"Ano sa 'yo? Libre ko." Nakangiti pa rin ako habang nakatitig kay Paulo na nakaupo sa harapan ko. Inaya ko siyang mag-lunch sa Frankies since chance ko na 'to para reward-an ang sarili. Ang tagal kong nagtipid kaya feel ko deserve ko naman 'to. "Wow, sure ka na riyan?" Paulo laughed. "Oo nga. Ayaw mo ba?" "Syempre gusto; wings na lang akin, salted egg." "Isang flavor lang?" I asked. He nodded. "Oo. Makikitikim na lang ako sa flavor na pipiliin mo." "Okay sige." Nag-cellphone lang kami habang naghihintay na dumating iyong food. "Tapos na 'kong mag-phone," biglang nagsalita si Paulo. Tinignan ko siya nang kunot ang noo. "Ha?" "Usap naman tayo." Ang awkward ng tawa niya, pero ang cute pa rin ng dimples niya. Napangiti ako at nilapag phone ko. "Sige. Sorry napa-scroll lang