WALANG PINALAMPAS na kahit isang pagkakataon si Rocco. Sa nakalipas na bente-kuwatro oras, magsimula nang pumasok sa silid na iyon hindi pa siya lumalabas. Hindi siya natulog. Nakalimutan niya na ring kumain o kahit uminom ng tubig. Masyado ng naging ukupado ang isipan niya ng paghahanap sa kanyang mag-ina upang maging ang buong sistema niya ay mabaling na rin doon. Nang mapansin naman ang oras, lumabas lamang siya upang magluto ng bigas. Nang makapagluto, dinala niya na ang rice cooker sa sikretong kwarto. Nagdala rin siya ng mga dilata roon at tubig. Muli, hindi na naman lumabas si Rocco at nagpatuloy ang pagbabalik tanaw sa mga kuha sa CCTV sa mga nakalipas na araw. Hindi niya pinalagpas ang kahit anong maliit na detalyeng masisipat ng kanyang mga mata. Ganoon nang ganoon ang ginaga