Thea POV Nang makarating ako sa apartment ko nakita ko ang pinabili ko kay manang Osa. Pinuntahan ko ito sa kabilang bahay na malapit sa apartment ko. "Manang!" tawag ko nang huminto ako sa tapat ng bahay nito. Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang asawa ni manang Osa. "Kuya, si manang po?" tanong ko at nag-mano ako. "Ah, nasa sugalan sa kanto nandun na sa tapat ng pintuan mo ang sinabay niyang pamimili ng pagkain mo." wika ni kuya o manong Bong. "Oo nga po eh, may dinagdagan siya babayaran ko po sana.." aniko at inabot ang isang libo. "Huwag na, nabanggit mo sa amin na bibili ka ng palanggana at balde pati ang tabo pero kinulang ka ng pera pasasalamat namin 'yan dahil ang pinatira namin maayos ang usapan nyo kahit gipit ka sa pera." sambit ni manong Bong sa akin. Umatras ako