HINDI MAINTINDIHAN NI Rocco kung bakit hindi sa kanya sinabi ng hari ang lahat ng mga dapat niyang malaman. Hindi iyon mahirap gawin lalo na’t makikinabang din ito sa lahat ng pabor na inihain niya. Labas sila sa usapan kung sakaling may personal itong problema na hindi kaugnay sa kaharian. Dapat alam nito kung paano balansehin ang mga iyon dahil maraming may buhay ang maaaring isaalang-alang sa mga magiging desisyon. Ang kaharian ang isa sa mga maaapektuhan kapag nagkamali ito. Isa pa, gusto nitong matapos na ang problema sa Uzacan kaya hindi niya maintindihan ang pabago-bago ng isip nito nang sabihin niyang kailangan niya pa rin ng mga tauhan nito upang tumulong sa kanila. Marami na siyang isinugal magsimula nang pinili niyang tumulong sa kapatid. Noong una, inisip niyang dahil iyon s