XIV

1467 Words

HINDI PA NAKAKAHUMAN si Rocco sa sinabi ni Levin na may koneksyon ito sa kaharian ng Morefia ngunit nadagdagan pa ang pagkagulat niya nang malamang sasama ito sa susunod na magpunta roon. Kung siya ang masusunod hindi siya papayag na masali ito sa gulong kinasasangkutan niya ngunit dahil kilala niya si Levin alam niyang walang makakapigil dito sa oras na makapagdesisyon na. Matigas ang ulo nito. Kahit ang ama nila ay hindi nito sinusunod “Sa tingin mo papayagan kita?” nakakunot na naman ang kilay ni Rocco. Pumamaywang pa siya nang tumayo. “Hindi ako papayag.” “Sa tingin mo kaya mong mag-isa, Kuya?” tanong ni Levin na ginaya pa ang tono ng boses niya nang magtanong. “Hindi—” “Iyon naman pala! Edi isama mo na ako! Malaki ang maitutulong ko sa ‘yo, Kuya. Hindi ako magiging pabigat sa ‘yo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD