Chapter 7

1578 Words
Thea POV Habang nag-liligpit ako ng gamit sa bag ko nagulat ako ng lapitan ni Chie. "Thea?" tawag niya sa akin nang lapitan niya ako. "Yes?" aniko nang makitang nasa tabi ko siya. "Sabay tayo sa canteen," aya niya sa akin nang tumunog ang bell hudyat na breaktime na. "Sige, sama natin si Kecha." aniko sa kanya at nilingon ko ang kaibigan nito na si Kecha. "Kecha, sabay ka?" tanong niya sa kaibigan nang lapitan niya ito. "Hindi na lang kayong dalawa na lang," sambit ni Kecha sa kaibigan niya at tinignan pa ang kaibigan na si Jia sa tabi niya. "Okay, ikaw ang bahala," aniya saka lumayo at lumabas kami ng classroom. Nagpunta na kami sa canteen naghanap ng mauupuan at nakakita dun kami umupo ni Chie. Nagseselos at naiingit ako dahil na sa kanya ang dating AKIN. Habang nakatingin ako sa dating boyfriend at current girlfriend. Hinawakan ni Jia ang kamay ng boyfriend niya. "Hey!" sabi ni Vhenno nagulat sa inaakto ng kanyang girlfriend. "Ako na lang humanap na lang kayo ng table," sabat ni Kecha sa kaibigan nang makitang binulungan niya ang boyfriend. Niloloko lang niya, Vhenno! Napatingin na lang ako sa tatlong magkakaibigan kahit hindi ko naririnig ang kanilang pinag-uusapan. Lumapit si Kecha sa amin nang makitang nakikipag-usap sa akin. "Hmm..baka magalit girlfriend mo sa akin," ngiti kong sambit sa kanya. "Hmm.." aniya napahinto nang sumabat ang kaibigan nito na si Kecha. "Wala siyang girlfriend," sabat ni Kecha sa sinabi ko sa kaibigan niya. "Oh! Guwapo ka naman imposible.. " ngiti kong sambit sa kanilang dalawa. "Ni dui ta shuole shenme?" anito sa kaibigan niya kumunot ang noo sa sinabi niya. (What did you say to her?) Malihim ang tatlong magkakaibigan 'yon ang hinala ko sa kanila. "Ano ba ang pinag-uusapan nyo? Pwede i-share nyo." sabat ko sa dalawang magkaibigan. "Oh! Bahala ka," aniya sa kaibigan nakita kong lihim siyang ngumiti. "Gusto mo naman," wika ni Kecha sa kaibigan niya nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Anong gusto naman ni Chie? "Medyo," aniya sa kaibigan. "Haha!" natatawang wika ni Kecha at bumalik na siya sa pwesto ng kaibigan niya kasama ang boyfriend nito. "Balik na tayo sa classroom," aya ko sa kanya parang nawalan ako ng ganang kumain. "Okay," aniya sa akin at inalalayan niya ako nang mapansin niyang gumewang ako sa pagtayo. "Sorry, natagalan ako," bungad ni Kecha sa mga kasama niya nang bumalik ito sa table. "Wala na akong gana bumalik na tayo sa classroom," sambit ni Jia sa dalawa niyang kasama. "Bibili pa ako ng pagkain natin," sabat ni Vhenno sa dalawang magkaibigan. Lumakad na kaming dalawa pabalik sa classroom namin. Naupo ako sa pwesto ko pagkarating naming dalawa. After 3 hours "Okay ka lang, bhabe?" dinig kong tanong ni Vhenno sa girlfriend niya napatingin ako sa kanila. "Yes, I'm fine." sambit ni Jia sa boyfriend nito. Anong nangyari at nagbago ang mood ni Jia? Nakatingin lang ako sa kanya at sa dati kong boyfriend. Naunang umalis ng classroom ang tatlong magkakaibigan. Inaayos ko ang gamit ko ng marinig ang pag-uusap ng magkakaibigan. "Hey!" bungad ni Harry na isa sa kaibigan ni Vhenno. "Bakit hindi mo hinatid sa kanila ang girlfriend mo?" sambit ni Carlos na inakbayan niya ang kaibigan. May gusto ako marinig sa kanilang pag-uusap nagtagal ako sa pag-liligpit ng gamit sa loob ng bag ko. "Kasabay niya ang dalawa niyang kaibigan na iisa lang ang daan nila pauwi daw," wika ni Vhenno sa dalawang kaibigan niya. "Bakit noon sa ex mo na si Thea na gumanda lang ngayon hinahatid mo nung kayo, bakit ngayong sa bago mong girlfriend tiklop ka?" naitanong ni Harry sa kaibigan lumakad na silang tatlo. Oo nga, ano? Noong kami kahit tumatanggi na ako sa kanya hinahatid pa rin niya ako sa bahay. "Iba siya sa naging girlfriend ko na si Thea." wika ni Vhenno napalingon pa siya sa akin kaagad akong lumayo sa kanilang magkakaibigan. "Iba ba? Akala ko iisa sa mga naging girlfriend mo kasi mula nang mag-bakasyon siya sa kamag-anak niya nagbago siya nerd kung umasta siya nung naging kayo pero ngayon mas maganda pa siya sa ibang estudyanteng babae dito, hmm—ilan taon kayo na may relasyon ni Thea?" tanong ni Carlos sa kaibigan niya ng mapalingon ako nakita kong nakatitig ito sa dating boyfriend ko. Paanong iba ako sa mga naka-relasyon mo, Vhenno? "2 1/2 year rin, bakit?" tanong ni Vhenno sa kaibigan niya. "Tumagal din pala kayong dalawa, bakit mo siya biglang iniwanan dun ako napapa-isip masaya pa nga kayo nung huling nakita ko kayong magkasama." wika ni Harry sa kaibigan niya. Lumakad na sila at hinayaan kong mauna silang tatlo sa akin nagpa-huli ako sa paglalakad. "Thea!" tawag ni Heira sa akin napalingon ako sa tumawag. Dumaan ako sa gilid nila at tumakbo palayo. "Huwag kang magpa-halatang affected ka pa rin sa kanya, Thea." aniya sa akin pagka-lapit ko sa kanya. "Nakaka-ilang pa rin ang presensiya niya," bulalas ko sa kanya napahinga ako pagkatapos. "Hindi ka maka-move on, ano?" aniya sa akin hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. "Aaminin ko na mahirap kung taong minahal ko..minahal ko ng lubos," aniko sa kanya. "Mahirap pero kung gugustuhin mo naman na makapag-move magagawa mo," aniya sa akin tinapik niya ako sa balikat. "Nasaan ang sasakyan mo at nandito ka?" naitanong ko na lang sa kanya. "Sira ipapagawa ni dad sa talyer," anito sa akin. "Ah, sabay ka na lang sa akin iisang kalsada naman ang dadaanan natin eh." aniko sa kanya. "Sige," aniya at pumara ako ng jeep may tumigil sa tapat namin kaagad kami sumakay sa loob. Siksikan kaya hinarang ko ang kamay ko sa pagitan nang dibdib ng kaibigan ko. "First time ko sumakay sa jeep ang sikip naman pala," bulong niya sa akin. "Hindi naman kasi lahat ganito ang ginagawa ng driver ng jeep sa mga pasahero," bulong ko sa kanya ayaw ko marinig kami ng mga katabi namin. "Try ko nga sa susunod," aniya sa akin nagbayad ako sa driver ng jeep at pina-abot ko sa mga katabi ko. "Salamat, manong dalawa po!" sigaw ko na lang para marinig ako. "Saan galing?" tanong ng driver sa akin. "BSU, manong." aniko at binaba ko ang kamay niya ng mapansin kong may nakatingin sa amin na lalaki. Mga manyakis! "Busy ka ba bukas?" tanong ko sa kanya bigla. "Wala naman, bakit?" balik na tanong niya sa akin. Binalik sa akin ang sukli ng pera ko at tinago sa loob ng bag ko. "Samahan mo ako pumunta sa supermarket," aniko na lang sa kanya. "Anong gagawin natin sa SM?" tanong niya natawa ako ng mahina makita kong kumislap ang mga mata niya. "Mamimili, oy! Hindi gala ang gagawin natin sa SM nagpapabili si mama sa akin ng pang-groceries." aniko sa kanya. "Oo na, ang tamad mo talaga gumala 'yan ang hindi nagbago sayo." aniya sa akin ngumiti lang ako nang may mapansin na akong subdivision. "Para po!" sigaw ko sa driver ng jeep kaagad naman huminto. "An—" putol niyang sambit ng tinuro ko ang subdivision nila. "Ah, ingat bye na!" aniya nag-excuse siya sa mga taong madadaanan. Tinapik ko ang kamay ng lalaki ng hahawakan nito ang puwetan ng kaibigan ko. "Bastos ka!" sita ko sa lalaki napatingin sa amin ang mga pasahero. "By—" gulat nasambit niya sa ginawa ko ng lumingon siya sinabunutan ang lalaki bago bumaba ng jeep. "Manyakis!" sigaw ng mga pasahero sa lalaki na kaagad bumaba na rin ng jeep muntik na siyang masagasaan sa pagtawid niya. Nang makarating na ang jeep sa kanto namin pumara na rin ako at nagpasalamat sa mga pasahero. Naglakad ako pauwi sa bahay namin napatingin pa ako sa plaza namin. Kinabukasan Pumunta ako sa mall kasama ang kaibigan ko. "Hindi pa rin ako maka-get over sa experience ko sa jeep may ganun palang tao," aniya sa akin habang naglalakad kaming dalawa. "May mga tao talagang manyakis," aniko sa kanya. "Pero, mag-try ako ulit sumakay sa jeep." aniya sa akin at nang liliko na kami nakita ko ang magkaibigang Jia at Kecha. "Ikaw ang bahala basta next alerto ka na lang sa paligid mo," aniko sa kanya. "Oo ba," aniya sa akin napangiti na lang ako. Nakita namin sa supermarket ang dalawang magkaibigan na sina Jia at Kecha. "Dyan ka lang may kukunin lang ako," aniya sa akin tumango na lang ako. "Sige," aniko sa kanya niya ako iwanan. "Hindi nila kasama si Chie at si Vhenno?" aniko sa sarili at hinihintay ko ang kaibigan nasa kabilang side. "Sino ang tinitignan mo dyan?" bungad niya sa akin. "Nandyan ka na pala, sina Kecha at Jia ayun sila." aniko sa kanya at tinuro ko ang magkaibigan na malayo na sa aming pwesto. "Namimili pala sila dito," sambit niya sa akin. "Syempre, SM 'to..ano ka ba naman." aniko sa kanya napa-peace sign siya sa akin. Napapailing na lang ako sa sinabi niya napatingin ako sa tinitignan ko. "Normal naman 'yon tara na nga magbayad na tayo," aya ko sa kanya at pumunta na kami sa counter napalingon pa ako sa dalawang magkaibigan. "Oo na," aniya sa akin. Pumunta na sila sa counter para bayaran ang binili namin at inuwi namin ang binili namin. "Mag-movie marathon kaya tayo?" aya niya sa akin ng palabas kami ng mall. Inisip ko kung may gagawin pa akong iba at wala naman kaya pumayag ako. "Sige," aniko sa kanya at sumakay kami sa sasakyan niya maayos na ngayon. Nagpaalam ako sa magulang ko na manonood ng movie sa bahay ni Heira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD