Tatlong linggo na mula noong nag-resign si Dos bilang pulis. Masakit para sa kanya na sa ilang taon niya sa pagseserbisyo ay saka lang siya umalis.
Inaamin niya na hindi iyon madali pero kailangan niyang tanggapin na siguro ay hindi talaga iyon para sa kanya.
Unang araw niya ngayon sa kumpanya ng ama. At mabuti na lang at naghilom na rin ang sugat niya sa kanyang kaliwang braso dahil maliit lang namang sugat iyon. At narito sʼya ngayon sa Conference Room para ipakilala siya ng ama sa mga investors at sa head ng bawat departamento.
“Good morning, everyone. I would like to meet you my son, the new Chief Executive Officer of Sandoval Textiles Incorporation, Mr. Dos Sandoval,” pagpapakilala ng amang si Don Miguelito.
Nagsitayuhan at nagsipalakpakan ang mga taong naroon. Tumayo rin siya bilang paggalang at nagbigay din siya ng maikling mensahe.
“Thank you, Papa,” baling ni Dos sa ama. “Go back to your sit,” sabi naman niya sa mga nagsitayuhang bisita. “Thank you for welcoming me here. I will assure you that I will do my best to manage my father’s business with your help as well,” mahabang pahayag niya sa kanila.
Ngumiti ang mga ito, pagkatapos ay isa-isa nilang kinamayan ang bagong CEO.
Pagkatapos ng kalahating oras na pag-me-meeting ay iginiya siya ng kanyang ama sa dati nitong opisina.
“This will be your office, Son and I will also hire your new secretary. May katandaan na kasi ang dating sekretarya ko,” paliwanag pa nito.
“Thanks, Papa,” tipid niyang sagot.
Medyo naninibago pa siya sa magiging trabaho niya ngayon.
Inilibot ni Dos ang mga mata sa loob ng opisina. Pakiramdam niya ay may kulang. Ganito yata talaga kapag nasanay na humawak ng baril.
“Is there something wrong, Son?” tanong nito nang mapansin ang biglang pananahimik ng anak. “I’m sorry, son if I forced you to work here,” dugtong pa niya.
Napabuntong-hininga si Dos. Ngumiti siya nang tipid sa ama. “It’s okay, Pa. Wala kayong dapat ihingi ng pasens’ya,” tugon niya.
Tinapik siya ng kanyang Papa sa kanyang balikat at nag-iwan ito ng ilang papeles para pag-aralan niya. May mahalaga rin itong pupuntahan at hindi na rin siya nagtanong kung saan. Simula nang mag-asawa ang Papa niya ay bihira na silang mag-usap. Lumaki si Dos sa pangangalaga ng kanyang tiya na matagal na ring namatay kaya simula noon, doon kay Don Miguelito na siya nanirahan kasama ng stepmother at ng kapatid na si Kiel na hindi niya kasundo.
Simula nang tumuntong si Dos sa kolehiyo ay humiwalay na ito ng tirahan at nanirahan na lang na mag-isa sa condo. Papasyal lang siya sa bahay nila kung alam nʼyang nagtatampo na ang ama. At hindi lingid sa kaalaman ni Don Miguelito na hindi malapit sa isa’t isa ang dalawang anak.
Huminga nang malalim si Dos. Sa ngayon ay magpo-focus muna siya sa trabaho at hindi muna mag-iisip ng kahit ano.
SAMANTALA sa bahay ng mga Cruz ay maagang umuwi si Georgina galing trabaho. Namalengke na rin siya dahil wala na silang stock. Tamang-tama at sahod na rin niya. Nadatnan niyang nakaupo ang magulang niya sa balkonahe. Ibinigay niya sa mga kapatid ang dala saka siya nagmano sa dalawang matanda ngunit napansin niyang tahimik ang mga ito.
“May problema ho ba, Itay, Inay?” tanong niya. Ngunit hindi pa rin umimik ang mga ito. “Inay,” tawag niya. “May nangyari ho ba at ganʼyan ang hitsura ninyo?” muli niyang tanong at umupo siya sa upuan.
“Anak,” sambit ng kanyang itay. “Huwag ka sanang magagalit sa akin,” wika pa nito.
Napatitig si Georgina sa ama. “Ano ho ba iyon, Itay at bakit ako magagalit sa inyo?” tanong niya. Humugot muna nang malalim na hininga ang ama.
“Ikakasal ka na sa susunod na Linggo, anak,” paliwanag nito. Nanlaki ang mga mata niya. Nabigla siya sa sinabi ng ama.
“A-Ano, ho? Ano ho, ang s-sabi ninyo, Itay?” nagkandautal-utal na tanong niya.
“Narinig mo ang iyong itay, Georgina. Ikakasal ka na sa susunod na Linggo,” anang kanyang nanay sa basag na boses.
Napatayo si Georgina. Humawak siya sa kawayang poste dahil baka matumba siya sa narinig.
“K-Kanino ho ako, ikakasal? Saka bakit ako magpakakasal?” sunod-sunod nʼyang tanong at nag-umpisa ng mangilid ang kanyang luha.
“Dahil sa aming utang. Hindi namin kayang bayaran ng iyong ina ang utang namin kay Don Miguel Sandoval. Kaya ikaw ang hinihingi niyang kabayaran. Ikakasal ka sa pangalawa niyang anak,” paliwanag nito.
“Kilala ho ba, ako ng taong pinagkakautangan ninyo at ako ang hinihingi nilang kabayaran?” wika niya at nagsilaglagan na ang butil ng kanyang mga luha.
“Hindi,” sagot ni Mang Andoy.
“Hindi ho pala, pero bakit ako, Itay?” bulalas niya.
“Dahil ikaw ang panganay naming babae at ikaw lang ang nasa tamang edad, anak kaya ikaw ang ipambabayad namin. Patawarin mo sana ako, Georgina . . . Hindi na namin alam kung saan kami kukuha ng ipangtutustos noon sa inyo ng mga kapatid mo, kaya si Don Miguel ang nilapitan ko hanggang sa magkapatong-patong ang aking utang,” mahabang paliwanag ng ama.
“Anak, Georgina. Patawarin mo ako kung wala akong nagawa,” sabi naman ng kanyang inay.
“Hindi ko, kilala ang mga taong iyon, lalo na ang kanilang anak. Baka p’wede pa ho natin silang pakiusapan. Samahan ninyo ako, Itay at ako ang makikiusap na bigyan pa tayo ng panahon para mabayaran natin sila,” wika niya ngunit umiling lang si Mang Andoy. “Itay.”
“Nakapirma na ako sa kasunduan, Georgina. At hindi na p’wedeng bawiin iyon, " matigas na pahayag ng kanyang ama.
Napatda si Georgina sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya makapaniwalang magagawa ng itay niya ang bagay na iyon.
Dahil sa sama ng loob ay umalis siya sa kanilang bahay. Hindi niya na pinakinggan ang paliwanag ng ama.
Tinawag siya ng mga ito ngunit tuloy-tuloy siya sa paglalakad. Pupunta siya sa lugar kung saan makalilimot siya kahit isang gabi lang.
Samantala, si Dos naman ay katatapos lang maligo nang tumawag si Thor sa kanya.
“Ang sipag mo naman yata sa trabaho at nakalilimutan mo na ako, Buddy,” wika nito sa kabilang linya.
“Hindi naman, Buddy. First day ko kanina sa trabaho at nangangapa pa lang ako. Pasens’ya ka na at hindi ko nasagot ang tawag mo kanina, medyo busy ako sa mga papeles na iniwan ni Papa,” paliwanag niya.
“Okay lang. Talagang business minded ka na ngayon, ah. Pero yayayain sana kita para makapaglibang din tayo. Matagal na rin tayong hindi nakakapag-jamming sa bar simula nang magkaroon ng sunod-sunod na misyon, tapos nasa kumpanya ka na ngayon. Free ka ba ngayon, Buddy? Na-miss na kita,” paglalambing nito sa kabilang linya.
“Akala mo naman kung mag-jowa tayo. Oo, free ako ngayon.”
“Yes! Hintayin kita, rito sa bar. Text ko, sa ‘yo address.”
“Bakit, nariyan ka na? Ang bilis mo naman, para kang si Superman,” natatawang sabi niya sa kaibigan.
“Oo, ako pa! Kasama ko ang mga bagong kapulisan. Hintayin ka namin, ah. Bye,” sabi nito sa saka binabaan na siya ng cellphone.
Natanggap din agad ni Dos ang text ni Thor kung saang bar umiinom ang mga ito.
Nagbihis si Dos ng long sleeve dahil gabi na rin saka siya bumaba na sa kanyang condo at tinungo ang kotse. Wala pang beinte minuto nang siya ay makarating sa night bar. Pagpasok niya ay agad nakita si Thor, kasama nito ang dalawang bagong pulis kaya lumapit na siya sa mga ito.
“Buddy!” sambit ni Thor nang papalapit na siya. Tumayo ito at nagyakapan sila. As usual, para silang mag-jowa. “Naks! CEO na CEO, ah! Lakas ng dating,” wika pa nito.
Napailing na lang ang binatang CEO sa sinabi ng kaibigan. Ipinakilala ni Thor ang mga kasama kay Dos at nag-order pa ito ng kanilang inumin.
“Kumusta na, Buddy? Kumusta ang trabaho ninyo ngayon?” tanong niya rito saka lumagok siya ng alak sa bote.
“Okay naman, Buddy. Walang misyon ngayon. Medyo malungkot kasi nag-resign ka, eh. Wala akong kabiruan, hindi ba, ‘tol?” untag nito sa dalawang kasama na um-oo lang.
Nagkukuwentuhan pa sila nang mag-aya si Thor na gusto nitong sumayaw dahil maganda raw ang tugtog. Aayaw sana si Dos ngunit hinila siya ni Thor kaya wala siyang nagawa kung ’di ay nagpatianod na lang.
Habang sumasayaw silang apat sa gitna ng tugtugin biglang may bumangga sa kanyang likuran. Nilingon niya ito at babae ang nakabangga sa kanya.
Mukhang marami na itong nainom dahil sa hitsura nito. At pagewang-gewang na rin kung maglakad ang babae.
“Lapitan mo na, Buddy,” wika ni Thor sa kanya. “Mukhang lasing na ang babaeng ʼyon. Mamaya may loko-loko pa rito at mapagtripan siya,” dugtong pa nito.
Tama si Thor kaya hindi na siya nag-atubiling lapitan ang babae. Hinarang niya ito dahil para na itong matutumba sa kalasingan.
“Hello, Miss,” bati niya rito. “Are you alone or are you with your friends?”
“Sino ka? Huwag mo ʼkong ma-english-english, ha! Nasa Maynila ka lang,” gagad ng babae sa lasing na boses.
Lihim na napangiti si Dos dahil kahit nakainom ay halata pa rin ang simpleng kagandahan nito. Pinasadahan niya ng tingin ang babae at naka-uniporme pa rin ito. Kung hindi siya nagkakamali ay sa mall ito nagtatrabaho.
“I’m Dos. Uhm, mukhang marami ka nang nainom, Miss. Delikado pa naman dito lalo na kung wala kang kasama,” pahayag niya rito ngunit tila parang wala itong narinig. Sa halip ay pagewang-gewang itong naglakad palayo sa kanya. “Miss!” tawag pa niya dahil nag-aalala siya rito.
Tumigil ang babae kaya agad sʼyang lumapit dito.
“Ang kulit mo! Hindi kita kilala at huwag ka nang dumagdag sa problema ko!” asik nito.
“Hindi kita maintindihan dahil sa lakas ng tugtog. Pʼwede ba tayong lumabas at sabihin mo sa akin kung ano iyang problema mo, baka makatulong ako?” muli niyang pahayag.
Tumingin ang babaeng lasing sa kanya saka ito sumagot.
“S-Sige. Basta mabait ka, ha. Uhm . . . Georgina ang pangalan ko,” sambit nito.
Maglalakad na sana ito nang muntik itong matumba. Mabuti na lang at agad siyang nahawakan ng binata kaya tila parang kuryente ang dumaloy kay Dos nang magdikit ang kanilang balat. Hindi naman ito ang unang babaeng nahawakan niya ngunit kakaiba ang dating nito sa kanya.
Inalalayan niya itong lumabas hanggang sa makarating sila sa kotse. Hinubad niya ang suot na long sleeve at ipinatong iyon sa balikat ng babae.
“S-Salamat. Lasing ako pero alam ko pa naman ang ginagawa ko,” paliwanag nito sa malungkot na boses.
“May problema ka ba, Georgina at uminom ka?” tanong niya dahil halata sa dalaga na may dinadala nga itong problema.
“U-Uhm, ayokong pag-usapan. P’wede bang ilayo mo na ako, rito? Pumunta tayo sa lugar na tahimik kung saan makalilimot at giginhawa ang pakiramdam ko,” sabi nito.
“Sa hotel lang ang alam ko na tahimik at giginhawa ang pakiramdam mo. Gusto mo bang pumunta tayo roon?” tanong niya.
Tumango si Georgina sa kanya kaya pinaandar niya na ang kotse patungong hotel.
Pagdating nila roon ay pinagbuksan ni Dos ng pinto si Georgina. Sabay silang pumasok sa loob. Nagbayad ang binata at pinuntahan na nila ang kuwartong inilaan ng receptionist sa kanila.
Pagpasok nilang dalawa sa loob nang kuwarto nang hubarin agad ni Georgina ang long sleeve na ipinatong ni Dos sa balikat nito kanina.
Akala ni Dos ay iyon lang ang gagawin ng dalaga ngunit hinubad pa nito ang suot na uniporme kaya tumambad sa kanya ang malulusog nitong dibdib.
“F*ck! What are she doing? Is sheʼs crazy?” bulong ni Dos sa kanyang sarili.
Huwag ka, Dos dahil gustong-gusto mo naman ang ginagawa ng babaeng kaharap mo!
“Ang init pa rin,” sambit ni Georgina kaya hinubad pa nito ang suot na palda.
Napalulunok tuloy si Dos habang pinananonood niya ang naghububad na dalaga. Ngunit hindi na siya nakatiis kaya nilapitan niya na ito at agad siniil ng mainit na halik.
Nang maramdaman niya na nagugustuhan ni Georgina ang kanyang ginagawa ay pinalalim pa nʼya ang paghalik sa labi nito.
At narinig niyang umungol na ang dalaga kaya bumaba pa ang kanyang halik sa leeg, hanggang sa dalawang malulusog nitong dibdib.
“Ohh. . . ! Hmm. . .” sunod-sunod na ungol ni Georgina.
Kaya lalo pang idiniin ni Dos ang pags*ps*p sa dalawang ut*ng ng dalaga.
“F*ck! Youʼre so hot, babe,” usal pa niya na hinubad na rin ang suot. At binuhat niya ang dalaga papasok sa bathroom at muli nilang sinimulan ang naudlot na romansahan.