Thea POV Sa mall Nagpunta kaming dalawa ni Chie sa mall para bumili ng groceries para sa apartment na titirhan ko. Para palaging may stock kapag hindi ako makapag-groceries. "Naririnig kong nasa iisa kayong bahay nakatira ni Jia, hindi ka ba naiilang?" tanong ko sa kanya ng bumaling ang tingin ko. "Hindi naman, kasama naman namin sa bahay ang kapatid niya," aniya sa akin. "May kapatid pala si Jia, ilan silang magkapatid?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa. "Dalawa silang weirdo lang sila sa simula pero, kapag nakilala mo sila mag-iiba ang pakikitungo mo sa kanila," aniya sa akin napatitig ako sa kanya. "Kaya siguro naging kaibigan mo sila noh!" aniko sa kanya. "Siguro," aniya at ngumiti siya pagkatapos. Nang makabili na kaming dalawa ng pang-groceries pumila na