"Uy sobrang excited siya," Paulo teased. Nasa airplane na kami at hindi ako makatulog, dahil kanina ko pa gustong matanaw ang Lust Paradise. Never ko pang napuntahan iyon; I heard it was a private island na limited lang ang nakakapunta. The owner wanted to keep the place chill and peaceful. Curious na curious na tuloy ako sa buong hitsura niyon. "Syempre! Thank you talaga ha! Ang tagal ko ng gustong makapag-beach ulit." Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko. "You're welcome, love. Alam mo namang malakas ka sa 'kin." Nginitian ko siya, bago sinilip ang nasa likuran naming si Alexis. "Sumama talaga siya 'no?" bulong ko kay Paulo. "Broken eh; gustong takasan si Ruby," aniya. I sighed. Noon pa lang talaga hindi ko na feel ang ugali ni Ruby, sabi ko na nga ba balang araw mapupuno r