"Advance Merry Christmas, love," sambit ni Paulo, habang nakaupo kami sa kotse at nasa harap na kami ng bahay ng parents ko. "Advanced Merry Christmas." Ngumiti ako kahit medyo kabado na ang puso ko sa pagkikita namin ng magulang ko. Mamayang hating-gabi lang ay pasko na; bago mag-midnight nagluluto ng handa sina mommy, kaya hindi ko makakasama si Paulo sa pagsalubong ng pasko. Okay lang, at least makikita ko na ulit ang parents ko, kahit sobrang nakakakaba talaga. "Sure ka bang okay ka lang?" Paulo asked. I nodded. "Oo naman. Medyo kinakabahan lang ako sa daddy ko." I laughed. "Kaya mo iyan, love. Tsaka you're doing well naman sa pinili mong landas." "Knowing daddy, hindi pa rin siya masa-satisfy sa mga little achievements ko." Ngumiti siya; a comforting smile. "Malay mo naman d