Sumikip ang dibdib ko sa mga nabasa. From: Gwen Pau, kita tayo. Wag mo na lang sabihin kay Wendy, hindi kita isusumbong. Pau, alam kong masaya ka rin sa 'kin; bakit hindi na lang ako? Let go of her. Please Pau... kahit isang gabi lang, just let me have you; isang gabi lang. Miss na talaga kita, iyong dating tayo. Pinunasan ko ang mainit na luha sa pisnge ko. Walang reply si Paulo pero parang dinudurog pa rin ang puso ko. Shocks! What the hell was this?! "Love, I'm done!" Lumabas si Paulo sa banyo. Binitawan ko ang phone niya at saka kumurap-kurap, sinigurong hindi niya mahahalatang naiyak ako. Sumandal ako sa headboard ng kama at pilit siyang nginitian. Hinarang ko ulit ang libro sa mukha ko, pretending to be busy reading, kahit na hindi na mapakali ang utak ko sa kakaisip kung n