these last few days araw-araw kong sinisisi si hormones. Ang lungkot. Nararamdaman ko na naman lahat. Out of nowhere, biglang papasok yung mga unwanted thoughts. Babalik yung lahat ng pakiramdam na ayaw ko ng maramdaman kahit kailan. Parang pelikula, nagfaflashback lahat ng scenes. Pipilitin kong iwasan. Gagala ako, kakain, lilibangin yung sarili o kaya itutulog na lang. Pero paggising, ganun na naman. Nakakapagod. Gaano pa katagal? Gaano pa kalayo? Hanggang kailan? Hanggang saan? Wooooh. yung tipong nakarinig ka lang ng kanta, nag-emo ka na. Kainiiss... "Heart!! Naku! Heart!! Dali... Halika dito! Dalian moo..!!" "Bakit, anubang meron, Weng?" Pakaladkad syang hinila ng kaibigan palabas ng opisina.. Nalilito man sya kung anong nangyayari, napabilis na rin ang kanyang paglalakad makasabay lang kay Rowena. Huminto sila sa gilid ng malaking halamang display sa lobby. "Dito! Ay hindi! Dito pala!" "Anuba! Weng? Anuba kasi yun?" "Sshh.. Sumilip ka sa labas! Silip lang ha! Wag kang magpapakita!" Nagtatakang napasunod naman sya sa sinabi nito sa kanya. Dahan dahan syang sumilip sa labas, saglit lang yun, dahil napakubli sya pabalik sa tabi ni Rowena. "Langhiya!, meron palang private Army ang Papa mo! dimu man lang ako tinimbrehan! Lagot tayo ngayon nito! Ahuhuy.. Heart, ayoko pang mategebambam! Bata pa'ko eh! Saka, kaka sagot ko pa lang kay Banana.. Naka dalawang jugjugan pa nga lang kaming mag jowa... the end na kaagad ang storya? Ayoko paaa!!!" Tinampal tampal nya sa pisngi ang naghi hysterical nyang kaibigan. May rason kung bakit nagkakaganito ito. Eh! Sino nga ba naman ang hindi matataranta, kapag nakakita ka ng isang batalyong Army, na nakahilera sa labas ng Queens building.. Na para bang anytime eh susugurin na sila at pagdadakipin? O mas worse pagbabarilin.. "Hoy! Weng.. Anuba yang mga pinagsasasabi mo dyan?" "Heart, dika ba natatakot ha? Nasa labas lang ang war freak mong Papa! Dipa ba malinaw sa'yo.. na alam na alam na nyang nandito ka? Anytime, kukunin kana nya at dadalhin ng Italy. Babye.. Freedom.. Babye Pilipinas... At Babye Friendship na tayong dalawa!!." "At sa tingin mo ganun ganun na lang? Para namang hindi mo ako kilala Weng.. Hanggat may malulusutan.. may paraan.. kahit kaliit liitang chance.. pinapatos ko! Saka isa pa! Diba, meron tayong walang sukuan at walang iwanang pangako sa isa't isa?" "Oo nga, meron! Pero, sa ganitong sitwasyon natin, may magagawa pa ba tayo? Ayan nga Oh! Nasa labas lang ang Papa mo!" Isapang silip sa labas ang kanyang ginawa, nakita nyang kinakausap na ng kanyang Papa ang mga guards ng Queens building.. "Halika na Weng.. May alam akong daan palabas dito." "Ha! Saan..?" "Basta! Bilisan mo na lang at nasa entrance na sila Papa!!" Magkahawak kamay nilang tinungo ang cafeteria ng building.. Dere deretso sya sa kitchen habang hila hila si Weng na panay naman ang lingon sa kanilang pinanggalingan.. "Excuse lang po, mga Ate at Kuya... Padaan lang po kami, may inuutos lang samin si Miss Queen! Kaya pasensya na po sa abala..!" Hinging paumanhin nya sa mga nababangga nila sa kusina... Pagkalabas nila ng pintuan laking pasasalamat ni Heart ng makakita kaagad sya ng taxing naka park malapit lang sa kanila. "Weng.. bilisan mo naman.. baka umalis yung taxi na yun oh! Maabutan tayo ng dito!" "Pwede namang.. Ikaw na lang ang sumakay, maiwan na lang ako dito, para mailigaw ko sila.." "Weng.. Ayoko! Baka hulihin ka nila at dalhin kay Papa!" "Duh! As if naman.. Kilala ako ng Papa mo? Eh! Ni minsan nga dimu man lang ako naisama sa house nyu eh! Echosera! Dalian mo na! Sumakay kana sa taxi, bilis..!" "Sandaliii..!" "Wag ka ng mag aksaya ng minutes! Wala kana namang choice kundi ang sumunod sakin.. Kaya punta kana dun sa taxi.. Sumakay kana at magpakalayo layo dito! Call kita, pag okay na ha! Mag iingat ka!" "Maraming salamat Weng! Ikaw din mag iingat ka palagi!" Matapos nilang magyakap, tinulak na sya ni Rowena papunta sa taxi, na ni hindi pa nga nya alam kung may driver ba sa loob o wala. Nagbabakasaling bukas ang pinto ng backseat, mabilis nya itong binuksan.. Natuwa pa sya ng hindi ito naka lock. Kaya dali dali syang pumasok sa loob. Sinulyapan nyang kinatatayuan nila kanina ni Weng, nandun pang kaibigan.. pasimpleng kumakaway at sumesenyas na umalis na sya dun. "Kuya, tara na po!" Sabi nya sa driver na hindi man lang nya pinagkaabalahang sulyapan. Kasi, nakatutok ang kanyang tingin kay Rowena. Napakagat labi na lang sya ng makitang nagsipaglabasan sa pintuan ng kitchen ang mga Army na kasa kasama ng kanyang Papa kanina. "Weng..." Nakita nyang may isang Army na lumapit sa kanyang kaibigan.. Hula nya ay nagtanong lang ito, kasi, umiiling iling si Rowena.. tapos maya maya umalis na rin ito dun. Malayo layo na sila sa lugar na yun, ng magtanong sa kanya ang driver.. "San tayo, Miss?" 'Huh! Ang boses na yun!.. parang pamilyar sakin..' Dahan dahan nyang sinilip ang taxi driver.. Nanigas sya sa kinauupuan ng makita ang mukha nito, nagkatitigan pa sila ng bigla itong lumingon sa kanya. "San tayo, Miss? Las Piñas ba?" 'WTF! Sya na naman?' Panu ba nya makakalimutan ang buhok nitong kulay gray, ang putlain nitong balat, ang matangos nitong ilong, ang mapula nitong labi.. at higit sa lahat.. ang pula nitong mga mata. "K- Kuya!" Umiling ito, kitang kita nya ang pagkislap ng mga mata nito.. Kasunod nun ang pag ihip ng malamig na hangin.. Kasabay ng isang namamaos na tinig.. 'My name is Zero Fossils Ablan...' Ramdam nyang mabilis at malakas na pagtibok ng kanyang puso. na sa lakas nito ay parang magigiba ng kanyang dibdib sa takot. 'Waaahh.. Ayan na naman syaa..!!' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD