Pinagtagpo pero di Nakatadhana ꨄ

2113 Words
"I can feel the connection between you and me" "At anong connection naman yun.. Love? Hmp! Style mo Kuya ha! bulok!" "No! not Love.. and definitely not lust.. It's hard to explain" "Hay naku! Kuya! Ako'y tigil tigilan mo na!" "It's Fossils!" "Fossils na kung Fossils..! Ang weird mo.. para kang hindi tao" "What if I tell you, I'm not! Would you believe me?" "Half half.." Biglang sagot nya ng di nag iisip. "Anu namang klaseng sagot yan?" "Basta! Yun na yun!" "Soo... You have doubt huh! " Nagkibit balikat lang sya. "You Want proof?" Sumipol ito... Rumagasa ang pagkarami raming kalapati na kulay itim.. Nagpaikot ikot yun sa kanila, na ikinagitla ni Heart. Bumaling ang natatakot at nagtataka nyang mga mata kay Zero. 'Oh crap!' Akma ng tatakbo si Heart ng marinig nyang malagum na boses ni Zero. "Don't be afraid! I'm not gonna hurt you! Please stay...!" 'Ang boses na yun... sya yun! Hindi ako maaaring magkamali..! "I just need someone who will actually stay by my side, no matter what mood I’m in." "At ako ang napili mo? Ganun ba yun?" "Partly, Yes! Would you let me... to be your friend?" "Hindi ko kelangan ng mabait na friend eh! Ang gusto ko! yung klase ng friend na kahit weirdo.. maiintindihan ako, lalaban kasama ko, hindi nang iiwan at higit sa lahat yung klase ng friend na hindi marunong ng salitang ayoko na.. suko na ako!" Napangiti si Zero.. "How about a friend, who hides many secrets?" "Kung ise share nyang secrets nya sakin... Baka e consider ko na syang friend..!" "Hahaha.. Smart girl!" "I know right! So come on.. Tell me that secrets of yours at baka magbagong isip ko at matanggap na kitang friend ko, from now on..." "Ipangako mo muna na hindi ka matatakot!" Tinapik nyang dibdib, saka nagmamayabang sumagot ng.... "Sus! Ako pa ba? Matibay 'to Uy! Ba't dimu subukan?" "Okay!.. Let's see! how brave you are..." Lahat ng kalapating paikot ikot lang kanina sa uluhan nila, ay lumipad papunta kay Zero.. Nagkumpulan ang mga ito at ikinubli sya sa mga mapagmatyag na mga tingin ni Heart. Sa isang kisapmata kasabay sa pagpulasan at paglipad ng mga kalapating itim palayo kay Zero.. Naging Bampira na ito. "Wow... Magic! Bilis mag transform ah! Tunay ba yan?" "Stop joking! Serious guy here.. that wants to prove his self to you!" "Oppss! Sorry naman... Nagtatanggal lang ako ng nerbyos! Medyo kabado eh! Sensya na!" "Tsk! Alright! So.. what can you say? Any bad comments.. Or maybe bad words?" "Hindi ako judgmental... " Nakairap nyang sagot. "Ows talaga? Kahit sabihin ko pa sayong.. Hindi lang ako Bampira?" Sumimangot sya.. " Eh anu naman? Di big deal sakin kung anuka man! Friend ang kelangan mo, di bashers!" Sobra syang natuwa sa kanyang narinig mula kay Heart.. Di nya mapigilan ang sayang kanyang nararamdam, kaya bago pa sya makagawa ng mali na pagsisisihan nya habang buhay, dumistansya na sya sa dalaga. "Ay! bakit lumalayo.. Mabaho na ba ako?" "Ayoko lang masaktan ka!" "Wala namang tayo! Ba't ako masasaktan?" "Stop joking!!!" Naiirita nyang singhal dito. "Hindi ako nagjojoke! Humuhugot ako!" "Ganyan ka ba talaga?" Hilot hilot ang sentidong kumikirot na tanong nya sa dalagang kaylapad ng pagkakangiti sa kanya. "Oo! Lalo na kapag natatakot at kinakabahan ako.." "So, now you're scared?" "Medyo! Anu kaba talaga? Vampire? Witch or Demons?" Biro lang para kay Heart, pero seryoso ng dating nun kay Zero. 'All of the above." "Weh! Seryoso ka?" Napataas pang boses ni Heart, dahil sa pagkabigla nito.. "Do I look.. that I'm joking?" Napatitig sya sa namumulang mga mata ni Zero.. Kung Bampira ito.. Tapos mangkukulam.. Saang lupalop ng mundo ito nanggaling? "I can hear you." "Hear you! Eh! Ang layo mo! Siraulong 'to! Ini es stress ako!" "Hello! Vampire... Here!" 'Kengina! totoo ba sya? Baka naman panaginip lang ito?' Tinampal nyang pisngi. "Ouch! masakit...!" "Your not dreaming! Totoo ako?" "Talaga? Kung tunay ka't hindi peke! Saan ka naman nanggaling?" "Sa tiyan ng Nanay ko!" Nangingiting sagot ni Zero. Sa kanyang inis.. tinakbo nya ito, saka tinampal ng malakas sa dibdib! Pero laking gulat nya ng lumapat ang kanyang kamay sa dibdib nito! 'Huh! Ba't ganun? Kaylambot ng kanyang balat? Parang bumaon lang ang kamay ko sa bulak?' "Lam mo kung bakit?... Dahil hindi ako pangkaraniwang tao.." Dahan dahang tumalikod sa kanya si Zero.. marahan itong naglakad palayo.. Natataranta naman syang sumunod dito. "Sandalii...! Kala ko ba! Friend na tayo? Andaya mo naman eh! Sabi ko sa'yo walang iwanan diba? Eh! Bakit ngayon ganyan ka? Nang iiwan na lang basta basta?" Huminto ito sa paglalakad, bahagyang lumingon sa kanya.. Nababasa nyang lungkot sa mga mata ni Zero.. Kaagad syang ngumiti dito. "Gusto mo bang sumama sakin?" Inilahad nitong kamay sa kanya. "Saan?" "Sa aming Mundo! Ipapakita ko sa'yo kung saan ako nanggaling!" "Seryoso?" "Kanina pa tayo nag uusap, hanggang ngayon ba.. biro pa rin ang lahat para sayo?" Napapakamot ng leeg na inabot nyang nakalahad na kamay ni Zero sa kanya. "Gagawin ko ito, para hindi kana matakot at mawala ng mga pagdududa mo sakin.." "Bakit pakiramdam ko, may iba kang agenda sa'kin? Siguro, isa kang spy nuh? O baka agent ka rin kagaya ng Papa ko, at ako ang misyon mo? Sagot!" "No! None of the above!" "Lam mo ba Kuya..." "Sabi ng, Fossils! Bakit ba Kuya ka ng Kuya dyan! Eh, hindi naman tayo magkapatid?" "At mas lalong hindi rin Lovers! Kaya bakit gusto mong Fossils ang itawag ko sa'yo?" "Cause, that's my real name, goddamn it! Your so annoying!" Napapiksi si Heart sa biglang pagtaas ng boses ni Zero. Nakakatakot.. parang galing sa hukay ang tinig nito.. Mula ng magtagpo ang mga tingin nila kanina sa loob ng taxi, dun pa lang na confirm na nyang hindi nya ito kauri. Na parang sa likod ng maamo nitong mukha, sa masayang tunog ng halakhak nito, sa mga pagbibiro at pagpapayo nito sa kanya.. ay dun nakatago ang mabangis na halimaw.. Dapat matakot sya, tumakbo palayo dito!.. Pero, bakit ganun? Iba ang kanyang nararamdaman.. Sa dalawang beses na nagkatagpo sila, inaamin nyang malaki ang naitutulong nito sa kanya.. Pakiramdam nya kapag ito ang kanyang kasama.. safe na safe sya.. Di nga ba't dahil dito, natatakasan nyang kanyang Papa? Na kahit papanu tumutulong ito kahit na wala naman itong alam sa pinagdadaanan o buhay nya? Hindi ito nagtatanong ng kahit na anu sa kanya, nagpapayo ito ayun lang sa mga nakikita nito sa kanya. "Miss!" Nag aalalang pinisil pisil ni Zero ang kamay nyang hawak nito. "Jewel! Tawagin mo akong Jewel! Simula sa oras na ito.. Friends na tayo, Kuya Zero Fossils Ablan!" Nalukot ang gwapong mukha ng binata.. Kinurot nitong pisngi nya, saka sinabing... "Okay na sana ang Zero Fossils Ablan eh! may Kuya lang na nakakabit.. yun ang nakakasira ng mooodd..! "Araayy! sakit! Gusto mo bawiin ko? Sige, break na tayo Fossils! Ayoko na sayo!" Napabitaw bigla sa kanyang pisngi ang binata! Mabilis itong tumalikod saka naglakad palayo sa kanya.. Nagtatakang napasunod na lang ang kanyang tingin dito. 'Nuh! Nangyari dun? para, binibiro lang eh! Bilis mapikon... Bipolar pala itong si Kuya.. Now alam ko na!' Ng bigla itong lumingon sa kanya.. Magkasalubong ang kilay.. nakasimangot pa! "Jewel! Anupang tinutunganga mo dyan? Halika na!" "Opo! Kuya! Nandyan na...!" "Isa pang Kuya mo! Itatapon na kita sa impyerno!" "Ba't doon..?" "Kasi, bad girl ka!" Napaisip syang bigla.. 'Ba't ako? Di naman ako kasali sa grupo nila Weng ah! Tadong 'to! Idadamay pa'ko!' "Biliiss! Baka di'ko na abutan si Lulwa sa lagusan!" "Lulwa? Sino naman yun?" "Isang kaibigan na malaki ang pagkakautang sakin." Nagtagis ang mga ngipin nito. "Panahon na para maningil ng pautang..." Nabigla si Heart ng hapitin sya ni Zero sa beywang, saka mabilis itong tumakbo papasok ng kagubatan. Napapikit na lang sya sa naramdamang pagkahilo.. Parang sumasakay lang sya sa roller coaster, na halos bumaligtad ng kanyang sikmura sa takot at pagkalula. "Nandito na tayo!" Napakapit sya sa braso ni Zero, ng bumitaw ito sa pagkakahawak sa kanyang bewang. Dahan dahang dumilat ang kanyang mga mata. "Lulwa! Bukas na bang Lagusan?" Isang magandang babae ang nasilayan ni Heart. Nakasuot ito ng pulang bulaklaking bisteda, pulang sapatos at may pulang rosas na nakaipit sa kaliwang tenga nito. "Kung medyo nahuli kapa ng dating malamang dimu na abutan.. at maghihintay kana naman sa muling kabilugan ng buwan. Sino yang kasama mo? Humahalimuyak ang dugo nyang kaypula.. Nauhaw tuloy akong bigla!" Bumangis ang mukha ni Zero, lalong tumingkad ang kulay pula nitong mga mata.. Nanlilisik na bumaling ng tingin kay Lulwa na padila dila sa labi nito. "Wag na wag mo syang gagalawin Lulwa! kung ayaw mong malagutan ng hininga, dyan mismo sa kinasasandalan mong pader!" "Relax! Fossils.. Di'ko ugaling gumalaw ng pag aari ng iba! Lalo na kung ikaw.. ang nag mamay ari nito! Kaya safe yang kasama mo dito!" Napahigpit ang pagkakakapit ni Heart sa braso ng katabi. Nakikinig lang sya sa usapan ng dalawa. pero, nagmamatyag din sya sa paligid.. Kahit na wala syang masyadong makita, nararamdaman nyang hindi lang silang tatlo ang nandun.. Kundi marami... Marami silang nandun sa Lagusang sinasabi ni Kuya sa kanya. "Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo dito! Sinong makakasama namin patungong Fossus?" "Mossimo!" Lumitaw sa tabi ni Lulwa ang isang makisig na lalakeng nakasuot ng puting sando, itim na pantalon at itim na sapatos. at higit sa lahat may mga pakpak itong itim ang kulay.. Nakapamulsa itong naglakad palapit sa kanila. 'Oh my god! Isa syang black Angel?' Awang ang labing kinusot kusot pa ni Heart ang kanyang mga mata. 'Totoo ba itong nakikita ko? May nag e exist ba talagang katulad nila sa mundong ito? Namaann! Mahirap paniwalaan ito!' "Bakit, itim na Anghel ang gagabay samin, Lulwa? Sana yung kauri na lang natin!" "Dahil hindi kami makakadaan sa kahit na anumang lagusan sa loob ng Engkantadya ng hindi nagbubuwis ng buhay!" "Kelan pa?" Nagtatakang tanong ni Zero. "Mula ng huling digmaan sa Mereditha!" Huminga ito ng malalim saka napatingin sa kawalan. "Digmaan sa Mereditha?" "Oo, Dahil sa pagtataksil ng ating mga ninuno na umanib sa Kaharian ng Mekam, Boreas at Volerba. Laban sa lahat ng Kaharian sa Engkantandya. Bumaba mula sa kalangitan ang kataas taasang Bathalang Zachariah.. kasama ang kanyang matatapat na Heneral, ang Apat na Anghel na sina Kronos, Beorn, Mystical at Dimsie.. Sila ang inatasang magbantay sa buong Engkantadya." Napaisip ng malalim si Zero. "Bakit, hindi ko yata alam yun?" "Dahil hindi kapa ipinapanganak, ng maganap ang digmaang yun.. Isang Tagaulat ng Kahariang Umbra ang yung Ina, sya si Amber, ang Diwatang may tatlong salinlahi ang pinagmulan.. Isang Diwata, puting mangkukulam at Bampira.. Na naging isang kinatatakutang Dyablo ng mga tagalupa, dahil sa walang habas itong namamaslang ng mga Tao, maipaghigante lang ang pagkamatay ng mga Magulang nito.. Isa lang ang hindi natakot sa kanya.. Ang iyong Ama. Tinanggap sya ng buong buo.. Pikit matang pinaglaban at pinag isa ang dalawang Mundo. Pinatunayang hindi lang sa mundo ng mga Tao, kundi higit sa mundo ng mga Engkanto, na ang pag-ibig ay hindi imposibleng makamit, magkaiba man ang inyong mundo.. Pag iisahin kayo ng inyong mga puso.." "Woww...! Napaka gandang kwento ng pag ibig... Sana all.. Makatagpo ng ganyang lalake..!" Nangangarap na sambit ni Heart. ang kaninang mahigpit na hawak lang nya sa braso ni Zero, ngayon ay nakayakap na sya dito. "Hooyy! Friends lang tayo! Hanggang doon na lang yun! Wag assuming, hmm..!" Sabay tampal nito sa kanyang noo na nagpagising sa nangangarap nyang kamalayan. "Grabe ka sakin! Bakit sinabi ko bang kasali ka sa mga lalakeng pantasya ko sa buhay? Hindi naman diba? Kaya, wag ka ring assuming, hmp..!" Gumanti rin sya ng tampal sa nuo ng binata. "Hindi paba tayo aalis? Magsasara ng lagusan." Singit ni Mossimo, sa dalawang nagbabangayan, nakaturo pang kamay nito sa lagusan na unti unting nagsasara. Yung biglang hablot ni Zero sa braso ni Heart at paghila kay Mossimo papasok ng lagusan. Yun ang hindi inaasahang mangyari ni Lulwa na syang naiwan at napatawa na lang.. "Haayy.. Fossils, mana ka talaga sa'yong Ina, padalus dalos kung kumilos.. Mas sinusunod pang puso kesa sa utak! Ang lamang mo lang sa kanya, ay ang iyong katauhan na nagpapalakas sa taglay mong kapangyarihan.." Isa pang sulyap nya sa kasasarang lagusan.. Bago sya tuluyang lumisan nag iwan pa sya ng mga salita kay Zero. "Hanggang sa muli nating pagkikita Fossils... Ako naman ang hihingi ng tulong sa'yo" Bumaling ito ng tingin sa isang patay na puno ng Balete.. "Tayo na!!" Nag uunahang nagsilabasan dun ang mga itim na Kalapati.. Ang mga itim na kaluluwang nagsisanib sa mga kalapating puti na tinipon pa nya mula sa kabundukan ng Sierra Casa Blanca.. Kung saan nakatayo ang matayog na Kastilyo ng pamilyang Ablan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD