MATINDING KADILIMAN ANG bumalot kay Rocco nang magkaroon ng kamalayan sa kanyang paligid. Habol niya ang malalim na paghinga nang mga sandaling iyon. Hindi siya sigurado ngunit pakiramdam niya’y galing siya sa matagal na pagkakatulog. Nararamdaman niya iyon sa kanyang katawan nang subukan niyang maigalaw ang kanyang paa. Isang bagay kaagad ang pumasok sa kanyang isipan nang tuluyang maimulat ang mga mata–ang gulo sa lugar ng mga Vosrak ang kanyang ama! Dali-dali ang naging pagbangon ni Rocco ngunit hindi niya pa tuluyang naitatayo ang katawan ay may pumigil na kaagad sa kanya. “Kuya, dahan-dahan!” boses iyon ni Levin. “Levin ang Don Javier–” “Alam na namin, Kuya. Ligtas si Old Man, don’t worry. Kaya iIkalma ang mo ang sarili mo!” saad ni Levin sa kanya matapos siya sapilitang pahiga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books