Tinitignan ko ang dating boyfriend bago ako umiwas ng tingin kapag napapansin niyang tumitingin ako sa kanya. Mali kami pareho at tama siya wala na kami para makialam pa ako tungkol sa kanya. Napansin kong hindi mapakali si Kecha huminga na lang ako. Narinig ko ang pag-uusap ng magkakaibigan dahil nasa gilid lang ako. "Hey! What's wrong?" tanong ni Jia sa kaibigan niya. "Wala," sambit ni Kecha naupo na lang sa upuan niya. "Sabihin mo kung may problema ka," wika ni Jia sa kaibigan niya. "Sige," sambit ni Kecha sa kaibigan napansin ko na hawak niya ang cellphone at habang nakaupo nilapitan siya ng kaibigan na si Chie. "Sino ba ang nagpapagulo dyan?" tanong ni Chie. "Walang nagpapagulo sa akin hindi ko makontak ang anak ko," wika ni Kecha sa kaibigan. 'Tama ang narinig ko? Anak, ma