Chapter 1: Misyon

1662 Words
“Men! Search the area!” sigaw ng kanilang hepe. Narito sila ngayon sa abandonadong building para sa misyon upang hulihin ang mga tumakas na bilanggo. May nakapag-tip kasi sa kanila na rito nagtatago ang mga ito. Kung bakit kasi tumakas pa ang mga hinayup*k, eh babalik din naman sila sa kulungan. Pero kung sila ay manlalaban, pasens’yahan na lang. Matapos lang ang misyon na ito ay pagbibigyan na ni Dos ang ama. Mas’yado na itong nag-aalala dahilan para lalo itong magtampo sa kanya. Handa na itong tanggapin ang posisyon nʼya sa kumpanya kaya bago sʼya sumabak sa misyon na ito ay nakahanda na ang kanyang resignation letter. Ngunit tatalon na sana sʼya sa pader nang . . . “Buddy!” tawag ni Thor. Akala nʼya ay nasa bakasyon ito pero bakit nariito ang isang ‘to? “Ano’ng ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa bakasyon ka dahil nasa ospital si auntie? Anyare sa ’yo?” takang tanong nʼya. “Okay na, Buddy. Tumawag ako kay Sir kanina na hahabol ako. Saka, ayokong sasabak ka sa misyon na wala ako, 'no!” lambing nito. Magyayakapan sana ang mga ito nang sigawan sila ng kanilang hepe. “Sandoval! Rodriguez! This is not the right time para sa kalokohan ninyo! Rodriguez, pumayag akong sumunod ka rito para sa misyon natin at hindi para yakapin iyang kabaro mo. Hala, sige na! Pasukin n'yo na ang building!” “Yes, Sir!” sabay nilang sagot ni Thor saka sila nagkamot ng ulo. Nagkauntugan pa silang dalawa dahil pakanan si Dos at pakaliwa naman si Thor. "Aray!" impit na sambit ni Dos habang sapo ang kanyang ulo. "Hindi mo naman tinitingnan ang dinadaanan mo, Buddy! Sa may bato ba iyang ulo mo? Ang tigas, eh!" sermon niya sa kaibigan. "Talagang matigas ʼto, Buddy," ngising wika naman ni Thor. "Lalo na sa baba, sobrang tigas!" dagdag pa nito na sabay tawa nang malakas. "Loko! Ibang ulo ʼyang tinutukoy mo! Ulo mo ba sa baba, ha? Baka nga supot pa ʼyan!" pahayag niya na tumawa rin. "Hoy! Hindi ako magiging pulis kapag sup*t pa ako, ʼno! Saka marami nang nabutas ang espada ko!" pagmalalaki nito kay Dos. "Yabang mo!" saad naman ni Dos kaya nagkatawanan silang dalawa. Ngunit agad rin silang tumigil dahil pinukulan sila nang masamang tingin ng kanilang hepe. "What are you waiting for! Pasukin nʼyo na! At mamaya na kayo magkuwentuhan dʼyan! Mga tsismoso!" sigaw ng hepe. "Ikaw kasi, eh! Ayan tuloy napagalitan pa tayo ni hepe. Baka mag-alburuto na naman ang pʼwet niyan mamaya," muling wika ni Dos, ngunit umiling-iling lang si Thor. "Oh, my!" sigaw ng kanilang hepe habang hawak nito ang tiyan at puwet, kaya nabaling ang tingin ng dalawa sa kinaroroonan nito. "What happened to you, Sir?" tanong ng isa nilang kasamahang pulis. "T*ng in*ng pʼwet ʼto! Ayaw talagang makisama sa misyon natin!" sambit nito na ikinatawa nilang lahat. "What's funny, huh! Pasukin nʼyo na ang building bago pa ako magkalat dito!" maawtoridad nitong wika. Kaya nagsipasok na sila ng building. At hindi lang pala basta building iyon. Parang imbakan ng mga basura dahil sa sobrang baho! Inakyat ng dalawa ang ikatlong palapag habang ang ilan pang kasama nila ay nasa ikalimang palapag. “P'we!” hilatsa ni Thor. "Ano bang building ito? Gabi na ang dami pang langaw,” reklamo pa nito. “Huwag kang maingay. Baka narito lang ang mga tumakas na preso, marinig pa tayo. Nakiaamoy lang naman iyang mga langaw sa ’yo,” biro nʼya. “Rito ka at doon naman ako. Baka dumugin din kasi ako ng mga langaw,” pahayag pa niya. Hahakbang na sana si Dos nang kumapit si Thor sa laylayan ng uniporme niya. “Bakit?” takang niya. “Baka may multo rito, Buddy,” sambit ni Thor sa kanya habang palinga-linga sa madilim na parte ng building. “Ewan ko sa ʼyo. Kailan ka pa naging matatakutin?” “Ngayon lang," saad nito sabay ngisi kay Dos. "Baka, rito ko makita si sadamo, Buddy. Naku! Tatakbong talaga ako nang mabilis pa sa kabayo!" dagdag pa ng lalaking pulis. “Ewan ko, sa ʼyo! Sadamo ka rʼyan! Baka si sadako, eh, kamukha mo ʼyon!" "Sa gʼwapo kong ʼto, kamukha ko ʼyon! No way! Mas kamukha ʼyon ni hepe. Tingnan mo, nagpasabog na naman kanina, at naghahanap ng kubeta!" sambit niya na natatawa. "Diyan ka na nga,” sambit ni Dos dito at pinalis ang kamay ng kaibigan na nakakapit sa laylayan ng uniporme niya sabay hakbang sa poste. Nang makarinig sila ng kaluskos, sumenyas si Dos kay Thor na lalapit siya roon. Tumango naman ang binatang pulis sa kanya. Malapit na sana ito sa kuwarto kung saan nila narinig ang kaluskos nang . . . “Buddy, sa likuran mo!” sigaw ni Thor sa kanya. Pinaputukan sʼya ng baril ng kalaban, mabuti na lang at nailagan niya iyon. Sumandal sʼya sa poste ngunit muli siya nitong pinaputukan. Narinig naman nʼyang nakikipagpalitan na ng putok si Thor sa iba pang mga nakatakas na preso. Pero sa tingin niya, hindi lang preso ang mga kalaban nila. “Matinik ka talaga, Sandoval! Pero hindi uubra iyang pagkamatinik mo sa akin!” sigaw nito. Sinilip ni Dos ito. At dahil nasinagan ng liwanag ang kanyang mukha ay nakilala nʼya ang kalaban. Ang most wanted na kidnapper na matagal na nilang hinahanap. Na-miss yata nito ang mga kaibigang preso kaya magkakasama sila sa iisang lungga. “Sumuko ka na, Belmonte! Kayo ng mga kasama mo kung ayaw mong pasabugin ko 'yang bungo mo!” banta nʼya rito. Ngunit nakita nitong may dalawang kalaban na malapit sa kanyang pinagtataguan kaya pinaputukan niya ang mga ito. “Magtatago rin lang kayo, iyon pang kita ang mga ulo ninyo. Mga ungas!” Anong akala nila sa kanilang sarili? Mga kabute na nakausbong ang ulo? O, mga pako na kailangang pokpokin ang ulo! Mga hinayupak ang mga taong ʼto! “Put*ng in* mo! Ikaw at ’yang kaibigan mong si Rodriguez ang balakid sa lahat ng plano ko! Hindi ka na makalalabas ng buhay rito! Iyang kayabangan mo ang magpapahamak sa 'yo kaya magdasal ka na, Sandoval, dahil dito ka na lalagutan ng hininga! At talagang tatadtarin kita ng bala!" nanggigigil na sigaw nito sa kanya. “Mauna ka dahil hindi ka tatanggapin ni satanas sa impiyerno dahil hindi ka pa nakararating, sunog na iyang kaluluwa mo!” sigaw rin ni Dos dito saka pinaputukan niya ito ng baril ngunit mabilis na nakailag si Belmonte. “Talagang hindi niya ʼko tatanggapin dahil mauuna kang mapupunta sa impyerno!” muli nitong sigaw saka pinaputukan na naman sʼya nito ng baril. Hindi iyon nailagay ni Dos dahilan upang madaplisan ang kanyang kaliwang braso. “Sh*t!” anas niya. Napapikit siya sa sakit. Narinig ni Dos na tumawa nang malakas si Belmonte. At talagang nakapang-iinit ng ulo ang niyemas na ʼto! “Ano, Sandoval! Masakit ba, ha! Hindi lang ʼyan ang aabutin mo sa akin hangga't humaharang ka sa mga plano ko! Dahil pati iyang itlog mong polpol ang tatadtarin ko ng bala ko!” sigaw nito. “Takte ka, Belmonte! Lumabas ka riyan! At ʼwag kang magtago! Ang laki ng katawan mong t*ng in* ka, nagtatago ka rʼyan!” sigaw rin niya ngunit hindi na ito sumagot. Huminga sʼya nang malalim. Inaamin niyang hindi madaling kalaban ang isang ito. Pero hindi siya titigil hangga't hindi niya ito mahuhuli. Ngunit nang lumingon siya sa kaliwa ay nakatutok sa kanya ang baril ni Belmonte. “Wala pang pulis ang nakapagpatitiklop sa akin, Sandoval,” wika nito sabay ngisi sa kanya. “Huwag kang gagalaw kung ayaw mong malagyan ng bala ʼyang ulo mo! Akin na ʼyang baril mo!” sigaw nito sa kanya. Ibinigay ni Dos ang baril at itinapon iyon ni Belmonte sa hindi ka-layuan saka siya nagsalita. “Baʼt ʼdi mo na lang iputok ʼyang baril mong katulad mo! Iputok mo na!” gagad niya rito ngunit muli na naman itong ngumisi sa kanya. “Ang guwapo mo pala sa malapitan, Sandoval. At ngayon lang kita natitigan nang husto,” anito na pinasadahan siya ng tingin pataas-pababa saka ito humarap sa kanya. Tumaas ang isang kilay ni Dos. Kung hindi sʼya nagkakamali ay totoo nga ang sinasabi ng ibang kapulisan na silahis si Belmonte. Hindi nga lang halata dahil sa laki ng katawan nito. “Hindi kita papatayin, pero sa isang kondisyon . . . be my boy,” sambit nito sabay kindat sa kanya. “Kahit patayin mo pa ako, hindi ako pumapatol sa kauri ko! Patayin mo na lang ako ngayon!” “Buddy!” sigaw na tawag ni Thor dahilan ng paglingon ni Belmonte sa kanya kaya naagaw ni Dos ang baril nito at sinuntok niya ito nang malakas sa baba. Sanhi ng pagkatumba nito sa semento. “Ano, Belmonte! Nasa harapan mo na nga ako hindi mo pa ako pinatay!” sigaw niya rito ngunit naging mabilis ang pangyayari. Sinipa siya ni Belmonte sa binti dahilan upang sʼya ay matumba at nabitawan niya ang hawak na baril. Tumama rin sa semento ang nadaplisan niyang braso. “Tang*na!” impit nitong sambit. Agad na tumayo si Belmonte at pinagtatadyakan niya si Dos. “Bumangon ka! Lampa ka pala, eh!” bulalas nito. Dadamputin na sana nito ang baril nang maunahan siya ni Dos. At dahil sa galit ng lalaking pulis ay tatlong beses iyong ipinutok sa kanya, kaya bumagsak ito sa semento. “Lampa, ah! Sino ngayon ang lampa sa atin, Belmonte?” bulong niya. Lumapit sʼya rito. Dilat pa rin ang mga nito ngunit hindi na ito humihinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD