Mabilis na lumipas ang isang linggo sa pamamalagi ko sa bayan ng Cait. At katulad ng inaasahan ko ay hindi ako naging mapalad na makahanap agad ng mapagtra-trabahuan. Hanggang ngayon kasi ay isyu sa karamihan ang pagiging dayo ko sa kanilang bayan. Alam ko naman na hindi kadali na mabago ang pananaw nilang iyon pagkatapos ng dating kaguluhan kung saan maraming mamamayan nila ang namatay. Dahil doon ay labis na nahihiya tuloy ako sa mag-asawa. Pakiramdam ko ay naging mabigat na bagahe pa ako sa kanila dahil sa pakikitira ko sa bahay nila. Alam ko na sapat lang ang kinikita nila sa taniman at dumadagdag pa ako sa mga gastusin nila. Sinubukan ko naman na ibigay sa kanila ang kalahati ng kinita ko sa mga kristal pero pareho nila na tinanggihan iyon. Sinabi pa nila na itabi ko na lamang iy