"Omg Paulo! Sold out na iyong first ever big collection ko!" Napatalon ako sa tuwa at mahigpit na niyakap si Paulo. Nasa sala lang kami ng condo niya at paalis na sana siya papuntang school, pero hinarang ko siya ng yakap ko. Six months na ang lumipas matapos kong simulan ang business ko; After six months, nakapag-release na ako sa wakas ng big collection sa shop ko. Ramdam ko talaga na unti-unti ng nagpe-pay off lahat ng paghihirap ko. "Talaga? Congrats! Sabi na kaya mo eh." Niyakap niya ako pabalik at medyo inangat niya pa ang katawan ko. Umalis ako sa yakap at nagtama ang mga mata namin. "Salamat talaga sa 'yo, Paulo. Dahil sa 'yo, mas lumalakas ang loob ko." Ginulo niya ang buhok ko. "Wala iyon, Wendy. You deserve it." Niyakap ko ulit siya sa sobrang pasasalamat. Ni'hindi ko n