Vhenno POV
Kinabukasan
Pagkatapos ko maligo lumabas ako ng kwarto. Lumakad ako pababa ng hagdanan nakita ko ang mommy ko sa sala na kausap ang katulong.
"Mom!" tawag ko sa mommy ko at ngumiti ako ng lumingon siya.
"Hijo! Sige, salamat." wika ni mommy sa katulong namin.
"Mom, aalis na ako hindi na kita masasabayan sa pag-aalmusal." sambit ko kaagad sa mommy ko.
"Ganun ba, mag-iingat ka na lang." wika ni mommy sa akin at lumakad na ako palabas ng bahay namin.
Sumakay ako ng sasakyan ko ng mabuksan ng katulong namin ang gate na hindi ko namalayan na sumunod sa akin. Pumasok na ako sa school at nang makarating ako sa school pinarada ko ang sasakyan sa parking lot.
Bumaba na kaagad ako at pumasok sa loob hindi ko pinansin ang mga lumalapit sa akin. Nang makarating ako sa classroom hinanap ng paningin ko ang girlfriend ko.
"May new classmate daw tayo," classmate 1.
"Sabi daw nga." classmate 2.
"Ngumiti ka naman kahit pilit." bulong niya sa akin sabay hila niya napatingin ako sa kanya.
"Wait natin kung sino?" classmate 1.
"Okay," classmate 2.
"Bhabe!" bati ko at sabay halik sa pisngi niya.
"Hi!" bati niya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi.
"Gumaganti ka ba?" tanong ni Kecha sa kaibigan niya nang umupo sa tabi ng girlfriend ko.
Sino ang ginagantihan ni Jia?
"Hindi noh!" sambit niya sa kaibigan.
"Hindi pala ah!" sambit ng kaibigan niya at natawa siya nang mapa-simangot ito sa harap niya.
"Tse!" aniya sa kaibigan.
Tumabi ako sa kanya at nilapit ko ang mukha sa kanya.
"Bakit nakasimangot ang mahal ko?" tanong ko sa kanya.
"Bad mood lang ako kanina sa bahay, sorry bhabe." aniya sa akin umiling na lang siya.
"Hey! Ewan ko sa'yo." sambit ng kaibigan niya.
"Do you hate me?" tanong ko sa kanya.
Nakita kong may binulong ang kaibigan ng girlfriend ko.
"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong niya sa kaibigan na si Chie ng bumalik ito sa pwesto.
"Masarap ang tulog mo at hindi na kita ginising pa kaagad," wika ni Chie at sabay smack sa pisngi ng girlfriend ko.
Nakaramdam ako ng selos sa inakto ni Chie sa girlfriend ko. Kaagad akong tumayo at nang magpa-paalam na ako sa kanya hindi niya ako pinansin.
After 6 hours
"Hindi na ako sasabay sa inyong dalawa," bungad niya sa dalawang kaibigan pagkalapit namin sa kanila.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Chie sa kaibigan niya.
"Mag-date kaming dalawa." sabat ko sa kanila nang lumapit ako sa kanila.
"Oo nga!" sambit niya sa kaibigan at nakita kong sumimangot siya.
"Okay," sambit ng kaibigan niya sa girlfriend ko.
"Okay," aniya at umalis agad kaming dalawa.
"Bahala ka." sabat ni Chie nakatalikod na kami sa kanila.
"Hey! Wait...bye!" sabat ng kaibigan nila sa dalawa kina Thea at Chie at sumunod na lang kami.
Nagseselos ako sa nakikita ko hindi ko mapigilan makaramdam ng selos sa kanila.
"Hey, tara?" tawag ko sa girlfriend ko.
Lumakad na siya at hinawakan ko ang kamay niya hindi na lang siya umimik hinayaan na lang niya ako.
"Kabago-bago niya lang pero ganyan na siya kasikat dito siguro may koneksyon siya sa school," sambit ng isang boses.
"Oo nga, tapos nakuha niya kaagad ang loob ni Vhenno? Siguro mangkukulam 'yan kawawa naman ang dalawang kasama niya palagi," sambit ng isa pang boses.
"Sinabi mo pa," wika ng isang matinis na boses.
Napalingon ako sa kanya nagbago ang itsura niya at inaya ko siya.
"Saan mo gusto mamasyal?" tanong ko sa kanya ng makalabas kami sa school.
"Ikaw ang bahala," aniya sa akin.
Nagpunta kami sa sasakyan ko sa nakaparada sa parking area.
"May gusto akong itanong sa'yo, pwede ba?" tanong ko ng matapos ako mag-seatbelt at ganun din siya.
Pinaandar ko ang sasakyan palayo sa school namin.
"Oo, ano ba ang itatanong mo?" tanong niya binalingan ako ng tingin.
"Nagkaroon ka ng feelings kay Kenchie?" tanong ko napangiwi siya sa sinabi ko nang lingunin ko siya.
"Bakit mo naitanong?" na-itanong niya sa akin.
"Hindi kasi posibleng magkagustuhan kayong dalawa lalo't nabanggit mo nasa iisang village kayo nakatira," sambit ko sa kanya.
Sumandal siya sa upuan bago magsalita.
"FRIENDS lang kami ni Chie, bhabe nagseselos ka ba sa kanya?" tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya at tutok ang tingin ko sa kalsada.
"Ah, pang-ilan ako sa naging boyfriend mo?" tanong ko na lang gusto ko lang malaman.
"Tatlo, isa ka dun.." sambit niya sa akin na may pinuntahan kaming bahay.
"Bhabe..." tawag niya sa akin.
"Hm.." aniya hindi ako tumitingin sa kanya dahil sa kalsada ako nakatutok.
"Sino ang taong pinuntahan natin noon—'yong malapit sa plaza?" tanong niya sa akin.
Naalala niya 'yon?
Napahinto ako bigla at napatingin ako sa kanya binusinahan ako nang kasunod naming sasakyan. Nilabas ko ang kamay at sumenyas sa likod.
"Dahan-dahan ka sa pag-preno, boy muntik ka na maka-sagasa," bungad ng isang lalaking sakay ng SUV.
Napatitig siya sa akin at napa-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kailangan ilihim sa kanya ang totoo.
"We went to my ex's parents, I just handed them something." amin ko sa kanya.
"What did you give?" tanong niya sa akin.
"Letter, letter of apology." sambit ko sa kanya.
Nag-sulat ako ng letter para kay Thea noon iniwasan niya ako mula ng mag-hiwalay kaming dalawa. Ayaw ko na ganun siya sa akin gusto ko pa rin na maging kaibigan siya kahit may nakaraan
Pinaandar ko ulit ang sasakyan at nakarating kami sa isang simbahan.
We went inside and sat down beside to the angel statue.
"You are the third woman to be mine," sambit ko nakatitig siya sa altar.
"And?" tanong niya sa akin.
"She is my first love, she is second woman in my life." amin ko sa kanya.
Si Thea, ang first love ko pero nagkaroon ako ng unang girlfriend.
"First love mo siya pero pangalawa siya sa buhay mo?" aniya sa akin.
"My first girlfriend I did not become serious, but with her I am serious." sambit ko sa kanya.
"Bakit iniwan mo?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko masasagot ang tanong mo dahil hindi ko din alam pero, masasabi kong seryoso ako sa'yo," aniko tumingin ako sa altar bago bumalik ang tingin ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya nakikiramdam ako sa mangyayari.
"I want you to be mine forever, bhabe." sambit ko sa kanya bumitaw siya bigla at umiwas siya ng tingin.
"Wala akong sagot sa sinabi mo, hindi pa ako handang lumagay sa tahimik na buhay." aniya sa akin.
"I know, I will wait when you are ready." aniko sa kanya.
Tumayo siya sa inupuan niya at lumabas siya ng simbahan at sumunod ako sa kanya nakipag-titigan ako bago tumango.
"I'm sorry," bungad ko sa kanya.
"It's okay, uwi na tayo." aya niya sa akin.
Hinatid ko siya sa village nila pero sa may kanto ko lang siya binaba hindi siya nagpapa-hatid sa akin sa tapat ng bahay nila.
Kinabukasan, hindi na ako pinansin ng girlfriend ko hinayaan ko na lang baka may hindi lang magandang nangyari sa bahay nila at ganyan siya.
Nakita ko siya lumabas ng canteen padabog niya sinara ang pintuan nakita ko rin na nilapitan siya ng kaibigan niya.
"Naku...." nasambit niya sa kaibigan.
"Hmm...." sambit ng kaibigan niya sa kanya.
"Ngiti ka pa dyan naiinis na nga ako sa kanilang dalawa," aniya sa kaibigan.
Natawa na lang ang kaibigan niya at inirapan niya ito.
"Natawa ka pa!" aniya sa kaibigan.
"Date tayo, bhabe." sabat ko sa kanya nang lapitan ko sila.
"Sige," aniya sa akin.
"Mauna na ako ah!" sambit ng kaibigan niya at kumaway saka lumabas na siya nang classroom.
Kinawayan ng girlfriend ko ang kaibigan niya ng makalayo kami ng biglang tumunog na cellphone. Sinilip ko ang cellphone mula sa bulsa bago ako napatingin sa kanya ng may kausapin siya.
Calling...
Jia: Ni weisheme da dianhua?
(Why did you call?)
Jia: Hey!
"Who are you talking to?" tanong ko sa kanya nang kalabitin ko siya.
"Kapatid ko." aniya nang binulungan niya ako sa tenga.
"Oh!" aniko sa kanya tumahimik naman ako pagkatapos.
Jia: Wo de pengyou zai wo shenbian.
(My friend is beside me.)
Jia: Thanks, bro.
Nang maibaba niya ang cellphone nakatitig pa rin ako sa kanya. We left school and got in my car we went to the mall to date.
"Hmmm, can I ask a question?" tanong ko sa kanya nang akbayan ko na lang siya sa balikat.
"What is it?" tanong niya sa akin.
"Kailan mo ako ipapakilala sa magulang at kapatid mo?" tanong ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.
"Next time na lang kapag umuwi na sila dito sa Pilipinas, bhabe." sambit niya sa akin.
"Okay, hatid na kita." aya ko sa kanya pagkatapos namin kumain.
Nasa bungad na kami ng entrance ng huminto siya.
"No, ako na lang mag-isa ang uuwi sa bahay." sambit niya at naunang lumabas ng mall.
"Sure ka?" tanong ko pa rin sa kanya hinatid ko na lang siya sasakyan.
"Oo, sige bye!" aniya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi bago siya sumakay sa taxi.