KABANATA 2

3251 Words
NAGISING ako sa loob ng kwartong kulay puti ang halos lahat na makikita. Mula sa ceiling at pader, lahat iyon ay kulay puti. Kung namamalikmata lang ako ay baka mapagkamalan ko'ng nasa langit na nga ako. Iyon ay kung doon nga ang hantong ko. Walang makakapagsabi. Napaigik ako nang subukan ko'ng gumalaw. Namamanhid ang kalahating bahagi ng katawan ko. Dahan-dahan ko'ng itinaas ang kamay upang hawakan ang impis ng aking tiyan. Huminga ako nang malalim. Nanganak na siguro ako habang walang malay. Mayroon ding binder na nakapulupot sa tiyan ko. Isa lang natitiiyak ko, inoperahan ako. C-section marahil ang ginawa sa akin ng mga doktor. Dahil ngayon ko nararamdaman ang epekto ng sakit at hapdi sa sugat ko. Aware naman na ako roon. Sa mga check-up ko pa lang ay sina-suggest na iyon ng OB-gyne ko dahil nga high risk ang pagbubuntis ko. Mababa ang hemoglobin ko at masiyadong malaki ang timbang ng sanggol. Biglang umasim ang sikmura ko at umakyat ang mainit na likido palabas sa aking bibig. Pinilit ko'ng tumagilid para isuka ang lahat ng iyon. Saglit pa ang natakot nang makitang kulay berde ang likidong lumabas sa bibig ko. Nasa ganoong sitwasyon ako nang madatnan ng nurse. “Naku, Ma'am!” Nagmadali itong itinapat sa bibig ko ang basin at doon nga ako sumuka nang sumuka. Nakahinga lang ako nang maluwag nang wala na akong maisuka pa. Kaginhawaan ang sunod ko'ng naramdaman. “Nurse, bakit kulay berde ang suka ko?” tanong ko sa nurse na kasalukuyang inaayos ang swero ko. “Normal lang po 'yan, Ma'am. Epekto po talaga 'yan ng mga gamot. Nang magising po ba kayo, nag-freeze kayo?” Umiling ako. “Hindi naman.” “Good for you, Ma'am. Karamihan kasi ng ceasarian ay dumadanas no'n," anito. “Injectionan ko lang kayo, Ma'am, ah. Pain reliever po ito." Napapikit ako nang kunin niya ang kamay ko para palitan at ayusin ang swerong may bahid ng dugo. Mabilis na nagtrabaho ang nurse kaya agad itong natapos. “Manhid pa rin po ba ang pakiramdam ng mga paa niyo, Ma'am?” “Oo. Mga anong oras mawawala 'to? Gusto ko nang makita ang baby ko," saad ko. Na-i-imagine ko na ang itsura ng baby ko. Maybe he looks like his father. Gwapo ang tatay kaya alam ko'ng makukuha niya ang ganoong ka-dominanteng genes nito. Hindi alam ni Eres Juan na may litrato ako nito sa gamit ko at iyon ang palagi ko'ng tinitingnan sa tuwing sumisipa ang baby ko sa tiyan. Siya ang pinaglilihian ko sa loob ng siyam na buwan kahit na kasabay noon ay ang pagtatago ko ng katotohanan. “Nasa nursery room po ang baby niyo, Ma'am. Since ceasarian kayo ay doon muna siya pinag-stay ng mister niyo," imporma ng nurse. Mister? Si Eres Juan ba ang tinutukoy nito? Napangiti ako nang mapait. Kaysarap pakinggan pero kaysakit rin ng katotohanan na hindi iyon mangyayari kailanman. Bago umalis ang nurse ay nagbilin ito na pilitin ko'ng igalaw ang mga paa ko para mas madaling mawala ang pamamanhid. And I did it hanggang sa unti-unti ko na ngang nagalaw ang ibabang bahagi ng katawan ko. Tumayo ako kahit masakit pa ang aking sugat. Gusto ko na talagang makita ang anak ko. Hindi ko pa nasasabi kay Eres Juan ang pangalan na gusto ko para sa anak namin. Kasi hindi ko rin naman sigurado kung ipapagamit nito ang apelyido. Pero bahala na muna ang mga isipin na iyon. All I want now is to see my son. I wanna hug and kiss him. Hawak ko ang IV stand habang palabas ng kwarto. Nagtanong tanong ako kung nasaan ang nursery room sa mga staff na nakakasalubong ko sa hallway ng hospital. Nasa pinakadulo pala iyon. Umukit kaagad ang ngiti sa labi ko habang papalapit sa naturang kwarto. May mangilan-ngilan na taong nakatayo rin doon, nakasilip sila sa malaking salamin. Nang makalapit ay sandali akong nalito sa rami ng mga sanggol na naroon. Halos magkakamukha ang lahat. Sa pinakagitna ay nakuha noon ang atensyon ko. Dahil ito lang ang sanggol na hindi umiiyak. Binasa ko ang nakalagay na tag sa crib nito. Laking tuwa ko na ipinagamit pala ni Eres Juan ang apilyedo niya. Bakit naman kasi hindi? Anak niya ito. Dugo at laman. Kahit paulit-ulit pa niyang ipa-test for DNA ang anak ko ay mag-aaksaya lamang siya ng pera. Dahil alam na alam ko'ng positive ang magiging resulta. “Hi Baby Gido." Nilaro laro ko ito kahit na alam ko namang hindi nito iyon nakikita. Gideon Alarkin talaga ang naisip ko'ng pangalan nito. Dito ko na naisip na bigyan ito ng palayaw na Gido. At sa tingin ko naman ay babagay ang pangalan na iyon sa anak ko. Mga ilang oras pa akong nanatili roon bago ko nakitang pinapadede na ng nurse ang baby ko. Formula milk ang gamit nito sa pagpapadede. Gusto ko sanang umalma dahil ang gusto ko sa akin sususo si Gido pero nang sabihin ng nurse na iyon daw ang gusto ni Eres Juan ay hindi na ako nakapalag. Ipinag-utos din nito na hindi ko muna raw maaaring hawakan ang sarili ko'ng anak hangga't walang pahintulot nito. Para akong tuta na sa tuwing maririnig ang pangalan ng amo ay tutupi na. Anong magagawa ko? Makapangyarihan ito. Maraming salapi. Kilalang tao sa lipunan ng mga negosyante. Halimaw at matinik ang pagkatao. Bukod pa roon ay kailangan ko siya. My son needs him. Kailangan ko siya para matustusan ang pangangailangan ng anak ko. Kung kinakailangan ko'ng maging sunod-sunuran sa kanya ay gagawin ko. Napabuntong hininga ako at muling sumulyap sa salamin. “Ba-bye, Baby Gido. Babalik din si Mommy. Pagbalik ko, yayakapin kita nang mahigpit. I love you.” Hinalikan ko ang palad pagkatapos ay nilapat iyon sa salamin. Sa ganoong paraan ko inilabas ang pagmamahal ko. Pabalik na ako sa sariling kwarto at sobrang bigat ng loob. Pakiramdam ko ay may kulang sa akin. Gusto ko'ng mayakap ang anak ko pero hinaharangan iyon ni Eres Juan. Nakarating na ako sa tapat ng kwarto. Nagtaka lang ako dahil nakabukas ng bahagya ang pinto. Ang alam ko ay isinara ko ito bago umalis kanina. Itinulak ko iyon papasok at muntik na akong mapatili nang makitang nakatayo sa nakabukas na bintana si Eres Juan habang nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa. “N-Nandito ka pala,” untag ko. Hindi ko malaman kung para saan ang kabang nararamdaman. Kahapon ay puno naman ako nang tapang ngunit ngayon ay parang nanliliit ako bigla sa sarili. May kapangyarihan ang lalaki na 'to na iparamdam sa mga taong nakapaligid ang sariling kahinaan. “Did you see your son?” Humarap ito sa akin. His hands was still on his pocket. “It's our son, Eres Juan. He's name is Gideon Alarkin Montevista. You should remember that name.” Pagtatama ko at dahan-dahang naglakad pabalik sa kama. Sinadya ko'ng gamitin ang apilyedo nito sa dulo ng pangalan ng anak ko dahil ito naman talaga ang ama. May alalay ang bawat galaw ko dahil baka bumuka ang sariwa ko'ng sugat. “Yeah, you're right. He is my son. And thats also mean, I have the power over him,” palatak nito. “Anak mo siya at hindi tauhan sa kompanya mo,” mahinahon ko'ng sambit. Bawat pagsasalita ko ay kumikirot ang sugat ko pati na rin ang s**o ko. Napaigik ako. “Are you alright?” Now he sounds concerned. “Ayos lang ako, basta sabihin mo sa nurse na ipahawak sa akin si Gido. Anak ko siya Eres Juan. Kailangan niya ng kalinga ko. Ako ang nanay niya at hindi iyong mga nurse na nagpapadede sa kanya." Hindi ko maiwasang makaramdam nang sama ng loob at maluha. Normal na nga lang siguro ang maging emosyonal sa mga bagong panganak. “Is that what you want?” ma-awtoridad niyang tanong. “Of course, iyan ang gusto ng lahat ng ina.” “It's funny that you