KABANATA 3

3478 Words
“MA'AM, sa susunod po, huwag pi-pwersahin ang sarili niyong kumilos lalo na't sariwa pa ang tahi mo. Mabuti na lang at hindi masiyadong bumuka ang sugat." Kasalukuyang nililinisan ng nurse ang sugat ko habang nagbibigay ng payo. Pangalawang beses na nitong ginagawa iyon. Hindi maayos ang daloy ng sinasabi nito sa pandinig ko. Wala sa sariling nakatulala lamang akong nanonod sa ginagawa niya. Maraming sinasabi ang nurse ngunit hindi iyon pumapasok sa tainga ko. Umaalingawngaw pa rin kasi sa isip ko ang mga narinig ko mula sa bibig ni Eres Juan kahapon. Ang mga plano nila ng kanyang abogado. Ang pagkuha ng buong kustudiya ng anak namin mula sa akin. Pagkatapos ay itatapon ako na parang basura. Mawawala sa akin ang pinaka-importanteng tao na binigay sa akin ng Diyos, ang aking anak. Hindi ko iyon mapapayagan. Ngunit, sa isang banda, wala akong kapangyarihan para pigilan iyong mangyari. Mahinang-mahina ako kumpara sa ama ng aking anak. Sa isang pitik lamang ni Eres Juan ng kanyang mga daliri ay mapapagtumpayan niya ang lahat ng plano. Kayang-kaya niyang makuha sa akin ang anak namin. Kayang-kaya niyang baliktarin ang lahat at palabasin na wala akong kakayahang alagaan ang aking anak. Lalo pa ngayon na may hawak siyang mga dokumento laban sa akin. Dokumentong nagsasabi na may sakit ako sa pag-iisip. I know I shouldn't be scared about it because it's all just a lie. Hindi naman totoong may sakit ako sa utak. Matinong-matino ang mentalidad ko. Pakana lamang ng mga magulang ko ang kasinunangalingang iyon upang hindi ako iwanan noon ng dating nobyo ko'ng si Dylux dahil hayok ang mga ito sa kayamanan ng huli. Subalit ang usapan dito ay si Eres Juan—he can turn the world upside down in just one blink. Nang matapos ng nurse linisan ang sugat ko ay nagpaalam na itong aalis muna para sa gagawing pang rounds. Nagpasalamat naman ako rito. Bago pa tuluyang maisara ng nurse ang pinto ay mangyari na pumasok naman si Eres Juan doon. Hinintay ko ang sunod na pagpasok ng abogado nito. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi iyon mangyari. Mabuti at wala ang babaeng iyon. He was all alone. Maingat ang mga hakbang nitong lumapit sa akin. “Kumusta ang pakiramdam mo?” anito na hindi ko alam kung sinsero o sadyang dala lamang ng pakunswelo. “Maayos na kumpara no'ng una,” hilaw kong sagot. Nang makita ako ng nurse kahapon na dinudugo ang sugat ay kaagad akong dinala sa O.R upang sumailalim sa pangalawang operasyon. It was just a minimal operation dahil may kaunting laman na lumitaw sa sugat ko. I was scared that time but not for myself, kundi para sa anak ko. Takot akong maiwanan ito sa napakaagang paraan. Bago ako ineksyunan ng anesthesia ay nakita ko pang pagtatangkang pagpasok ni Eres Juan sa operating room ngunit pinagbawalan na ito ng mga doktor. Hanggang sa makatulog ako ay nanatili siya sa pagitan ng malaking glass wall ng silid. Siguro ay hinihintay talaga nitong mamatay na ako. Haragan niyang sinipat ang itsura ko mula sa mukha hanggang sa aking tiyan kung saan nababalutan iyon ng binder. Mukhang hindi ito satisfied sa environment na nakikita kaya gumalaw ang mga kamay nito upang ayusin ang pagkakakasabit ng dextrose sa IV stand. Wala akong nagawa kundi pagmasdan ang mga bawat galaw niya. He doesn't change at all. Konting detalye lamang na hindi magustuhan ng mga mata nito ay pilit nitong aayusin. Rerepasuhin ang anumang bagay na magdudulot ng problema sa tingin nito. At para sa kanya ay isa akong malaking problema upang makuha ang ninanais nitong kustudiya. “I have no plan to give you the custody of my child." Hindi nakapagtimping sabi ko. Kusang dumulas iyon sa labi ko. “Kung iyan ang dahilan ng pagbisita mo sa akin ay kalimutan mo na. Hindi mo ako mapipilit." Sa hilatsa ng anyo nito ay tila nakumpirma nito sa sarili ang hindi sadyang pagkakarinig ko ng usapan nila ng kanyang abogado. “Isa sa mga kinaaayawan ko sa tao ay ang pakikinig sa usapan ng iba," at ease na saad ito. “Magaling dahil hindi na ako mapapagod na ipaliwanag pa sayo ang ipinunta ko rito." “Nagsasayang ka lang ng oras. Nagsasayang ka lang ng laway at pera dahil kumuha ka pa talaga ng abogado.” “Kung iyan ang paraan para maging legal ang pagkuha ko sa kustodiya ng aking anak. Handa akong gumastos ng kahit magkano," anito. “I wanna settled this in good way. Mas maigi kung makikipag-usap ka ng maayos." “Inaakala mo bang madali mo akong madadala sa usapan, pwes nagkakamali ka Eres Juan. You know me right? Mula pa noon ay alam mo'ng hindi mo ako mapipilit sa mga bagay na ayoko." Dinaan ko sa ngisi ang paglaban. “At huwag mo'ng subukang manipulahin ang kagaya ko'ng magaling sa bagay na 'yan." “And I despised you for that." “Kasuklaman mo na ako hangga't gusto mo pero hinding-hindi mo mailalayo ang anak ko!” singhal ko. Nawawalan na ako ng kontrol. Tomore ang makapal niyang kilay na tila nakikipaghamon din ng debate. “Ano ang kaya mo'ng gawin para pigilan iyon? Do you have anything? As I can see now, you have nothing. Even a single penny. Your parents disowned you. Miski sila ay itinakwil ka na. And you live in the streets. Mabuti at nakaya ng anak ko na mabuhay sa sinapupunan mo. May silbi ka naman pala kahit paano." Pinaraso-raso ng mga insulto nito ang lahat ng natitirang respeto at katatagan ko sa sarili. Napakatalim ng dila nito na ngayo'y sumisira sa akin. Dumagdag pa ang nagsisimulang pagkirot ng aking sugat. Hindi ko na alam kung ano ang mas masakit. Ang literal ba na sugat o ang hindi nga nakikita pero kaya namang magtanim ng napakalalim na hukay sa puso. “You're ruthless. . ." nanggigigil kong saad. “You're damn worthless," malamig niyang ganti. Ilang beses ko'ng kinurap ang mata para pigilan ang nagbubugsong luha. Hindi ako iyakin na babae. Kilala ko ang sarili ko bilang matapang, matibay at malakas. But at this point, kahit pa ang mga kalakasang iyon ay hindi kayang harapin ang nag-iisa kong kahinaan. “Umalis ka na. Tapos na ang visiting hours. Magpapahinga na ako." Nag-iwas ako ng mukha upang iparating na hindi ko gustong makausap pa siya. “Name your price, woman?” biglang sabi naman nito. Bumalik ang pansin ko sa kanyang mukha. Suot niya ang hindi makakailang pride sa sarili. Dahil lang ba mas makapangyarihan ito ay kaya na niyang tanungin ang halaga ng lahat. “Nasisiraan ka na," wika ko. Hindi makapaniwala ko siyang inilingan. Kung tulad ko pa ang dati ay baka hindi ko matanggihan ang alok nitong pera ngunit iba na ngayon. Anak ko na ang pinag-uusapan. Hindi ko kayang sikmurain na pahalagahan ang pera kaysa sa aking anak. Baka mas lalo ko nang kasuklaman ang aking sarili. “Magkano para tuluyan ka ng mawala sa buhay ng anak ko? Sabihin mo kahit magkano. Kayang-kayang ko'ng ibigay ang halaga na hihilingin mo. Basta ba ang kapalit ay ang paglayo mo. Ni tangkain magpakita pa sa kahit na sino sa pamilya ko ay huwag na huwag mo ring gagawin," pagpapatuloy niya. Napapikit ako nang sumipa ang sakit sa aking sugat. “Isaksak mo ang pera mo sa baga ng buong angkan ninyo. Walang kahit anong halaga ang anak ko Eres Juan. Pakatandaan mo 'yan.” Madilim ang mata nitong tinitigan ang mukha ko bago bumuntong hininga, walang bakas na pagsuko. “Well, I guess I have no choice. I thought I could easily convince you but I was wrong. Nakakabigla ang pagiging maprinsipyo mo sa bagay na ito. Pero kilala ko ang pagkatao mo, Kashien. This is only one of your scheme. Maybe in one or two days ay baka ikaw pa ang lumapit sa akin para humingi ng malaking pera. Hindi ka sanay sa hirap. You live in luxurious. Duda ako kung kakayanin mo'ng mabuhay sa lansangan ng matagal," anito at saka inayos ang higpit ng necktie. He's ready to leave. “Get ready of yourself, woman. I always get what I want. Even if it means destroying someone like you." Pigil ko ang bawat hiningang pinapakawalan ko sa mga sinasabi ni Eres Juan. Nagbabanta ang mga mata nitong idiniin ang pukol sa akin bago tuluyang lumabas ng kwarto. *** KASING lakas ng bagyo ang kalabog sa dibdib ko habang maingat na nagtatago palabas ng fire exit. Nang may dumaan na staff nurse ay kaagad akong umatras sa pinto at niyakap ang aking anak upang isiksik sa bisig ko. Balot ito ng malambot na pranela habang tulog na tulog. Sumasangayon ang pagkakataon sa kagustuhan ko'ng makaalis na rito. Abot-abot langit ang dasal ko na sana ay makatakas kami sa ospital ng walang aberya. Mga ilang araw ko ring pinagaralan nang palihim ang bawat sulok ng ospital. Mula sa pasukan at labasan nito. Pati na iyong may mga parte ng CCTV na maaari akong makita. Wala akong ibang ginawa sa mga araw at gabi kundi mag-isip ng magandang estratehiya sa pagtakas. Pati na ang kunwaring mag-babanyo lang ako pero ang totoo, pinuntahan ko lang si Baby Gido sa nursery room. Tamang-tama naman dahil walang nataon na nagbabantay sa silid na iyon. Madali kong nakuha ang anak ko. Kaya naman dapat ay bago pa kami maabutan ni Eres Juan ay nakatakas na kami ng anak ko. Sa ganitong paraan ay hindi na niya makukuha pa sa akin ito. Alam ko'ng sa paghingi ko ng tulong sa kanya at pag-amin ko sa opisina niya ay para ko na ring isinangla ang aking anak. Kailangan naming makalayo. Huminga ako nang malalim sabay dere-deretsong bumaba sa hagdanan. Wari ko sa kinita na ang tagusan ng fire exit na ito ay isang bakuran. Pasimple rin akong nagtanong sa nurse na nag-ro-rounds nitong nakaraan. Hindi naman ito nakahalata. At tama nga ako ng simpantaha, bakuran nga ang nilabasan ko. Nababalutan ng mga puno at damuhan ang bakuran. Madilim ang ulap sa kalangitan kaya damang-dama ko ang lamig ng hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap kay Baby Gido. He's still peacefully sleeping. Ang inosente nitong mukha ang nagbigay diin sa utak ko para isipin na tama ang gagawin ko. I can raise him like other normal parents did. Kahit hindi sanay ay magsisikap akong magtrabaho. Kahit hindi sanay sa simpleng buhay ay titiisin ko at aaralin. I can be a loving mother to my son. I'm willing to sacrifice everything just for him. Nakita ko ang dalawang guard na nag-uusap na tila magpapalitan ng shift sa trabaho. Sinamantala ko iyon upang dumaan sa gilid nila ng hindi napapansin. Fortunately, ginawa ko naman ang lahat ng makakaya para hindi nila mapansin. My heart beats wildly hanggang sa sakayan ng jeep. Saka lamang ako kumalma nang umandar na ito at tuluyang makalayo. Tanaw-tanaw ko ang malaking ospital ng ilang saglit at saka bumaling sa aking anak. I kissed his forehead and cried silently. Napapatingin pa nga ang ibang pasahero sa akin pero wala akong pakialam. This is the reality. I have my son now at magsisimula kami ng walang kahit sino at ano. Sunod naming sinakyan ay bus papuntang probinsya ng Pangasinan. Tha's the only bus I've seen there. Naalala ko bigla ang Yaya Mindy noong dalhin niya ako sa bahay nila sa probinsya. Bakasyon noon at pinayagan ako ni Mommy na sumama kay Yaya Mindy para makapag-unwind sa mga beaches ng Pangasinan. Nakalimutan ko lang ang eksaktong address pero ang alam ko ay nasa pinakadulo iyon ng naturang probinsya. Napabuntong hininga ako. “Bahala na. Sana ay doon pa rin nakatira si Yaya Mindy." At wish ko lang ay natatandaan pa sana niya ako. I was seventeen that time when she decided to go back on her province. Sa tagal ng panahon ay sana lang talaga ay patuluyin niya ako sa tahanan niya despite of my bad behaviour towards her before. Sa kagustuhan ko talagang makalayo ay hindi na ako nag-isip pa at nakisingit sa kumpol ng mga pasahero na pumapasok sa sasakyan. Wala akong kapera-pera at pambili ng ticket kaya iyon ang una ko'ng naisip. Maswerte naman dahil hindi punuan ang bus. Huminto ang bus sa gas station saglit para sa mga gustong kumain o gumamit ng banyo. Saka ko lang naramdaman ang gutom. Sakto rin dahil nagising si Baby Gido na ngayo'y nakatingin lang sa akin. “Gutom na ba ang baby na 'yan? Di bale, kakain na ang cute na baby,” pang-baby talk ko rito na parang naiintidihan na ang mga sinasabi ko. Pipikit-pikit ang mata nito habang inaaninag ang liwanag. Sinilip ko ang labas ng bus at naghanap ng mapipwestuhan upang magpa-breastfeed. Pakiramdam ko ay swerte pa rin ako dahil hindi ko kailangan bumili ng formula milk para mapakain ang anak ko. Sagana ako sa gatas na siyang laking tulong sa akin. Lumabas ako ng sasakyan at sa maliit na kainan nakiupo. “Miss, ano ho ang sa inyo?” tanong ng tindera sa akin. Mabilis akong umiling at ngumiti. “Pasensya na po pero wala po akong pera pambili. Makikiupo lang sana ako, pwede po ba?” “Sige po,” anito sa mabait na tono. Nagpasalamat ako sa kanya. Kasalukuyan namang dumede si Baby Gido sa dibdib ko. Napakasakit sa n****e pero tiniis ko iyon kahit panay ang ngiwi ko. “Heto o sabaw para mas dumami ang gatas mo.” Nagulat ako nang abutan ako ng tindera ng mangkok na may sabaw. “Hala, wala po akong pera pambayad diyan. . ." natatarantang tanggi ko. “Libre lang 'yan. Sige na at humigop ka. Masamang magpadede ng walang kain. Baka puro hangin ang masipsip ng baby mo." “Nakakahiya po," “Huwag ka ng mahiya. Maraming tulad mo na napapadpad dito sa lugar namin. Sa tingin ko galing ka'ng Maynila. May tinakasan ka ba?” “P-Pano niyo naman nasabing may tinakasan ako?” Masiyado ba akong obvious? “Iyong kutis mo kasi, pang-Maynila. Bi-bihira sa amin dito ang may ganyang kagandang kutis. Parang porselana. O, siya sige't higupin mo na ang sabaw bago pa lumamig. Pasensya ka na at 'yan lang ang maibibigay ko dahil tindera lang din ako." “M-Maraming salamat po. . .” ang tanging nasabi ko. Muling bumalik sa trabaho ang babae. At dahil nakaramdam ako ng pagkagutom ay nasimot ko ang laman ng mangkok. Kahit paano ay napawi ng sabaw ang nadarama ko'ng gutom. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng awa sa sarili. Daig ko pa ang isang pulubi sa kalagayan ko ngayon. Ngayon ko na-a-apprecciate ang mga bagay na mayroon ako noon. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagtawag na ang kundoktor tanda ng pag-alis ng bus. Nagpasalamat ako muli sa tindera bago bumalik sa loob ng sasakyan. Sa buong durasyon ng biyahe ay wala akong kaproble-problema kay Baby Gido dahil hindi ito iyakin. Panay lang ang tuloy nito. Magigising lang kapag gusto ng dumede. Sa haba ng biyahe ay hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako. Kung hindi pa ako tinapik ng kundoktor sa balikat ay hindi ako magigising. “Miss, gising na. Ito na ang huling babaan," bigay imporma nito. Naalarma ako at kaagad na tiningnan sa mga kamay ko ang anak ko. Laking ginahawa ko pa nang makitang hawak ko pa rin naman ito. Saka ko tinapunan ng tingin ang konduktor. “S-Sige po. Bababa na kami.” Kakamot-kamot sa batok ang lalaki habang sinusundan kami ng tingin nito palabas ng sasakyan. Napadpad kami sa hindi pamilyar na lugar. I don't remember the exact place anymore kahit anong pilit ang gawin ko. Paano ko hahanapin dito si Yaya Mindy? Kapag nagtagal pa ako dito sa daan ay baka mahamugan ang anak ko. Ayokong mangyari iyon. Buo ang loob ko'ng naglakadlakad upang magtanong-tanong sa mga tambay. Dapit hapon na rin dahil nagkukulay kahel na ang sinag ng araw na kanina ay masama. Palamig pa ng palamig ang hangin kumpara kanina noong nasa Manila pa ako. “Manong, may kilala ho ba kayong nangngangalang Mindy Cordero?” Unang subok ko pa lang na magtanong at pinalad kaagad ako dahil kilala nito ang hinahanap kong tao. “Ah, si Minggay ba ka mo? Diyan lang nakatira 'yan malapit sa basketball court. Nakikita mo 'yang daan na 'yan? Tahakin mo 'yan at may makikita ka'ng napakalaking puno na hitik sa bunga ng mangga," anito at saka siya sinipat ng buo. Panay ang pasalamat ko rito bago sinunod ang sinabi nitong direksyon. Hindi ako nahirapan pagkat unang dapo ng mata ko sa punong mangga ay naroon ang pamilyar na bulto ng isang ginang at abala ito sa pagwawalis. Simpleng duster lang amg suot nito. Malaki rin ang itinanda niya magmula ng umalis siya sa amin. Kaagad akong lumapit dito. “Y-Yaya Mindy. . .” Napahinto naman ito sa pagwawalis at saka mabagal na bumaling sa akin. Kunot noo nito akong kinalala nang maigi. Nabitawan niya ang hawak na walis nang sa wakas ay makilala ako. “Baoniman, awa! Ikaw ba 'yan Kashien?” Tumango ako at saka nahihiyang ngumiti. “Diyos ko po!" aniya na nasapo ang bibig sa kabiglaan. “Ang laki-laki mo na! At may a-anak ka na rin?” Tila maging ito ay hindi sigurado sa sariling tanong. “Tama ka po, Yaya Mindy, anak ko ho ito. Baby Gido po ang pangalan," kumpirma ko bilang sagot. Bahagya kong pinasilip ang mukha ng aking anak sa kanya. “Pagkaguwapo!” komento niya. “Aba'y kung ganon? B-bakit bigla yata ang pagpunta mo rito sa Pangasinan? Mabuti at alam mo pa ang lugar ko. Alam ba ito ng parents mo? Ang mga gamit mo? Bakit wala ka yatang bibit?” Sunod-sunod niyang mga tanong na nakapagpatanga sa akin. Gusto ko sanang ilihim ang sitwasyon ko pero dahil plano kong makituloy sa kanila kaya obligado akong ipaliwanag ang lahat sa kanya. “Y-Yaya Mindy. . .p-pwede po ba'ng makituloy sa inyo?” Sa tanong ko na iyon ay nakita ko sa mukha niya na parang nababasa na niyang may problema akong kinahaharap. Ngumiti siya sa akin at saka kinuha si Baby Gido upang buhatin. “Kumain ka na ba? Pumasok ka muna at ako na ang maghahawak dito sa anak mo.” Sa sala ako hinatid ni Yaya Mindy bago hainan ng mga makakain. Hinayaan niya muna akong tahimik na kumain at nang matapos ako ay pinadede ko na rin muna si Baby Gido para hindi ito umiyak. Pagkaraan ng ilang saglit ay kinausap na ako ni Yaya Mindy, wala naman akong nagawa kundi aminin ang mga datos na nararanasan ko ngayon. Nakiusap na rin ako na kung maaari ay makituloy kahit ilang araw lang. Medyo naiilang nga ako dahil matagal na kaming nagkahiwalay pero ganoon pa rin ang ugali nito, napakabait. Ako lang naman itong masama sa kanya noon. “Napakalaking problema nga niyan, hija. Hindi ako makapaniwalang nagawa ka'ng palayasin ng mga magulang mo sa ganyang sitwasyon. Unang-unang dapat silang nakakaintindi sa kalagayan mo.” Pati ito ay namomroblema na rin. “Ganito na lang, dito ka na muna sa akin kahit kailan mo gustuhin. Para na rin naman kitang anak. Pasensya ka na hija at naiinis talaga ako sa magulang mo. Sana ka pala tumutuloy habang nagbubuntis ka?” “S-Sa kalye po," “Diyos ko!” bulalas nito. “Maraming salamat po talaga at pinayagan niyo akong tumuloy dito sa inyo. Nahihiya ako dahil naging masama akong alaga sa iyo noon." “Wala iyong kaso sa akin, hija. Bata ka pa noon at kulang sa aruga ng mga magulang. Alam na alam ko ang nararamdaman mo kaya batid ko ring idinadaan mo iyon sa pagiging suplada at rebelde. Kahit kailan ay hindi ko naisip na magalit sa'yo. Alam mo ba kapag minsan ay naiisip kita o dalawin man lang sa mansiyon ninyo. Ang kaso ay baka hindi mo na ako naaalala.” Mangiyak-ngiyak niyang hinawakan ang isang kamay ko at pinisil. Napayuko ako upang pigilan ang pagpatak ng luha. Ito lang kasi ang nag-iisang tao na nagpakita sa akin ng pagtanggap sa kabila ng nakaraan na mayroon ako. Lahat kasi ng taong maaaring hingan ko ng tulong ay isinusuka ako. Ganoon siguro ako naging masama sa kapwa ko. Nabulag ako ng matagal para hindi makita iyon. “A-ayos lang po ba kung tawagin kitang, nanay?” usal ko. Napatitig sa akin si Yaya Mindy na parang nagulat at saka ngumiti pagkuwan. “Matutuwa ako kung 'yan ang itatawag mo sa akin. Ituring mo na ring bahay mo ito, hija." Naging payapa ang unang gabi ko sa bahay nina Nanay Mindy. Napakabait ng pamilya nito nang makilala ko. Tuwang-tuwa ang mga ito sa anak ko at nilaro-laro pa nga. Tinulungan din ako ni Nanay Mindy na linisan ang tahi ko sa tiyan. Naiisip ko'ng hindi masama na dito ko palakihin si Baby Gido, kasama ang pamilyang kahit hindi namin kadugo ay alam kong pauulanan siya ng pagmamahal.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD