Chapter 8

2052 Words
Vhenno POV Napalingon ako sa nagsalita at tinignan ko ang kaibigan ng girlfriend ko. "Kecha, sabay ka?" tanong ni Chie sa kaibigan na si Kecha nang lapitan niya ito. "Hindi na lang kayong dalawa na lang," wika ni Kecha sa kaibigan niya at tinignan pa ang girlfriend ko sa tabi niya. Tinignan ko naman ang babaeng kasama ni Chie. Nagbago na talaga siya mula ng maghiwalay kaming dalawa hindi na siya ang dating kilala kong Thea. "Okay, ikaw ang bahala," sambit ni Chie sa kaibigan niya saka lumayo at kasamang lumabas ng classroom si Thea. "He also annoying! He ignored me!" simangot na sabat ng girlfriend ko sa kaibigan niya. "Ano ka ba? Syempre para iwas chismis." sambit ni Kecha sa kaibigan niya. Anong chismis ang tinutukoy nila? "Ano ang pinag-uusapan nyo?" tanong ko sa kanilang dalawa ng lumapit ako ng tuluyan. "Sina Thea at Chie napagkakamalan kasi si Jia at Chie na may something kahit wala." sambit ni Kecha sa akin kumunot naman ang noo ko wala akong nababalitaan na may namamagitan sa kanilang dalawa. Bakit nung nalaman kong posibleng may namamagitan sa kanila, may kirot sa dibdib? "Hmmmfff....kainis!" simangot na sabat ng girlfriend ko yumukyok na lang siya. "May kagalit ka ba?" bulong ko sa kanya. Bakit affected si Jia sa naririnig niya? "Halika na nga sa canteen gutom lang 'yan," sambit ni Kecha sa girlfriend ko sabay hatak sa kamay nito. "Pwede ba akong sumabay?" sabat ko sa kanilang dalawa baka girls talk ang gagawin nila. "Sige," sambit ni Kecha nang makitang tignan niya ako. Sa canteen Hinawakan niya ang kamay ko nang makitang magkasama sa table si Chie at si Thea ng sundan ko ng tingin ang tinitignan niya. Sumusubok ka na bang umibig sa iba, Thea at kaya nagpa-ganda ka lalo? "Hey!" aniko nagulat ako sa inaakto ng girlfriend ko. "Come we get food in the counter," pabulong sambit sa akin napatingin naman ako sa kanya. "Ako na lang humanap na lang kayo ng table," sabat ni Kecha sa kaibigan niya nang makitang binulungan ako. Sinundan namin siya ng tingin at nakita naming lumapit siya sa kaibigan niya at kay Thea. Nang maka-hanap ng mauupuan naupo na kaming dalawa ng girlfriend ko pero ang paningin niya nakatutok sa dalawang kaibigan na nag-uusap kasama si Thea. "Oh! Guwapo ka na naman imposible..." wika ni Thea ng maulinigan ko ang boses niya. "Ni dui ta shuole shenme?" sambit ni Kecha sa kaibigan niya. Napalingon ako sa girlfriend ng a-ayain ko na siya pero kumunot ang noo niya. Nakita namin na tumayo si Thea at sumunod sa kanya si Chie. "Sorry, natagalan ako," bungad ni Kecha sa amin nang bumalik siya sa table. Bakit ba patingin-tingin si Jia sa dalawa? Nang mapansin ko ang tinitignan niya. "Wala na akong gana bumalik na tayo sa classroom," aniya bigla sa amin nang makitang paalis na ang kaibigan nito na si Chie at ang dating girlfriend ko. "Bibili pa ako ng pagkain natin," sabat ko naman sa kanya napatingin ako sa kanilang dalawa. "Sige," wika ni Kecha sa kaibigan niya napatingin ako sa girlfriend ko naka-simangot ang mukha. Sinundan ko ng tingin ang dalawang taong tinitignan niya kanina pagdating namin sa canteen. Hindi na siya naka-imik at hinila na lang niya ako bigla patayo sa upuan at lumabas na kami ng canteen nakita pa namin sina Thea at Chie nasa unahan. Bakit mag—babago ang mood niya dahil sa nakita niya? Oo, iba din ang naramdaman ko ng makita kong may iba ng kausap si Thea lalo na kay Chie, maliban sa mga kakilala naming lalaki. After 3 hours "Okay ka lang, bhabe?" tanong ko sa kanya nang mkitang nag-iba ang mood nito. "Yes, I'm fine." aniya sa akin nang mapansin na nakatitig ito. Anong meron nag-iba ng mood ang girlfriend ko? Bago man lumayo ang tatlong magkakaibigan. "Hey!" bungad ni Harry na isa sa kaibigan ko. "Bakit hindi mo hinatid sa kanila ang girlfriend mo?" bungad ni Carlos na inakbayan niya ako sa balikat. "Kasabay niya ang dalawa niyang kaibigan na iisa lang ang daan nila pauwi daw," nasambit ko sa dalawang kaibigan. "Bakit noon sa ex mo na si Thea na gumanda lang ngayon hinahatid mo nung kayo, bakit ngayong sa bago mong girlfriend tiklop ka?" naitanong ni Harry sa sa akin lumakad na kaming tatlo. "Iba siya sa naging girlfriend ko na si Thea." aniko nalingunan ko ang pinag-uusapan namin na nagmamadaling lumakad naisip ko na may asthma ito. "Iba ba? Akala ko iisa sa mga naging girlfriend mo kasi mula nang magbakasyon siya sa kamag-anak niya nagbago siya nerd kung umasta siya nung naging kayo pero ngayon mas magamda pa siya sa ibang estudyanteng babae dito, hmm—ilan taon kayo na may relasyon ni Thea?" tanong ni Carlos sa akin sinundan niya ng tingin ang dati kong girlfriend nakasabay namin sa paglalakad. "2 1/2 year rin, bakit?" naalala kong sambit sa kanya. "Tumagal din pala kayong dalawa, bakit mo siya biglang iniwanan dun ako napapa-isip masaya pa nga kayo nung huling nakita ko kayong magkasama." sambit ni Harry sa akin natahimik naman ako sa sinabi niya sa akin. "Oo, akala ko nga magbabago ka na dahil kay Thea mabait pa naman siya pati sa amin umiiwas na siya." wika ni Carlos sa akin. "Kung si Jia na ang gusto mong maka-tuluyan buntisin mo na hindi ba nagalaw mo na siya, one time?" sambit ni Harry natawa naman ang kaibigan namin sa sinabi niya. "Oo nga, ano?" sambit ni Carlos at natawa na lang siya. Hindi ako umimik at nakita naming tatlo ang dalawang magkaibigan na sina Thea at Heira na pasakay sa jeep. Sumakay na rin kami sa kotse. Nag-text ako sa mommy ko nang pupuntahan ko siya sa bahay ng Auntie ko. Nang makarating ako nasa labas na ng bahay ang mommy ko. "Hijo!" tawag ng mommy ko sa akin ng huminto sa tapat ng gate ang sasakyan ko. "Auntie!" tawag ko at bumaba ako para bumeso sa kapatid ng daddy ko. "How are you?" tanong ng Auntie ko sa akin at tumabi ako sa mommy ko. "I'm fine, Auntie how about you and Uncle also my counsins?" tanong ko na lang. "Your Uncle is fine, hijo..and also your cousins." sambit ng Auntie ko. "Hijo, pwede mo ba kami samahan sa SM bukas?" tanong ng mommy ko sa akin. Napatingin ako sa kanila at napatango ako. "What time?" tanong ko sa Auntie at mommy ko ng mapatingin ako. "Basta," sambit ng mommy ko sa akin at nagpaalam na kami sa Auntie ko para umuwi sa bahay. Nang makarating kami napapa-isip pa rin ako sa nakita kong itsura ng girlfriend ko. Kinabukasan, nagising ako sa pag-tawag ng mommy ko mula sa labas ng kwarto ko. Napasabunot ako ng ulo at tinakpan ng unan ang mukha ko. "'Nak!" tawag ni mommy habang kumakatok sa pintuan ko. Inaantok pa ako, mom.. "'Nak!" tawag ng mommy ko sa akin napa-bangon na ako ng tuluyan. Binuksan ko ang pintuan at bumungad si mommy sa akin. "Mom? Walang pasok—" putol kong sambit ng hampasin niya ako. "10am na, aalis na tayo tulog mantika ka talaga!" sita ni mommy sa akin kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ah?" aniko. "Hindi ba, aalis tayo ng 11am? Sa SM tayo manananghalian." wika ni mommy sa akin napatapik ako sa noo ng maalala ko na pumayag akong samahan ko sila sa SM. "Maliligo lang ako, mom susunduin natin si Auntie sa bahay nila?" tanong ko muna bago ako tatalikod. "Nasa SM na siya, 'nak tayo na lang ang hinihintay." sambit ni mommy sa akin. Kaagad siyang tumalikod at sinara ko ang pintuan tinignan ko pa kung may message si Jia sa akin pero wala naman. Huminga na lang ako ng malalim at pumasok na ako sa loob ng banyo. Nang matapos ako maligo kaagad akong lumabas ng banyo ng naka-tapis. Nagbihis lang ako ng t-shirt na tribal at short na maong na tinernuhan ng sapatos na mamahalin. "Mom! Let's go?" tawag ko sa mommy ko pagkababa sa hagdanan. "Let's go, nakakahiya sa Auntie mo pinag-hintay natin siya sa SM." wika ni mommy at lumabas kami ng bahay para pumunta sa garahe kung nasaan ang sasakyan ko. Umalis na kami at nagpunta sa SM nag-park ako sa itaas kung saan malapit sa department store. "Auntie!" tawag ko ng makita namin ang kapatid ng daddy ko. "Cousin!" tili ng kasama nitong babae napatingin kami ng mommy ko. "How are you?" bungad namin ng mommy ko sa kanila. "I'm fine, surprise! Althea is not with us?" sambit ng pinsan ko sa amin. "No, hija." sambit ni mommy sa pinsan ko. Naglakad na kami pumunta kami sa fast food na paboritong kainan ng pinsan ko minsan lang siya umuwi sa Pilipinas. "You have a long vacation, what are your plans?" tanong ko sa pinsan ko ng naglalakad kami pagkatapos kumain. "Mama and I are going to Boracay, are you with us?" tanong ng pinsan ko at napatingin siya sa mommy ko. "Your cousin still has a class, they have a long vacation after school year, your mom and I can be with you." wika ni mommy sa pinsan ko tumingin pa siya sa akin. "Yes, we don't have school today and tomorrow there will be a class. I'll just come to you when we finish class early." sambit ko na lang humawak siya sa braso ko hinayaan ko na lang. "How are you and Althea?" tanong niya sa akin nakasunod lang kami sa mommy namin. "Are we both fine, are you and your boyfriend?" tanong ko sa kanya. "We broke up last year, we didn't get along so we decided to separate." wika ng pinsan ko sa akin. "Ah.." aniko na lang sa pinsan ko. "you and Althea, how are you?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa dalawang babae dumaan sa gilid namin. Sina Kecha at si Jia 'yon ah? Napatingin naman ako sa pinsan ko pero napabaling ang tingin ko sa dalawang magkaibigan. "It's good, mommy and mama are far away." aya ko sa pinsan ko at lumakad na kaming dalawa para sumunod sa papalayo naming magulang. Kakausapin ko na lang siya bukas sa school. "It was Althea with a woman." sambit ng pinsan ko at tinuro ang dalawang babae. Napatingin ako sa tinuro niya napalingon ako sa lugar kung saan nakita ko ang girlfriend ko. Nagkataon lang ba nasa iisang lugar lang kami. Nang makasabay namin ang magulang namin. "Let's call her, Al—" putol niyang sambit ng sumabat ako. "No, look at her with someone and they just bought some plastic." sambit ko na lang sa pinsan ko. "Her skin turned white, your luck with her and she became your girlfriend." napuna ng pinsan ko kay Thea ng makita niya ito. Sinundan ko na lang ang magkaibigan na palayo. Tumango na lang siya sa akin at nag-kibit balikat na lang siya. "Ang bagal nyo naman mamimili pa tayo sa dept. store bago mamili sa supermaket," sambit ng magulang namin. Sumunod na lang kami sa kanila at nag-shopping sila nakatingin lang ako sa malayo at ako ang nagdadala ng gamit nila. Pagkatapos naman sa dept. store pumunta na kami sa supermarket. "Let's go to the arcades here," aya ng pinsan ko sa akin narinig ito ng mama niya. "Oo nga, samahan mo maiinip na siya tatawagan o i-text ka na lang kita kapag uuwi na tayo." sambit ni mommy sa akin. Sinamahan ko siya sa arcade naglaro kami habang naghihintay sa pamimili ng magulang namin. Nang tawagan ako ng mommy ko umalis na kami ng pinsan ko sa arcade nagkita kami ng magulang namin sa Mcdo at ako na ang nagbuhat ng pinamili nila. Lumabas na kami sa SM at dinala ko sa sasakyan nila sa parking lot ang pinamili ni Auntie. "Salamat, Vhenno." wika ni Auntie ng ilagay ko sa trunk ang mga plastic bag. Tumango lang ako at nagpaalam na kami ng mommy ko sa kanila. Pumunta naman kami sa sasakyan ko at nilagay ko sa trunk ang pinamili ni mommy. "Salamat, hijo." sambit ni mommy sa akin. Sumakay na kaming dalawa sa unahan at binusinahan kami ni Auntie ng makita kami sa ibaba ng parking lot ng SM. Kinawayan namin ang Auntie at pinsan ko at kumaway na rin sila sa amin bago kami umalis at umuwi sa aming bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD