Chapter 17

2664 Words

"Love, kamusta araw mo?" tanong ni Paulo. Tahimik lang ako magmula nang dumating siya galing school hanggang sa nag-dinner na kami. Kakatapos lang namin kumain, pero na sa dining pa rin kami. "Okay lang," sagot ko. Hindi pa rin talaga mapakali ang utak ko, dahil sa Gwen na 'yon. Ang dami kong tanong na gustong itanong kay Paulo, pero hindi ko alam kung paano. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng sikip ng dibdib. Para itong pinipiga at paminsan ay nahihirapan pa akong huminga. "Love, may problema ba? Kanina ka pa tahimik; mukhang hindi ka okay." Hinimas ko ang hita ko na nasa ilalim ng mesa. "Okay nga lang ako." "Eh bakit parang ang tamlay mo?" Nakatingin lang ako sa kawalan, pati ang tignan si Paulo parang ang hirap ding gawin. "Pagod lang ako." "Nag-over work ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD