CHAPTER 6
"Trace, pwede pahiram ng cellphone mo? Tatawagan ko lang sila Lola." Ani ko.
Kumunot ang noo ng kaibigan ko. "Ano? San yong sayo? I mean, yong binigay ni Zig Lexus?!"
Medyo may kataasan ang boses nya kaya nagpalinga-linga ako sa aming paligid baka may makarinig sa kanya. Sigurado ko naman na kilala dito si Zig kahit hindi ito dito nag-aaral.
Paranoid na ata ako! How would people know that he was the one we were talking? Hindi lang naman sya ang may ganong pangalan. Ano ba 'to? Praning na siguro ako dahil sa lalaking 'yon.
"Isasauli ko 'yon sa kanya kapag magkita kami ulit. It was too much and I cannot accept it." I declared.
Nabitawan naman ni Tracey ang tinidor na hawak nya. Nasa school cafeteria kami ngayon dahil nag-aya itong mag-snack dahil vacant naman namin ng dalawang oras.
"Dios mio, Hyleigh! Libre na 'yon, papakawalan mo pa? Tindi rin ng sira mo, e no?!" Paghihisterikal nito.
Hindi ko talaga matatanggap yong bigay ni Zig. Ilang araw ko pa lang syang nakikilala at mali talaga na tumanggap ng bigay nya. Kung yong dress at sapatos lang ay ayos na sa akin pero yong ganong kamahal na bagay? Parang sobra na!
"Pahiram na lang kasi." Padabog na iniabot nito ang cellphone nya. Nginitian ko lang 'to.
"Sa CR lang ako. Maiwan muna kita, okay?" Paalam ko at tumayo na para pumunta sa comfort room sa loob ng cafeteria.
Pumasok ako sa isang cubicle at umupo sa ibabaw ng covering ng bowl. I dialed Lola's number immediately.
"Lola si Hyleigh po 'to. Kamusta po kayo dyan?" Bungad ko kay Lola ng sagotin nito ang tawag ko.
"Hyleigh? Oh, bakit numero ni Tracey ang ginamit mo? Wala ka bang load, apo? Ayos lang naman kami dito ng Lolo mo."
Hearing Lola's voice made my heart jump with excitement and longing. I missed them.
"La, nasira po kasi yong cellphone ko kaya nakitawag na lang po ako kay Tracey." Sumbong ko.
"O, bakit naman nasira? Sige, hayaan mo't padadalhan ka na lang namin ng pambili ng bago mong cellphone, apo. Hihintayin lang namin ang buwanang pension namin ng Lolo mo."
"Naku, La! 'Wag na ho. Bibili na rin po ako. May ipon naman po ako rito." Pigil ko kay Lola.
Hindi naman alam ni Lola na nagwo-working student ako dito. Kaya hindi ko mabanggit na plano kong bumili ng bago pag nakasahod na ako. Ayoko ko namang ipaubaya sa kanila ang lahat ng gastusin ko pati pambili nang cellphone na kung tutuusin ay kaya ko naman bumili. Yong mumurahin nga lang at 'di katulad nong bigay ni Zig.
"Ano ka ba, apo? Baka hindi ka na nakakakain ng sapat dyan at iniipon mo lang 'yong pinapadala namin. Baka pag-uwi mo dito nangangayayat ka na. Naku! Baka magalit sayo 'yong Lolo mo." Puno ng pag-aalalang sabi ni Lola.
Napabuntong-hininga na lamang ako at impit na ngumiti. "Lola, hindi naman po. Ayos na ayos po ako dito. Si Lolo nga po pala?"
"Nasa covered court ang Lolo mo't may nagaganap na medical mission ngayon dito sa barangay natin."
Isang barangay official ang Lolo ko sa barangay namin kaya palagi itong tumutulong sa mga kaganapan doon. After he retired as a soldier ay inalok agad ito na maging isang opisyal at dahil mahal sya ng mga tao sa lugar namin kaya naloklok sya sa pwesto.
"Ganun po ba? Tatawag na lang din po ako mamaya, La. May klase na rin po kasi ako." Saad ko.
"Sige apo. Miss na miss ka na namin ng Lolo mo. Mag-iingat ka palagi dyan at 'wag na 'wag mong pababayaan ang kalusugan mo at ang pag-aaral mo. Mahal na mahal ka namin." Lumungkot ang boses ni Lola nang banggitin ang huling pangungusap.
Para namang nag-init ang mga mata ko dahil katulad ni Lola ay nangungulila na rin ako sa kanila.
"I love you, too po Lola. Bye!" I heaved before disconnected the line.
Hinay-hinay akong lumabas ng banyo at natigil ako sa may bandang labas dahil nagtatayuan ang mga estudyante na kanina lang ay abala rin sa pagkain. Parang may tiningnan sila sa may bandang gitna o dulo siguro nitong cafeteria.
Ano kayang kaganapan?
"Impossible! Why is he doing here?"
Rinig ko mula sa isang babaeng estudyante. Hindi ko masulyapan ang tinitingnan nila dahil ang dami nilang nakaharang sa daraanan ko.
"Stop asking why he's here. Of course he has all the right to be here! And damn, Keith he's impressively handsome more than I have imagined!"
"Oh Jesus! Ang gwapo-gwapo nga talaga nya!"
"Lamang na lamang talaga sya sa kanilang magpipinsan!"
"Sana dito na lang din sya!"
Ilang lang 'yan sa mga naririnig ko.
All of them were giggling at impit na napapatili na parang kilig na kilig sa nakikita nila.
Sino ba 'yong pinag-uusapan nila?
This kind of scenes were not new to me pero umpisa pa lang ay wala na talaga akong amor makinig o mag-usisa sa mga kumpolan dito sa unibersidad namin. It's just a waste of time. Wala naman akong mapapala kung mag-usisa ako.
Pilit akong sumiksik sa umpukan ng mga estudyante at bahagya pa akong nasiko ng isa sa mga nadaanan ko at natamaan ang braso ko.
"Excuse me. Excuse me." Panay sabi ko hanggang sa makaahon ako sa kumpolan. Inayos ko pa ang suot kong cardigan dahil natabingi iyong isang sleeve dahil sa pagsiksik ko.
"Hy!" Boses agad ni Tracey ang narinig ko.
I lifted up my gaze to where our table was and..
So much to my surprise, my jaw literally fell with what I currently saw.
They're here?!
What are they.. he doing here?
Tatlong beses pa akong napapikit para siguradohin na totoo ang nakikita ko. I stood there for a seconds without even moving. I was stone at my bare feet and slowly locked my parted lips.
Bumalik ako sa reyalidad nang tawagin muli ako ni Tracey. All of them are directly staring at me.
"Come, Hy! Bilis!" Tawag ulit ni Tracey at kumaway pa. Malapad ang ngiti nito.
Kung gaano kalapad ang ngisi ni Tracey ay ganun naman kagusot ang mga hitsura ng mga estudyanteng babae sa paligid ko.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, e! See, i wasn't mistaken!
Mabibigat ang mga naging yapak ko pabalik sa lamesa namin kung saan may apat na bagong nakaupo doon.
Sinalubong ako ng ngiti nina Callum, Redden, at Migz kaya sinuklian ko rin sila ng isang tipid na ngiti. 'Yon lang ang nakayanan ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nandito sila. Lalo na si.. Zig!
Bakit sya nandito sa eskwelahan namin? Hindi naman sya mag-aaral dito as far as I know.
Bakante pa rin ang upuan ko kung saan ako umupo kanina at naroon pa rin sa harapan ang naiwan kong guyabano shake na in-order ko.
"Let me take our order, fellas. What do you want?" Masiglang saad ni Migz and they scanned his gaze to us.
"Mine's club house and strawberry frape." Ani ni Callum.
Napangiwi naman si Migz. "What? Your stuff's too feminine! Para kang si Ellize." Migz reasoned.
"Kailan pa nagkaroon ng gender ang pagkain, Migz?!"
"Tsk! How about you, morons?"
"Fries and tofu burgers would be fine. Bahala ka na sa drinks!" Si Redden.
Bumaling si Migz sa nakahalukipkip na katabi. Tumingin din ako sa tinitingnan nya at napasinghap ako nang magtama ang aming mga mata.
Kanina pa ba sya nakatingin?
As usual, his features were sober and I diverted my eyes, refusing to be intimidated by his profound stare.
Ilang tikhim ang narinig ko mula sa mga kasama namin.
"I guess, this prick here was no longer in need a chow. Busog na busog na ang mga mata, e!" Migz in his mockery expound.
Napahalakhak ang mga kasamahan namin maging pati si Tracey, ngunit wala akong narinig na reaksyon mula kay Zig.
I felt tensed in a sudden.
"Let him be, Migz! He was just admiring the view." Kantyaw naman mula kay Redden.
Bakit ba pakiramdam ko na kasali ako sa pinag-uusapan nila? Parang talaga, e! Ganito ba talaga ang mga Ellison? Parang maloloko pero parang may mga laman ang mga salita nila.
"Girls, how about you? Fries? Pastas?"
Si Tracey ang sumagot. "No! W- we're fine. May pagkain na naman kami. Salamat." I sensed that like me, Tracey's felt brassbound too.
Umalis na si Migz sa lamesa namin at nagpunta sa counter na may iilang pila.
Nagiging awkward na ang pakiramdam ko lalo pa't tanaw kong kami ang sentro ng tinginan ng mga tao sa loob ng cafeteria.
All eyes were questioning and confounding. Everyone's still chattering around us, still wondering why we were with Ellisons. Sino ba namang hindi? Maging ako ay hindi ako makapaniwala na naki-isa sila sa table namin ni Tracey.
I guess, we're the main characters of everyone's gossip.
Nakita kong itinaas ni Redden ang isang kamay na parang may pinalapit sa gawi nya. Nasa tabi sya ni Tracey kaya kita ko sya dahil sa kaliwa ako ni Tracey nakaupo.
A tall and bulky man in suit drew near to Redden at umuklo ito dahil parang may ibinulong doon si Redden. Tumango naman ang lalaki.
Body guardian ba nila 'yon?
Luminga ako sa paligid namin dahil may nakita pa akong apat na lalaking pareho ang suot sa lalaking tinawag ni Redden. They parted ways and in just a couple of seconds ay tumahimik na ang buong cafeteria at natanggal mula sa amin ang tingin ng mga tao doon.
Isa lang ba 'yon sa kakayahan ng mga Ellison? It's like they owned everything in here. Well they do, actually.
Ibinalik ko na kay Tracey ang hiniram kong cellphone at nagpasalamat ako. Kita ko naman ang pagsulyap ni Redden sa amin.
"Where's your phone?"
Isang malamig na boses ni Zig ang naging dahilan ng pagbalik ulit ng mga mata ko sa kanya. I looked back at him without turning my head at parang nanigas ang tuhod ko sa paraan ng titig nito sa akin.
Rigidly, I managed to say.. "Nasira, remember?"
Parang may bumalot na tensyon sa pagitan namin ni Zig dahil sa itinugon ko. Parang naningkit ang mga mata nito na parang hindi nya nagustohan ang sinagot ko.
"I'm pertaining about the one I gave you, Leigh!" Diretso nitong tanong at sa 'di malamang dahilan ay nalunok ko ang nagbabadyang umusli sa 'king lalamonan. Kinakabahan ako.
"I- I forgot it, naiwan ko sa apartment!" I stuttered. On my peripheral vision, I saw Tracey shaking her head showing that she's against my idea.
Callum and Redden were remained silent but curiosity written all over their faces.
I sighed. "Actually, I'm planning to give it back to you-" Zig cut my line.
"What? Why?" Napansin kong nagtagis ang mga bagang nito at umusbong ang iritasyon sa mukha nya. He wasn't even moving at all but obviously he was getting teed off. And that's all because of me.
Pero 'di ko talaga kayang tanggapin iyon.
"Isasauli ko sayo, maybe tomorrow if you'd be here also. I- I'm sorry! I really can't accept it, Zig!" I almost made a plea.
"Hy?!" Singit ni Tracey na parang pinipigilan ako.
The tension around us got thick when Zig didn't budge.
"Offscouring! Tsk! Tsk!" Redden said in a low raise.
Napapitlag ako nang marahas na tumayo si Zig mula sa kanyang kinauupuan. He gave me a quick glance. A very resentful and rage one!
"Throw it away!" His rearmost blow and started to walk away from us.
Nakasunod sa kanya ang dalawang body guard. My eyes followed his image until he was totally out of the cafeteria and of my sight.
Kakaiba ang pintig ng puso ko sa loob ng aking dibdib. Parang may nanlumo sa kaloob-looban ko dahil sa pagwa-walk-out ni Zig at parang hindi ko na kilala ang sarili ko dahil sa kakatwang pinapahiwatig nito.
Is these an admission of guilt?
"Damn! I felt deep pity for the new kid on the block! His first day here wasn't that great." Callum exclaimed with a bit sarcasm.
Sabay pa kaming napatingin sa kanya ni Tracey. With our puzzled expression, Callum smirked and cooly rest his back on the backrest of his chair.
"What a nice welcome for the almighty Zig Lexus Ellison! You did great, Leigh." Another one form Redden.
Hindi ko na mapigilan ang pagtataka ko. "What you mean is?"
"Flash news: Zig Lexus Ellison is now also a bona fide student of WBU (Wake Buckminster University)." Callum announced assuredly.
Wait!
He's what?!