are telling me that now. Acting like a good mother when in fact, you are such a manipulative and crazy b***h I've known,” punong-puno ng disgustong wika niya sa akin. Dinaan ko sa pag-irap ang sakit na epekto mula sa mga sinabi nito. “Hindi ako perpekto, pero kaya ko'ng magpaka-ina." Tumaas ang kasulok-sulukang linya ng labi nito. “Pagiging ina ba'ng matatawag ang ipaako sa ibang tatay ang kanyang anak?” Kaydali niyang naibaliktad ang baraha. Natigilan ako at walang maihabing mga salita. Sa huli ay talunan akong nag-iwas ng tingin. “Gusto ko lang makasama ang anak ko Eres Juan. Pagbigyan mo naman akong mahawakan si Gido.” Nagbalik-sulyap ako sa kanya. Gusto ko'ng makita niya ang sinseridad sa mga mata ko. Ilang minuto niya akong pinagmasdan na parang sinusuri ang bawat parte ng mukha ko. Ang uri ng tingin nito ay hindi kayang salubungin ng kahit sinong tao. Miski ako ay hindi ko ito matagalan. Para ba'ng kaya nitong pasukin ang nilalaman ng isip mo at basahin ang lahat ng iyon. Sa aming dalawa, siya ang mas mahusay pagdating sa pagmamanipula. Kapagkuwan ay inalis nito ang isang kamay sa bulsa at ipinasok sa loob ng coat. Binunot nito ang kanyang phone at itinapat sa tainga. May kinausap ito roon. Ang tanging naiintindihan ko lamang sa pag-uusap na iyon ay ang pagpapaalam nito sa head ng hospital na hayaan akong mahawakan ang anak ko. Natapos ang tawag nito na malamig akong tiningnan. “Consider it done. You can now visit our son. Just promise you don't do stupid things behind my back. 'Cause you know better that I am capable of doing anything. Kaya ko'ng ipatikim sayo ang pait ng impyerno oras na may gawin ka'ng hindi ko magugustuhan,” pagbabanta nito sa akin na nagdulot ng bagyo sa aking kalamnan. Tingin ko ay hindi na niya kailangan pa'ng gawin iyon. Ang makaharap pa lamang siya ay parang nasa free trial na ako papuntang impyerno. Napakainit ng atmospera at kaya ako'ng tupukin niyon gamit lamang ang presensya nito. Sala sa lamig, sala sa init ang ibinibigay niyang parusa sa sistema ko. What a great combination. “Maraming salamat,” ang nasabi ko na lamang. Kahit na ganito katindi ang poot niya sa akin, nagpapasalamat akong ikinunsidira niya ang aking kagustuhan. Umalis rin ito matapos naming makapag-usap. Sa pagbalik ko sa nursery room kinabukasan ay malaya ko nang nailagay sa bisig ko ang sanggol na nanggaling sa akin. Ang sanggol na siyam na buwan ko'ng dinala sa sinapupunan ko. Lumolobo ang puso ko sa sobrang saya nang mahawakan ko ang maliit at napakalambot nitong palad sa unang pagkakataon. Natatakot pa akong galawin siyang mabuti dahil pakiramdam ko ay madudurog siya sa mga hawak ko. “Hi Baby Gideon Alarkin, ako ang nanay mo. I love you.” Nilaro-laro ko ang mga daliri nito. Tanging paghikab naman ang sagot nito. Napaka-cute talaga. Ang buchog ng pisngi at ang haba ng pilik mata. Tulog na tulog pa ito. Sa malapitan pala ay kitang-kita na talaga ang wangis na nakuha nito sa ama. Napahagikhik ako. Ganito pala kasaya ang magkaroon ng rason upang mabuhay. Dati rati kasi, sarili ko lamang ang iniisip ko. Wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin. Basta makuha ko lang ang gusto ko, masaya na ako. Lumaking materlihiyosa at luho naman ang aking nagsisilbing droga. That was me before. Nakalalason ang personalidad na mayroon ako. Kahit si Dylux ay hindi ako nagawang baguhin ng relasyon namin noon. Siguro dahil napakalungkot ko'ng tao at naghahanap ng tunay na pagmamahal. Na hindi naibigay sa akin ni Dylux noon pero nagbulag-bulagan ako at nanatili pa rin sa tabi nito kahit durog na durog na ako. Oo, minahal ko siya, pero mas mahal ko ang sarili ko at kapakanan kaya nagawa ko siyang lokohin noon. Pinagsisisihan ko na iyon ngayon. Magkaroon lamang ako ng pagkakataon, paulit-ulit akong hihingi ng tawad sa kanya. Akala ng lahat napakasaya ang magkaroon ng buhay na mayroon ako. Gala roon, gala dito. Gumasta nang gumasta, iyang ang motto ko noon. Shopping galore everywhere. Isa lang sa mga bagay na 'yon ang iniisip nila sa akin. Little did they know, napakamiserable ko'ng tao. Napakaraming aspeto ang kulang sa pagkatao ko. Punong-puno ang panlabas na anyo ko ng kinang pero ang puso ko, nabubuhay sa dilim. Sabik ako sa atensyon ng mga magulang. Sabik ako sa pagmamahal. Sabik ako emosyonal na bagay. At sa mga oras na 'to, masasabi ko'ng ngayon ko lang naramdaman ang maging masaya dahil pinili ko ang pinakatamang desisyon sa buhay ko. Ang buhayin at isilang ang aking anak na si Gido, na minsan ko na ring pinag-isipang ilaglag. My baby. . .gagawin ko ang lahat para maging mabuting magulang niya. Pupunuin ko siya ng pagmamahal at pag-aalaga. But how can I give that to him kung ako mismo, hindi ko magawang mahalin at patawarin ang sarili ko ng buo? Napalis ang sayang nararamdaman ko sa sumundot na kaisipan na 'yon. “Ma'am, oras na po para ilagay sa crib si baby," anang nurse sa akin. “G-ganoon ba? Hindi ba pwedeng sandali na lang?” “I'm sorry Ma'am, pero limitadong oras lamang po ang binibigay sa inyo ni Mr. Montevista. Isa pa po ay oras na rin para padedein siya ng gatas.” “Anong klaseng gatas ang pinaiinom niyo? Formula ba?” “No, Ma'am. Gatas po ng ina ang pinaiinom namin. Iyon kasi ang utos ni Mr. Montevista.” Hindi na ako magtataka kung maging sunod-sunuran ang mga tauhan ng hospital na 'to kay Eres Juan. Pero isang bagay ang hindi ko matanggap, ay ang padedein ang anak ko ng breastmilk ng ibang nanay samantalang mayroon naman ako niyon. Ito nga at sumasakit na ang dibdib ko dahil sa pamumuo ng gatas sa akin. Gusto ba niya talaga akong insultuhin? Kung iyon ang gusto niyang iparating, pwes, nagtagumpay na siya. Naiinsulto ako ng lubos. Panandalian akong sumulyap kay Baby Gido bago nilipat ang pansin sa nurse. “Ako na ang magpapadede sa anak ko, ayos lang ba?” nakikiusap kong sabi na dati ko'ng hindi ginagawa. Nang malagay ako sa alanganin, doon ko lang na-realized na ang lahat ng karangyaan ay nawawala rin. Naransan ko ang hirap sa lansangan nang ipagtabuyan ako ng magulang ko. Tipong kapos na kapos ka at hindi mo lubos maisip kung paano mo itatawid ang gutom sa mga susunod pa na araw. Napagtanto ko na ang mga tao sa mundong ibabaw na 'to ay pantay-pantay, na dapat ding respetuhin at igalang. I shouldn't treat them wrong. Nag-alinlangan ang nurse sa akin at umiling. “Pasensya na talaga Ma'am, pero sinusunod ko lang ang utos sa akin. Ma-impluwensya po ang tatay ng anak niyo. Baka mawalan po ako ng trabaho. Marami po'ng CCTV sa hospital na 'to bukod pa sa mga Marites ko'ng kasamahan,” apologetic na tumango sa akin ito at saka lumapit sa akin upang kuhanin si Baby Gido. Napipilitan namang ibinigay ko dito ang anak ko. Ayoko namang matanggal ang kawawang nurse na 'to dahil lamang sa pamimilit ko. Tanaw-tanaw ko silang pumasok sa nursery room. Sa ikalawang beses na pagpunta ko rito, aalis na naman ako nang malungkot at hindi kuntento. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung tama ba na bigyan ko ng karapatan ang ama ng aking anak. Lutang akong bumalik sa silid nang marinig ko ang boses ni Eres Juan mula sa loob. Hindi ako tumuloy sa pagpasok at bahagyang sumilip sa may siwang. Nakita ko'ng hindi ito nag-iisa roon, may kasama itong babae na naka-formal attire, naka-ponytail at makapal na make-up. Parehong nakaupo ang dalawa sa sofa at seryosong nag-uusap. “Sigurado ka ba sa desisyon mo?” malamyos na tanong ng babae kay Eres Juan. “Of course,” tugon ni Eres Juan sa mariing paraan, na animo'y kahit sino ay walang makakabali ng desisyon nitong iyon. “Paano kung hindi pumayag ang ina ng anak mo? Paano kung ipilit niya ang karapatan sa bata? Paano kung sabihin niyang mahal ka niya?” mapaghamon ang mga tanong na iyon kay Eres Juan. “Let's just be real Eres Juan, may nakaraan kayo ng babaeng 'yon kaya nga nagka-anak kayo. Kitang-kita ang ebedensya at hindi iyon maitatago. And the result of DNA is a hundred percent positive. I'm definitely sure that she loves you. Imposibleng hindi. You're a good catch, anyway. Every damn girls worshipping your name at nasisiguro ko'ng kabilang din ang babaeng 'yon sa kanila.” Kumabog ang dibdib ko sa naririnig. Hindi ko kilala ang babae pero bakit sa pananalita nito ay kilalang-kilala nito ang buong pagkatao ko? Nahihimigan ko ang panghuhusga nito sa akin. Alam ba niya ang lahat sa akin? Alam ba niya ang laman ng isip ko? Alam ba niya ang mga pinagdaanan ko'ng hirap? “Devon, ang dapat na tanong mo sa akin ay kung minahal ko ba ang babaeng 'yon.” May himig na iritasyon ang itinugon ni Eres Juan. Napapikit ako sa pagpataw nang kirot at hapdi sa puso ko. Pigil-pigil ko ang sariling luha na nauwi sa pagbara ng malaking bikig sa aking lalamunan. Masakit din pala na marinig iyon sa taong ama ng aking anak. Ang mga panahon na magkasama kami ay basura lamang pala para sa kanya. “But how can you convince her to give you the full custody of your child?” Custody? Anong ibig sabihin ng babaeng 'to? Bakit hihingin ni Eres Juan ang buong kostodiya ng aming anak? Pinalis ko ang luhang pumatak sa pisngi at matiyagang hinintay ang magiging sagot ni Eres Juan. “I will pay her an enormous amount of money. Alam ko'ng hindi niya iyon matatanggihan. She's unstable on any aspect. Sa estado niya ngayon, hindi niya kayang maging ina sa anak ko,” buong kumpiyansang saad ni Eres Juan. “That's the reason I brought you here Devon, you will be my personal lawyer. Sa ganoon ay mas mapadali ang pirmahan ng mga dokumentong kailangan sa pagsasalin ng kustodiya. Gagawin ko ang lahat mapapayag ko lang ang babaeng 'yon.” Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang umiling. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko na kanina pa nagbabadya. Ilalayo niya ang anak ko sa akin. Napakasama niya! “Good to hear that, Eres Juan. Oras na pumirma ang ina ng anak mo, dalhin mo na agad ang anak mo sa America nang sa ganoon ay hindi na niya kayo magulo pa.” Tuluyang na-blangko ang isipan ko at nagmamadaling umalis palayo sa pinto. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Dumagdag pa ang kirot ng aking sugat. Kahit hirap akong maglakad ay pinilit ko ang sarili makalayo lamang. Sa kalagitnaan ng hallway ay huminto ako sapagkat mas tumindi ang pananakit ng tahi ko. Inangat ka ang suot na binder upang silipin ang sugat ko. Napaigik ako nang makita ang sinapit niyon. Hndi ko namalayan kanina na napwersa ko na pala ang kilos na nagdulot nang pagdurugo niyon. Umiiyak ko'ng sinapalan ng sariling kamay ang sugat na nagdurugo. Sobrang sakit niyon na halos ikadaing ko nang malakas. Hindi ko na alam kung ano ang mas masakit sa nangyayari ngayon. Iyong mga narinig ko ba kanina o ang sugat ko na walang humpay ang pagdurugo. “Miss, ayos ka lang ba? Nagdurugo ang sugat mo?” tanong ng nurse na nakapansin sa akin. Umiling ako sa kanya bago pa napahawak sa kanyang kamay. Sinalo nito ang bigat ko. Nanghihina ang tuhod ko kaya nawalan ako ng balanse. Nanlalabo pa ang mga mata ko'ng basang-basa ng luha. Umukit ang pag-aalala sa mukha ng nurse pagkatapos ay malakas na sumigaw. “Emergency! Emergency! Dinudugo ang sugat ng pasyente!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD