CHAPTER 8

2202 Words
CHAPTER 8 "Excuse me, ladies! Your orders." A waiter in his early twenties appeared on our table together with our orders. Nag-aya kasi si Liz na sa isang Japanese Restaurant kami maghaponan sa loob ng mall since it's almost 6:40 o'clock in the evening when we finished shopping. May halong pilyo ang iginawad sa aming ngiti ng service crew. Malinggit ang aking nagawang tawa dahil sabay pang umirap si Tracey at Liz. "Thanks." Ako na ang nagpasalamat sa lalaki dahil alam kung walang balak ang dalawa. "I hate frivolous bods! Aish!" Liz groaned when the guy left. She was plainly pertaining about the silly crew. "Same here!" Tracey corresponded. "Pero dapat sanay ka na sa mga ganong atensyon, Liz. You're fortuitously an Ellison and you can't blame anyone if you unwillingly caught their attentions." "I don't find it good, Trace! Cause most of them were just after my surname! Nakakainis!" Liz have a point. Parang sa mga pocket books na nababasa ko na karamihan sa mga taong nakikipagkaibigan sa mga mayayaman ay iba ang mga motibo at hindi binabatayan ang tunay na pakikipagkaibigan. "Okay lang ba talaga sayo na maging kaibigan kami?" Ani ko. Tama kasi si Tracey. Ellison is Ellison! At milya-milya ang agwat ng aking pagkatao mula sa kanila kaya napaka-imposible na pwede ko silang maka-usap lalo na't maging kaibigan. Pero iba kasi si Liz at ang mga pinsan nito. Unang kilala ko pa lang kasi sa kanila'y hindi nila pinaramdam sa akin na walang pagitan o antas na kailangan sundin para makipagkaibigan ang tulad ko sa mga katulad nila. Especially Zig! Kahit para syang mabangis na liyon ay nagagawa pa rin nyang gumawa ng kabutihan sa akin. "More than okay! You know what, Leigh, tuwang-tuwa talaga ako ng malaman ko mula kay Red na nasa iisang school pala tayo. Imagine that, I'd be more elated with my new acquaintance in school. At kayo 'yon!" Masiglang pahayag ni Liz bago sinimulang pansinin ang kanyang pagkain. Kaya pala pamilyar talaga sya sa akin dahil pareho pala kami ng pinapasokan. Nagsimula na rin akong kumain at si Tracey. We're doing the discourse while stuffing our foods. "I didn't know that you and Redden were siblings. Akala ko magpipinsan lang kayong lahat." "Well, unfortunately yes, Leigh! And also Sean. I'm the youngest child but had the most mature brain compared to them." Hagikhik nito. "You got the chance to know them, anyway, wherewithal you noticed it." Oh, I see! The way they smile says they're siblings. Narinig ko ang pagtikhim ni Tracey sa tabi ko. "Sorry to say this, Liz pero buti na lang hindi mo kaugali si Redden, no?" Liz nodded. "That's favorable, right? Anyway, kilala mo si Red?" Bahagya namang nabalisa si Tracey sa tanong ni Liz pero nakahinga ako ng maluwag ng sumagot rin ito. Akala ko kasi itatago nya kay Liz. "Ah, Oo! I- I am his tutor for these semester. Half of the semester, I mean." Liz' smile automatically disappeared and her lips parted in.. surprise? Don't tell me hindi nya alam na nagbubulakbol yong Kuya nya kaya kinailangan pa nito ang tutor? "Wow!" I was taken aback when she blurted out. "Does that denoted na ikaw yong tinutukoy ni Red na 'Noble Pedant'? Demn! Ikaw pala yon!" Pag kompirma ni Liz at naguluhan ako sa sinabi nya. I glanced at Tracey and she look tensed and.. annoyed? Dyan ba sa petname na yan nanggagaling ang asar ni Tracey kay Redden? Gusto ko nang matawa sa pagkakataong ito pero nakikisimpatya na lang ako sa aking kaibigan. Hanip din pala 'tong si Redden! Binigyan pa talaga ng titulo si Tracey and obviously, it was so ironic! Para namang nag-alala si Liz sa reaksyon ni Tracey. "Hey, don't rub it the wrong way, Trace! You know I could kill that bastard if you'd ask me. Just say it. Kakampi nyo na ako simula ngayon, okay?" Liz and her childish behavior. Ang cute lang nyang pakinggan. Kahit pa sobrang matured at sophisticated ang main aura nya'y minsan pala may ganitong side din sya. Bumalik naman ang ngiti sa labi ni Tracey kaya natawa na lang din ako. "So, do you already know about the transference act of our Almighty Zig? Don't you, Leigh?" Nawala ang atensyon ko sa aking kinakain sa bagong paksang binuksan ni Liz. Bakit ba palaging may salpok sa loob ko sa tuwing binabanggit ang pangalang 'yon? Masyado na talaga akong nagagambala dahil sa kanya. Sa isang lalaking kailan ko lang nakilala pero kung guluhin ang sistema ko'y napakahusay. Hindi ako makasagot kay Liz dahil wala naman akong rason at hindi rin naman importante ang aking opinyon sa paglipat ni Zig sa school namin. "You know what, Leigh? Since then, Zig didn't really want to study in our university, suwail 'yan sa mga kagustuhan ni Tito Zandro, e. He was kinda rebellious and very difficile. It's one of the family customs that every Ellison must be bone up in our own school dahil 'yon ang dahilan kung bakit itinayo ang WBU but for the first time in the family history, someone stubbornly disobeyed the rule! Only Zig, and now, he fell in with no hesitation or what! Nakakapagtaka hindi ba?" Proklamasyon ni Liz. Tama nga ang source ni Tracey na sya ang pinakamalala sa kanilang lahat. Magtataka pa ba ako, e sa kilos pa lang nya't pananalita parang wala itong sinasanto. "Ah, Liz, si Zig may kapatid din ba sya?" Para akong nagkaroon ng interes dahil sa tanong ni Tracey. Hindi naman siguro mali kung magtanong kami ng mga basic information tungkol sa kanya, hindi ba? It's part of my curiosity, I assumed! "And his parents? W-where are.. they?" Alangang tanong ko rin. Buti hindi sya kunamumuhian ng mga magulang nya dahil sa kabastarduhan nya sa buhay? Malungkot ang naging ngiti ni Liz dahil sa tanong namin. Liz took a deep sigh before responding. "Zig's only child." Oh! Parang ako lang din. "And Tito Zandro stood as his guardian since Tito Luigi, Zig's Dad passed away eleven years ago." I was heavyhearted with Liz' declaration. God! I do really feel whatever he was going through then and now. Dahil tulad nya'y nawalan rin ako ng ina noong dalawang taon gulang pa lang ako. Nakakalungkot dahil may iilan rin palang nakakaranas ng pangungulila sa sariling magulang tulad ng pinagdadaanan ko. And Zig? How could he dealt with such difficulties? Dahil kung ako ang tatanongin ay sobrang hirap! 'Yong maiinggit ka sa ibang bata na mayroong kompletong pamilya. 'Yong hanggang pangarap at paniginip mo na lang nakakasama ang pinaka-importanteng tao sa buhay mo. Pero ganun pa man ay masaya pa rin ako at may Lolo't Lola pa rin ako na tunatayong magulang ko. Tanggap ko naman na wala na akong Ina, ang tatay ko nama'y malayo sa akin dahil sa America na ito nakatira kasama ang bago nyang pamilya at sa kasamaang palad ay nakalimutan na ako. Mahirap ngunit kailangan ko namang magpakatatag para sa sarili ko. What's the use of living if you won't keep on fighting? And in my case! I'm fighting for my ambitions and my reverie in the near future. The brightest one if possible! "I-I'm sorry!" Hindi ko alam kung para saan ang sorry na iyon. I just had the nerve to apologize or something! "Zig would kill me for telling his story! Ayaw kasi non na pinag-uusapan ang buhay nya. Uhm, pwede naman sigurong atin lang yon hindi ba?" Mailap nga talaga si Zig pagdating sa pribado nyang buhay. Alam ko ang pakiramdam na parang hindi ka kontento sa ano mang mayron ka sa kasalukuyan pero hindi naman siguro kailangan na itago mo sa loob mo ang lahat ng sakit na iyong pinagdadaanan. It'll probably hurts you more deep inside. Why Zig were like that? Why he was keeping his agony in the hole-and-corner? Mas lalo lang syang magiging miserable kapag ganon. "Ah, oo naman!" Tracey and I answered in chorus. _ Nang matapos kaming kumain ay nagpilit pa si Liz na ihatid kami sa apartment namin. I really really enjoyed her company. I'm happier now cause I have a new friend like Ellize. Sa tingin ko'y hindi talaga sya mahirap pakisamahan dahil sabi ko nga'y malaki talaga ang pagkakapareho nila ni Tracey. Nadatnan ako ni Tracey sa kwarto ko na sinusuri ang cellphone na bigay ni Zig. Binuksan ko na iyon dahil naisip ko na tatanggapin ko na lang ito para wala nang mangyaring gulo. At para hindi na magtampo si Zig. Tampo? Is that the right word? "I see you changed your mind!" Tracey stated. "Takot ka talagang mawala ang scholarship mo, no? Or.. maybe you are just worried about Zig's reaction lately." May bahid ng panunuksong wika nito. Saan naman nanggaling yang opinyon nya? Worried? For Zig? Aish! Ibang dimension na ata iyon. I set my brows in line. "I preferred the first one, Trace. More believable than the last line." I retorted. "So defensive, huh?" Madilim ko itong binalingan. Her teasing eyes welcomed me and it made me feel baffle. Nakakabaliw talaga 'tong isang ito! "Hy, do you ever think Zig wants you to be his friend, something like that?" I furrowed. "You already asked the same question before, you 'Noble Pedant'!" I returned her the equal footing and I grinned because of her reaction. Her face somewhat turned out crimson. She's blushing! "Ops! You're getting red, Trace!" I mocked and emphasized the word 'Red' purposely. Hindi nga ako nagkamali dahil lumukot ang mukha nito dahil sa iritasyon. Nagmartsa ito palabas ng aking silid. Ugali talaga nyang umiwas kapag nasa kanya ang spotlight. Tsk! I continued checking the phone at may beses pang nalilito ako dahil sa dami ng applications na naka-download doon. Si Zig ba ang naglagay ng mga ito? I don't think it was all accustomed within the phone! Umayos na ako sa pagkakahiga at minabuti na lang na padalhan ng mensahe sina Lola bago ako matulog tulad ng nakagawian ko. Nagtipa ako ng aking 'good night message' at pagkatapos ay sinimulan ng hanapin sa contact lists ko ang number ni Lola para isend ang mensahe. Ngunit napako ako sa isang bagong rehistrong numero sa listahan ko at para akong nasamid ng sarili kong laway dahil sa pangalan na iyon. Iilan lang naman ang nasa contact lists ko kaya halos magkasunod lang ang numero nila ng Lola ko. Zig E. While reading the name again, the irregular palpitations of my heart starting to appear inside my chest. I'm not entirely comfortable with it. Did he just save his contact number for me? Bakit? It was so cranky at para akong hunghang dahil sa pakiramdam na yon. Ano ba kasing mayron sa pangalan nya't palaging ganito magreact ang sistema ko? Hindi ko naman ito masabi kay Tracey baka umabot pa sa ibang ibayo ang opinyon nya kapag ibahagi ko itong kakaibang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. I sent my message to Lola first and decided to type a new one.. for Zig! Gusto kong ipaalam sa kanya na tatanggapin ko na 'tong bigay nya at gusto ko ring humingi ng paumanhin dahil sa pagtanggi ko dito kanina sa harap ng mga pinsan nya. Hindi naman sa ginagawa ko lang ito dahil sa takot kong alisan nya ako ng scholarship sa eskwelahan nila. Naisip ko na mali talaga ako! I'm being rough to him when he all wanted is to bear a hand. But I promise to myself that I won't accept more from him kung may balak pa syang tumulong sa hinaharap. Nagiging assuming na rin yata ako! Bakit naman nya gagawin ulit 'yon? Parang wala namang rason na bigyan nya pa ako ulit ng tulong. This is so creepy! I wasn't aware how many times I took a deep sigh before started to write in the message box. Hi! It's me Hyleigh. Nagpakilala muna ako dahil ang pangit naman ata kung didiretso ako sa punto ko. Nanlaki ang aking mga mata at agad na napabalikwas sa pagkakahiga dahil imbes na reply ang matatanggap ko'y isang tawag mula sa kanya ang tumugon. He's calling. Lalong kumabog ng husto ang puso ko dahil sa biglaan nyang pagtawag. Gulat ma'y sinagot ko iyon. "Leigh!" Kahit sa telepono ay napakalamig pa rin ng boses nito. His cold voice somewhat sent shiver down to my spine and made me more goosy. Parang nakalimutan ko tuloy ang totoong pakay ko sa kanya. I clearly heard his deep breaths over the phone and the crackles from his.. bed? I cleared my throat first. "Uhm, sorry ha! Nagising ba kita?" I did bite my lower lip because of lacking confidence to talk to him. Naisturbo ko yata ang tulog nya. Nakakahiya! "What made you call?" Diretsong tanong nito. Napakunot tuloy ako sa sobrang straight forward nya. Is he mad at me? Aist! Malamang oo! May dahilan naman talaga sya para magalit sa akin. Tama lang siguro 'tong tumawag sya para makapag-sorry na ako sa kanya. "Zig, I- I want to apologize ab-" Naputol sa ere ang aking sasabihin dahil may narinig akong boses ng babae mula sa kabilang linya. "Babe, who's that? Please lay back down here." "Ops!" Agad kong tinakpan ang aking bibig gamit ang isa kong kamay dahil hindi ko napigilan ang gulat ko. Was that his girlfriend? Did I just.. disturbed the two of them? Anxiously, I tried to say something before ending the call. "Sorry! Just see you tomorrow." Isang mura pa mula kay Zig ang bahagya kong narinig bago ko pinatay ang tawag. Nasapo ko ang aking noo dahil sa nasambit ko. The foreign tramping of my heart inside my chest stayed still, fadeless. Parang may kung ano ring bumara sa utak ko at parang nawawala ako sa katinuan. What's with tomorrow then? See him tomorrow? Okay pa ba talaga ang utak ko? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD